"Nakilala kita sa di ko inaasahang pagkakataon,
nakakabigla para bang sinadya at tinadhanang pagkakataon"Bea POV
"Sa ngayon ito muna ang desk mo since hindi pa tapos ang bagong office ni Maam Jho sa 14th floor." Napatingin ako kay Sarah pagtapos niyang masabi sa akin ang desk ko.
Ipinakilala niya ako sa buong staff na nandito sa 7th floor kanina bago kami napunta dito.
"Ahh.. Maam Sarah--"
"Sarah nalang Bae."
"Ahm, Sarah.. diba po Marketing Assistant naman yung inapplyan ko, bakit dito yung desk ko?" Di ko na napigilang itanong ito sa kanya ngayon.
"Maam Jho prefer you to be her personal secretary."
A what?
"Ho?" Nabigla ako sa sinabi ni Sarah sa akin.
Kagabi, pagkatanggap ko agad sa text ay sobrang saya kong ibinalita kay Mama na natanggap ako sa ina-applyaan kong trabaho. Kaya naman kina umagahan ay mas excited pa siya kaysa sa akin kasi pagkagising ko ay naka prepare na lahat pati nga ang pagtext kay Thirdy na sunduin ako ay ginawa na niya.
Kaya medyo napaaga naman ang pagdating ko dito sa opisina. Mga ilang minuto din akong nag intay sa may lobby bago ako makita ni Sarah.
"Eh.. diba kayo ang secretary niya?" Naguguluhan kong tanong ulit. Ayoko din namang mang agaw ng pwesto no.
"Hindi." natatawa niyang tanggi. " Maam Jho doesnt have one, ako muna ang nag tatake over to remind her schedules since her Papa is out of town, in short secretary ako ni Mr. John Maraguinot, her father."
Nakahinga naman ako ng maluwag dun.
"So eto yung i-pad na issue mismo ng company for you, na download ko na din diyan lahat ng appointment na pupuntahan ni Maam Jho over the whole week."
Tatango tango nalang ako sa mga instructions na sinasabi ni Sarah sa akin. Konti lang na aabsord sa utak ko ngayon.
"Kailangan every week may report kang nilalagay sa desk ni Maam Jho para makita niya ang status ng company. And speaking of that report, pwede mong ipa-email or you can ask for a hard copy over the Financial Head, kilala mo naman na diba? Si Jennifer?" pagpapa-alala niya sa akin.
"Ah.. yea." Sagot ko nalang sa kanya. Dami kasing sinasabi.
"Well, I guess im done in here. And more thing, pag nagpapatimpla ng kape si Maam Jho, half a teaspoon of coffee and 2 teaspoon of sugar no cream, okay? And if you have any questions im at that office." Turo naman niya sa kwarto na nasa kabilang banda at may naka paskil na CEO.
"Ahh.. okay Sarah." Tipid kong sagot ulit sa kanya.
"Maiwan na kita dito, Bae." Tumingin siya sa kanyang relo. "Expect that she'll be here around 9:30, so... 20minutes from now."
Nakatulala naman akong nakatingin sa kanya. Parang ang bilis ng pangyayari, hindi naman yata ako prepared na maging personal secretary. Pero madali lang naman siguro to no? Mag rereport lang, magpapa alala sa kanya, yun lang naman siguro.
"You sure? You'll be okay?" Nag aalalang tanong sa akin ni Sarah.
I inhale deeply as I close my eyes. Kaya ko to i silently pray.
"I'll be okay, Sarah. Thank you for the informations, tatawagan lang kita kung may mga tanong ulit ako."
"Good. Sege, alis na ako."
Naglakad na paalis si Sarah at pumasok na din sa opisina ni Mr. John. Actually, hindi ko pa nakikita si Sir John ng personal dahil hindi pa ito bumabalik from Singapore but I always saw him on most of the Business Magazine with some of the biggest name here in the country.
BINABASA MO ANG
The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)
Fiksi PenggemarLove is a promise; Love is a souvenir Once given never forgotten. Never let is disappear