But there's a danger in loving somebody too much,
and it's sad when you know it's your heart they can't touch.
There's a reason why people don't stay where they are.
Baby, sometimes love just ain't enough.Jho POV
"D-Dad" gulat kong sabi sa taong nasa upuan ko ngayon. He's face is so serious at nag umpisa na din akong kabahan.
"I thought you'll be here for the next couple of months? Napaaga po yata dating niyo?" Takang tanong ko sa kanya. Nung nakaraan niyang tawag sa akin ay sabi niya mas matatagalan pa ang pag-uwi niya kaya nasurprisa ako ng makita ko siya ngayon.
"It's so alarming when Sarah told me about the status of the company." ang sabi ni Daddy sa baritono nitong boses. Ma awtoridad at pag nadidinig mo ay mapapatindig ka talaga ng tuwid.
Napayuko ako sa sinabi niya at napakagat ng labi. Tumingin ako sa couch at nagsimulang maglakad papunta dun para ibaba ang bag na dala ko.
"Why is this happening, Jhoana Louisse?!"
Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan at napalunok ng di oras na marinig ang madiin na sabi ni Daddy sa akin.
"D-Dad... I promise, I'll fix it." seryoso at determinadong sabi ko sa kanya.
"How?" tanong niya sabay pamulsa at naglakad paharap sa lamesa. Naging malikot naman ang mga mata ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. "You knew that I know everything what's going on on your office, Jhoana! I have eyes in every corner of this company."
Dun na ako napatingin sa kanya. Is he pertaining about Bea?
"Please Dad, leaver her alone. Ako naman ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ang kompanya eh. Trust me, i'm going to fix it, im going to put it back to normal. May mga --"
"Stop!" medyo tumaas ang boses niya at napahinto ako dun. "Alam mong magiging impossible yang gusto mong mangyari na mababalik sa normal ito. We lost everything, Jhoana. Lahat ng pinaghirap ng lolo mo, lahat ng pinaghirapan ko at pinaghirapan mo nawala dahil lang diyan sa kapabayaan mo!" medyo pasigaw niyang sabi sa akin.
I remain on my stance. Nakayuko at napapapikit sa bawat na masasakit na salita niya sa akin.
I hope he has a decency na bigyan man lang ako ng appreciation kung ano ang hirap na dinanas ko sa kompanyang ito. But I received none at naging kulang pa. Masakit! Masakit na galing pa sa sarili kong ama.
"You need to focus on things ahead on you! Dahil yan ang nawala sayo!" Tiim-bagang niyang sabi. Naglakad siya palapit sa akin at huminto sa tagiliran ko. "Stop this playing-bullshit game of yours, Jhoana Louisse or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
Para akong natigil sa paghinga ng sabihin iyon ni Daddy sa akin. Kaya naman napatingin ako sa kanya with a pleading face.
"Dad!" ang tanging nasambit ko. I am so triggered sa huling sinabi niya. "Please."
"Tawagan mo si Miko, alam mo na ang dapat mong gawin. We already talked about it and they are willing to help us." at lumabas na siya ng opisina.
Naiwan akong nakatayo pa din at tulala. Parang mas lalong gumuho yung pag asa kong matatakasan ko ang nais ipagawa ni Daddy sa akin.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at nadinig ko ang pag tunog ng aking cellphone na nasa bag. Agad ko itong kinuha at napangiti ng makita ang kanyang pangalan sa caller id.
"Hi." bati ko sa kabilang linya.
"Ang aga mo yatang umalis?" tanong niya na halatang kakagising lang.
BINABASA MO ANG
The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)
ФанфикLove is a promise; Love is a souvenir Once given never forgotten. Never let is disappear