BAHALA NA

5.2K 130 9
                                    

"Naniniwala na ako sa forever, simula nung makilala kita."

Jho POV

Wala na din akong magawa when Dad put me as his successor. Sino pa ba ang magmamana kundi ang anak at kung ako lang ba ang nag iisang anak niya e di wala na akong choice kundi tanggapin yun.

My mom died when I was 15 years old. Car accident ang ikinamatay niya at buti nalang naka survive yung Papa ko that time in which siya yung nagmamaneho. Kung ano man ang dahilan ng banggaan ay di ko na alam.

Sobrang lungkot ko nung mawala si Mommy. Para din akong nawalan ng bestfriend na lagi kong makakwentuhan pagkagaling ko ng eskwela. Dad is always busy sa work at laging hawak ang mga papel na kontrata o di kaya cellphone at may kausap.

Kaya naman sa sobrang pangungulila ko kay Mommy ay natutunan ko na ding gawing busy yung buhay ko. Pagka graduate ko ng college sa Ateneo ay sabak agad ako sa pagmamanage ng negosyo ni Daddy. Aside sa telecommunication company ay may clothing at shipment business pa kami. As my training ground noon ay nag put up ako ng resto business at napalago ko yun then Dad gave me my promotion as the Vice CEO dito sa telecommunication. 5months na nga ako dito at so far so good din naman ang pamamahala ko.

Last week umalis si Dad papuntang Singapore kasama niya yung ibang ka sosyo niya sa negosyo at ako ang naiwan dito. Kaya sa akin napunta lahat ng dapat i-interview-hin na mga aplikante.

Ang daming nag apply at iisa-isahin ko pa silang tingnan kung fit ba sila for interview. Kumbaga, yung judging ko dito is yung skills nila at saang field sila nag excel base sa experience nila. Wala na akong paki sa looks basta makita ko lang yung competence nila sa work experience.

Pero may kumuha ng pansin sa akin sa isa sa mga ininterview ko kanina. After ko kasi siyang makausap ay di na siya tinigilan ng isip ko. The first time I laid my eyes on her, alam ko na sa sarili ko kung ano ang gusto ko.

Kaya naman pagkatapos kong makausap ang lahat ng applicant ay tinawagan ko agad yung bestfriend ko at kinuwento ko sa kanya simula umpisa.

"Ilan ba sila nag apply?"

Kausap ko ang bestfriend kong si Jia na naka base pansamantala ngayon sa Canada. May tinatapos pa kasi siyang MBA dun.

"Anim lang silang nakapasa for final interview out of 40 applicants." sagot ko naman na hawak-hawak ko pa talaga ang resume na nakakuha ng attention ko.

"My gosh Bes... out of them sa kanya ka na star struck?"

Ewan ko kung anong nangyari sa akin o baka ginayuma niya ako o di kaya siya na talaga soulmate ko basta when I saw her kanina stepping-in in my office may kung anong excitement ang nararamdaman ko.

I want to know her more. Gusto ko malaman kung ano mga pinagkaka-abalahan niya ngayon so in short, gusto ko siyang maging kaibigan, rather say "more than" to what I want.

"Oo Bes." kinikilig ko pang sabi habang pinagmamasdan ko yung 2x2 id picture niya.

"She must be something cause you find her interesting." kahit hindi ko siya nakikita pero na fefeel kong iniiripan niya ako ngayon.

Bakit ba? E sa gusto ko siya. Crush ko na siguro, ay hindi. Mahal ko na siya.

Natatawa tuloy ako sa sarili ko. The last time I check, hindi ako ganito. Kahit na bisexual ako at may iilan akong naging crush na mga babae way back in our college days pero hindi ko ugaling parang tangang nakangiting nakatingin sa picture tulad ngayon. Kumbaga, ako yung hinahabol nila, pini-please nila. May mga iilang naging ex ko na ring babae at ang naalala kong matagal kong nakarelasyon ay umabot na sa tagal ng 4 months. Oo, matagal na yun para sa akin.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon