I won't give up on us
Even if the skies get rough
Im giving you all my love.Jho POV
"What was that Jhoana!" Singhal agad ni Miko ng makarating na siya sa bahay. Kakalabas ko lang din galing sa kwarto ni Lovelle na kanina pa natutulog.
Matapos kasi ang pagtatagpo namin ni Bea sa comfort room ay nagpa alam ako nila Miko at Sir Elmer na uuwi na dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.
Agad kong kinuha yung purse ko at dire- diretsong lumabas. Buti nalang ay may naka park na na taxi kaya di na ako nahirapang pumara.
Di ko na din alam kung hinabol ba ako ni Miko pero base sa reaction niya ngayon ay baka nga hinabol niya ako that time. Di na rin kasi ako makontak dahil lowbat na ang phone ko.
"Sabi ko naman sayo na masama ang pakiramdam ko." Sabi ko sa kanyang habang naglakad papunta sa kwarto namin.
"At sa isang importanteng meeting pa talaga!! Ha! Harapin mo nga ako!!" Pasigaw na niyang sabi saka ako pilitang iniharap sa kanya.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" Bawi ko naman sa braso ko.
"Ano bang problema mo kanina ha! Nagkakaganyan ka bigla nung dumating yung dati mong sekretarya ah!"
Nabigla ako sa sinabi niya. Akala ko kasi ay hindi na niya naalala si Bea.
"Akala mo ba nakalimutan ko yung gabi na pinakilala mo siya sa akin! Ha! Ano Jhoana! Ano! May relasyon ba kayo non?!"
"Ano ba Miko! Nasasaktan ako!! Bitawan mo nga ako!"
"Ano! Sumagot ka!! Akala mo ba di ko nakikita yang mga tinginan niyo kanina ha!"
Pilit naman akong nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko.
Naamoy ko din ang alak sa kanya at siguro nakainom ito bago umuwi.
"N-nasasaktan na ako Miko!!" Reklamo ko na sa kanya at halos maiyak na ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.
"Sagutin mo muna --"
"OO!!" Sigaw ko sa kanya at nakita ko ang nandidilim niyang tingin sa akin. "B-bitawan mo --"
Di ko na natapos ang sasabihin dahil mabilis na dumapo sa pisngi ko ang palad ni Miko. At sa lakas nito ay natumba ako sa kama habang sapo sapo ang aking pisngi.
Hindi pa nga ako nakakabawi ay inambahan na niya ako saka hinawakan sa panga.
Hindi siya nagsasalita pero kitang kita ko sa kanyang mata ang galit. Tinitigan lang niya ako habang mahigpit na hinawakan ng isang kamay niya ang magkabilang pisngi ko.
"M-miko! N-nasasaktan ako!!" Umiiyak na sabi ko sa kanya habang hinahawakan ko naman ang kanyang kamay pero malakas siya dahil hindi ko man lang magawang itulak.
"Magdahan dahan ka sa gagawin mong panloloko sa akin Jhoana! Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!!" Madiin niyang sabi sa akin. Ramdam ko ang intensity ng kanyang galit.
"H-hindi kita niloloko!! M-miko please bitawan mo na ako!!" Pagmamakaawa ko sa kanya at ilang sandali ay unti unti na niyang luwagan ang pagkakahawak sa akin.
BINABASA MO ANG
The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)
FanficLove is a promise; Love is a souvenir Once given never forgotten. Never let is disappear