DYING INSIDE TO HOLD YOU

4.9K 113 4
                                    

And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I feel for you.

Jho POV

"What? Ginawa mo yun?" singhal sa akin ni Jia sa screen. 

Kung makareact lang tong babaeng to? Bakit ba? Sa gusto ko naman yung ginagawa ko ah. For me fulfilling na yun, masaya na ako dun.

Tumango-tango lang ako sa kanya ng nakangiti. Sabado ng umaga ngayon at nandito ako sa kitchen habang kausap ko siya sa laptop ko. Busy din ako sa paghahanda para na din sa breakfast ni Bea na ibibigay ko mamaya.

"Loka-loka ka na Bes, pa check up ka na kaya? Nagmumukha ka ng obsess niyan eh." reklamo na niya nung kinuwento ko sa kanya ang ginawa ko para kay Bea nung nakaraang araw.

Matapos kasi nung gabing niyaya niya akong maghapunan sa kanila. Actually, ako naman talaga ang nagpumilit na ihatid siya pero niyaya naman niya talaga akong pumasok sa kanila and eventually they invited me to have dinner with them in which I gladly, super duper gladly take it. 

Aayawan ko pa ba?

So matapos ang gabing iyon, kinabukasan maaga akong pumasok sa opisina para naman maunahan ko siya. May gusto kasi akong ibigay sa kanya kaya bago ako lumabas ng opisina ay sumilip muna ako sa may maliit na clear glass wall para makita kong dumating na ba siya.

Nang masigurong wala pa siya ay dahan-dahan akong lumabas at palinga-linga pa ako kong sino ang mga empleyado na nandun but since maaga pa naman kaya wala pang masyadong taong pumapasok. Dali-dali kong nilapag ang paper bag na may lamang breakfast na ako mismo ang gumawa para sa kanya dun sa table ni Bea. Kahit na hindi naman ako sigurado kung nakakain na ba siya ng agahan pero gusto ko pa din siyang dalhan.

Ganun ako ka caring sa kanya, I mean sa mga empleyado ko. Wag kayong ano. *wink

Nang mapagtantong okay na to ay pumunta ako sa kitchen. Plano ko din kasing ipagtimpla siya ng kape.

Sabi ko naman kasi na ganun ako ka caring sa mga empleyado ko.

Dun ko din nakilala si Maddie na isang Marketing Assistant. Ang daldal niya parang di maubusan ng kwento at saka kinuwento din niyang may minsang isang araw na nagkasabay sila ni Bea na mag lunch.

Nainggit tuloy ako, yun kasi nung time na di ko nalang pinaghintay si Bea  sa akin para makapaglunch kasi may urgent lunch meeting din ako.

Pagtapos kong mag timpla ay agad akong bumalik sa table ni Bea. Sakto ding kakabukas ng pintuan at niluwa yung taong gustong gusto kong makita ngayong araw.

Malayo pa lang siya ay agad na niya akong nakita kaya halos patakbo na siyang naglakad papunta sa desk niya kung saan ako nakatayo.

Bigla nalang nag slow motion ang lahat sa paningin ko habang tinitingnan ko siyang naglalakad. She's so beautiful and hot and sexy and... damn hot talaga.

"Hoy Jhoana! Nakikinig ka ba?" Pukaw naman sa akin ni Jia kaya napa igtad naman ako at binalik ang tuon ko sa pinapahiran kong sandwich.

"Bakit ba? Eh gusto ko naman tong ginagawa ko. At saka, malay mo kahit hindi ko na sabihing gusto ko siya alam na niya sa mga kinikilos ko. Diba Bes?" Sabi ko sa kanya at nag wink pa. Masaya naman kasi ako sa ginagawa ko.

"Eh pano nga kung mabigla, imbes na mapalapit sayo baka naman mas lalo pang mailang. Remember Jho, boss ka pa rin niya and you must know your limitation to your employee."

"Exactly, im the boss, that's why I do what I want and this is what I want to do to MY employee." Emphasizing to her the word 'my'. 

"Bahala ka... ipagdasal mo nalang na hindi na marerebook yung flight ko at ng mabatukan kita sooner." sabay irap niya sa akin.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon