MPMMP-21

4.3K 100 2
                                    

Gunther*Point of view."

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Mama tinawagan ko si Yellow dahil bukod kay mama si Yellow ang nakaka alam ng lahat ng nangyari kaya tinutulungan nya din ako.

"Oh.napatawag ka may problema ba?" Tanong nya ng sagutin ang tawag ko.

"Pupunta ako ng Palawan pero bago yon gusto ko munang maka usap ka at si Blue,ganun din si Storm at Skyla. Kung pwede ikaw na ang gumawa ng excuse para maka usap ko kayo."

"Ok. Alam ko na ang plano mo sinabi na sakin ni Tita Anna. Pero san tayo mag kikita?"

"Sa Resto nyo na lang para hindi sila mag taka. Itexk moko kapag kumpleto na sila. Salamat."

"Ok. No problem. "
Binaba ko na ang tawag at umuwi sa condo ko.para ayusin ang mga gamit ko. One week din kami doon. At sisiguraduhin kong ako ang pipiliin ni Dia.

Nangmatapos ako sa pag iimpake umuwi ako sa bahay namin at tamang tama kumpleto ang pamilya ko. Dahil nandito ang lolo ko na maidad na din. Siguradong matutuwa ito kapag nalaman nya na naka uwi na ng bansa si Dia kasama ang dalawang apo nya.

"Oh!ayan na pala ang apo ko,kamusta ijo?" Bungad sakin ni lolo ng maka pasok ako ng bahay. Lumapit ako sa hapag at nag mano kay lolo, samantalang niyakap ko naman ang aking ama. Matagal-tagal ko din silang hindi nakita dahil may inasikaso sila ng lolo ko sa US about sa business namin.

"Im fine lo,kayo po kamusta?" Sambit ko ng makaupo sa upuan ko.

"May gusto sana akong sabihin sa inyo.?" Napatingin kaming lahat kay lolo maliban na lang kay daddy na busy sa pagkain.

"Mamayang gabi ay pupunta tayo sa Palawan,dahil inimbitahan tayo ng pamilyang Courtney para sa kaarawan ng matalik kong kaibigan na si Driven."

"What do you mean Grandpa, sa pag kakaalam ko matagal na kayong walang connection sa pamilyamg Courtney dahil sa nangyari noon."tanong ni Hunter

Ms.Pervert Meet's Mr.Pervert BOOK 2 (SPG.Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon