CLOSER YOU AND I

9.8K 170 11
                                    

"Hey, there's a look in your eyes, Must be love at first sight."

Bea POV

"Bea, anak! Bangon na! Tanghali na."

Agad akong napamulat sa sigaw ni Mama Rosa. Anong oras na ba?  Tiningnan ko naman yung oras na nasa bed side ko.

Napabalikwas agad ako nung makita ko yung oras na 7:33 na.

Ma-la-late na ako!

Agad kong kinuha ang tuwalya at lumabas ng kwarto para tunguhin ang banyo.

"Bilisan mo ang pagligo para makakain ka na ng agahan ha." Rinig ko pang sabi ni Mama ng makita akong nagtatakbo papuntang banyo sa may kusina.

Siya si Mama Rosa, kapatid ng namatay kong ina. Namatay ang tunay kong ina nung pinanganak ako dahil daw sa complication, at dahil gusto din ni Mama Rosa na magkaroon ng anak ay inako na niya ako. Siya na nag alaga sa akin at tinuring na rin akong tunay na anak. Dahil sa pag aalaga niya sa akin ay wala na rin sa isip niya ang pag aasawa, para sa kanya ang alagaan daw ako ay sapat na at masaya na siya dun. Yun din naman ang pangako niya sa tunay kong mama na ituturing niya akong tunay na anak.

Wala na din akong alam kung anong nangyari sa ama ko, basta ang sabi ni Mama Rosa ay may malaking problema daw noon at  hindi pwedeng ikasal at dahil na rin sa antas ng buhay namin. Mayaman daw kasi yung ama ko samantalang mahirap naman yung pamilya ni Mama.

Hindi na rin ako nangulit pa. Kahit pa magtanong ako ng magtanong, tapos na, wala na rin akong magagawa pero hindi naman ako galit sa aking ama, hindi ko naman alam kung ano talaga ang kwento pero pag may chance akong malaman ay makikinig ako at iintindihin ko ang sitwasyon.

Pinalaki kasi ako ni Mama Rosa na hindi magtatanim ng sama ng loob.

Nung grumaduate ako ng college ay sa kanya ko  inalay yung diploma ko at pinangako ko sa kanya na maghahanap ako ng magandang trabaho para makapagpatayo na kami ng bahay at hindi na kami mangungupahan.

Nakatira kasi kami sa isang 3 Doors Apartment at nasa kaliwa yung pwesto namin. Nag re-rent kami ng 6k a month at hindi pa kasali ang tubig, kuryente saka yung araw-araw naming pagkain.

May tindahan si Mama Rosa sa palengke at dun kami kumukuha ng budget para sa mga pangagailangan namin.

Para na rin maka tulong kay Mama ay nag working scholar ako from highschool to college at pag may vacant time naman ako noon ay tumutulong  ako sa pagbabantay ng tindahan namin sa palengke.

Graduate ako ng Business Management sa isang hindi gaanong kilalang school dito sa Manila. At pagkatapos na pagkatapos ng graduation ko ay agad akong naghanap ng trabaho at tumulong din sa aking ang tadhana kasi may nakita akong may hiring sa isang sikat na telecommunication company at agad akong nag apply. Nagpass ng resume at kagabi nga nag text sila na may interview ako by 9am. Hindi nga agad ako nakatulog  dahil sa excitement at kaba na nararamdaman dahilan para ma- late ako ng gising.

Dali-dali akong naligo para mas makahabol pa ako sa oras. Traffic pa naman saka pahirapan pa yung pagsakay ng tricycle dito sa amin. Sana lang pumasada na yung bestfriend ko at sa kanya nalang kaya ako sasakay.

Ay, oo, tama. Tuya ng isipan ko. Di ko naisip yun kanina ah. Dahil na rin siguro sa pagkabigla sa oras. Tinext ko na pala siya kagabi na magpapahatid ako. Taxi driver kasi siya.

Mga ilang sandali lang ay natapos na akong maligo at lumabas na ako ng banyo na nakatapis lang.

Nakita ko si Mama Rosa na nagpa-plantsa ng susuotin ko ngayon.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon