I swear from the heart
If ever you're in my arms again
This time I'll love you much betterJho POV
Matapos ng pagtatalo namin ni Bea ay hindi ko na siya inimik. Nagkulong ako ng kwarto ng mga ilang oras.
Sobrang nainis ako sa tinuran niya kanina doon sa pancake house. Sa totoo lang nakikipag kaibigan lang naman yung tao at wala akong nakitang masama doon.
Yung angas na pinakita ni Bea ang hindi ko matiis. Kumalma na nga ako at nagbigay pa ng idea na pumasyal pa ng konti para naman mabawas-bawasan yung pagkainit ng ulo niya ay parang pinapakita niyang wala na siyang gana.
Ano yun?
Tapos sasabihing nagseselos siya? Tapos sasabihing gusto niya akong bumalik? Pero laging pinapa init ang ulo ko? Nakakainis lang.
Nakaka frustrate lang talaga pag binabalikan ni Bea yung dati dahil sobrang gulo pa ng nararamdaman ko sa kanya.
Iniwan niya ako eh. Sobrang nasaktan ako that time. At sa loob ng limang taon puro galit lang ang nararamdaman ko sa kanya.
Sa tuwing ipapamukha niya sa akin yung sorry niya feeling ko -- ang tanga ko -- dahil hinayaan ko ang sarili ko noon na maniwalang hindi niya ako sasaktan at iiwan. Pero wala eh--naloko pa rin.
Kaya pag naririnig ko yun sa kanya -- naiinis ako -- bumabalik sa akin yung galit. Naghahanap pa din kasi ako kung bakit -- bakit niya ako hinayaan sa mga desisyon ko. Bakit hindi niya ako magawang ipag tanggol. Madaming tanong na hindi ko na kayang itanong sa kanya dahil pag nalaman ko ang totoo baka mas lalo pa akong masaktan.
But when she's always near me -- nararamdaman ko lagi ang contentment. Yung safe ako lagi sa kanya at walang pwedeng makapanakit sa akin.
Kaya nga ang gulo! Ang gulo ng puso ko pagdating sa kanya.
Ilang oras na din akong nagkulong sa kwarto at nakaramdam na ako ng gutom. It's already 2pm at kani-kanina lang ay kumatok pa si Bea at sinabing pag nagugutom na ako ay may naka ready ng pagkain sa kusina. She also said na may pupuntahan lang muna siya and she'll be back in an hour.
Nagdesisyon akong lumabas. Nagpalinga linga pa ako dahil baka bumalik na siya pero ng masiguro kong wala namang tao ay lumabas na ako ng kwarto.
Agad kong tinungo ang kusina at nakita ko dun ang naka ready ng pagkain na nasa mesa.
Nagluto siya ng sinigang na bangus at pritong bangus na paborito ko. Naisip ko tuloy na baka nagkasugat yun dahil sa talsik ng isda -- dati nga ginagawa pa niyang shield ang takip ng --
Erase! Bakit ko pa ba pag-aaksayahan ng oras na isipin yun.
Habang kumakain ako ay naisip ko ding uuwi na talaga ako ng Manila sa ayaw at sa gusto niya. Kung pwede na ako nalang ang magpalipad ng chopper ay gagawin ko--makauwi lang ako.
Nang matapos akong kumain ay niligpit ko na yun at hinugasan yung mga pinggan saka aakyat na sa taas para hintayin si Bea na makauwi.
Papunta na sana ako sa kwarto ay napansin ko ang isang kwarto na nakabukas at dahil tinubuan ako ng curiousity ay pinuntahan ko iyon at tiningnan.
Isa pala yung study room dahil may mga libro na nandoon. Mahilig kasing magbasa ng libro si Bea at baka dito siya tumatambay pag gusto niyang mag relax o mag isip.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sa isang table ang kanyang cellphone. Kunot-noo ko yung tiningnan at naisip ko kung bakit iniwan niya ito o baka naiwan niya.
BINABASA MO ANG
The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)
FanfictionLove is a promise; Love is a souvenir Once given never forgotten. Never let is disappear