I just fall in love again
Just one touch and then it happens every timeBea POV
Andito ako ngayon sa kwarto kasama ang make up artist na pinadala ni Jho pati yung damit na isusuot ko sa Gala Night na nasa kama ko pa nakalapag.
"Ayan! Ang ganda mo girl" ang sabi pa sa akin ni Britney, codename ata niya yun. Ningitian ko lang siya habang sinisilip ko ng konti yung pigura ko sa salamin kasi natatabunan niya.
"Marami bang tao dun, Pards?" tanong ni Thirdy na nasa pintuan lang nakasandal.
"Siguro. Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganyang part eh, ininvite lang ako ni Jho." sagot ko.
Nadinig ko pa na kinuha niya ang extra na upuan sa may gilid ng kama ko saka umupo din ng nakadekwatro. Nakikita ko kasi yung posisyon niya sa reflection ng salamin.
"Salamat nga pala Pards sa pagsama kay Mama ngayong gabi ha, di bale di naman talaga ako magpapagabi dun sasabihan ko si Jho na ihatid na niya ako by 11pm." naki usap ako kay Thirdy kanina na dito na muna siya ngayong gabi para may kasama si Mama.
"Sus wala yun... at saka pwede din naman kita sunduin ah. Text mo lang ako.. puntahan kita." nakita ko pang napangiti siya.
"Susubukan ko... alam mo naman yung si Jho sobrang kulit." napangiti naman akong isipin ang kakulitan ni Jhoana.
Pagtapos kasi naming mag dinner nung isang araw ay pumunta kami sa isang park at inunleash naming dalawa ang pagiging bata. Nagsee-saw kami at tawa kami ng tawa, may mga napapalingon nga sa aming dalawa.
Tinutulak ko siya sa may swing at ang saya-saya niyang tingnan habang nangingiti sa tuwing lilingon sa akin. Sinabi nga niya sa akin na namimiss niya daw ang ganito dahil matagal na daw siyang hindi nakakapasyal sa parke.
Sinulit ko naman ang pagkakataong kasama siya at mapasaya siya. Dun ko din nakita na magiliw siya sa mga bata. Ilang saglit pa nga lang akong nalingat dahil bumili ako ng ice cream namin ay may naging kaibigan na siya at hindi lang isa or dalawa o tatlo kundi pitong batang nakapalibot sa kanya habang naghahabulan sila.
Hindi ko nalang namamalayan na napangiti na pala akong nakatanaw sa kanila. Ini-imagine ko Jho's having a family and kids which she joyfully make habulan with them and ofcourse a partner na nakikita ko sa katauhan ko. Is that bad?
"Sobrang close na kayo ng boss niyo Pards ah... nanliligaw na ba yun?" inosenteng tanong ni Thirdy kaya naman napatingin ako kay Britney na napahinto din sa pagma-makeup sa akin.
"Truelalo? Kaya pala iba nakikita kong ningning sa mha mata niya nung binanggit ang pangalan mo." pang iintriga naman niya pero pinili ko nalang na ngumiti.
Whatever we had ni Jho is for me something that I can treasure of. Masaya kami sa company ng isa't isa at nararamdaman ko naman yun the way she looked at me.
"Magkaibigan lang po kami.." Totoo naman eh. Dun lang ang label namin ngayon. We're just friends.
The other day nung pumasok na kami sa trabaho ang unang nakapansin sa aming dalawa ay si Maddie. She cornered me in the kitchen and asking, and asking about us but I just said "we're friends" at syempre, this is what i've always expect na ayaw din niyang maniwala.
Sino ba naman kasi ang maniniwala sa sinasabi ko pag sabay kaming papasok sa office dahil ang makulit na si Jho ay gustong sunduin ako and we walked through the employees elevator kahit may sarili naman siyang elevator and it is very unusual for her na makikisabay sa mga empleyado niya.
Sabay pa kaming nag lunch and she even offered to take me home. Nakokonsensiya nga ako kay Thirdy kasi hindi ko nasabi sa kanya na ihahatid ako ni Jho tapos nag hintay pa siya ng kalahating oras sa parking lot ng building.
BINABASA MO ANG
The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)
FanficLove is a promise; Love is a souvenir Once given never forgotten. Never let is disappear