Kabanata 1

258 51 204
                                    

KIBA

"Kamusta naman si Keziah?"

Automatic akong napahinto sa pag-akyat ng hagdan nang marinig ang boses ni Papa na nasa sala. Dahil si Keziah ang pinag-uusapan, bababa na sana ako ng hagdan ng marinig ang impit na iyak ng isang babae.

"H-Hindi ko na po kaya..."

Nangunot ang noo ko at dumiretso sa gilid ng dingding kung saan nasa likod nito ang sala, hindi ako pwede magkamali. Si Ate Jaya 'yun...

"Anong hindi mo na kaya? Anong ginawa ni Keziah?" Tanong ni Papa.

Sumilip ako at nakitang nakayuko si Ate Jaya at umiiyak. Habang nag-aalala naman ang mukha ni Mama at si Papa ay kunot ang noo.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa sitwasyon ni Keziah ngayon. Dahil sa kalagayan niya, may nasasaktan na siyang tao.

"S-Sir Rio... Ma'am Reeva... Pasensya na po pero hindi ko na po kayang samahan pa si Keziah." Umiiyak na sambit niya. Humawak siya sa kanang braso niya at dahan-dahan inangat ang manggas 'nun.

Halos mapanganga si Mama at lalong nangunot ang noo ni Papa sa nakita. Samantalang naikuyom ko nalang ang palad ko.

Mamula-mula ang lapnos na balat ni Ate Jaya sa braso. Malaki rin 'yun na parang sinakop na ang buong braso niya.

"Oh my god..." Napakapit si Mama kay Papa. "A-Anong ginawa ni Keziah sa 'yo?"

Binaba ni Ate Jaya ang manggas at pinunasan ang pisngi. "Siguro po kakapilit ko na kumain na siya kaya niya nagawa 'to. M-Ma'am Reeva, dalawang araw na po hindi kumakain si Keziah. Nag-aalala na ako pero... aksidenteng nabuhos niya sa 'kin ang kape na inihain ko sa kanya."

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa ginawa ni Keziah. Nag-aalala ako sa lagay niya pero hindi tama ang ginawa niya sa care taker niya. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlong care taker na si Ate Jaya dahil ang naunang dalawang ay sumuko rin.

Gano'n ba talaga ang epekto ng lahat kay Keziah?

"Limang araw na pong hindi lumalabas si Keziah sa kwarto niya..."

"Noong una ay medyo kumakain pa siya pero hindi niya inuubos... Pero ngayong dalawang araw ay hindi na niya ginalaw pa ang pagkain niya."

"Hindi din po siya nagsasalita..."

Nanlaki ang mata ko. Ang dating masiyahin na Keziah na kilala ko at madaldal... ay nawalan na ng gana magsalita pa.

"Hindi ko din po nache-check kung anong ginagawa niya buong magdamag sa kwarto dahil hindi na po siya lumalabas."

"Pero sa t'wing nakikita ko po ang mukha ni Keziah kapag kinukuha niya ang pagkain... Wala po itong bakas ng emosyon. Walang bakas ng pag-dadalamhati. Hindi mawawari kung malungkot ba siya, umiyak o galit. Tanging blangko lamang po..." Malungkot na saad ni Ate Jaya.

Umatras ako at sumandal sa dingding. Bahagyang lumuwag ang kaninang naka-kuyom kong palad. Naaawa ako kay Keziah... Hindi ko makilala ang dini-describe ng care taker niya.

Ang dating masiyahin na babae... sa isang iglap nawalan ng emosyon.

Ang dating madaldal na babae... sa isang iglap nawalan boses.

Ang dating masunurin na babae... sa isang iglap naging matigas.

At ang nakaka-gulat sa lahat, Simula ng mamatay si Theo...

Hindi namin siya nakitang umiyak.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now