32 out of 32

88 15 26
                                    

KIBA

"Kiba! Ano, sasama ka ba mamaya?"

Napatingin ako sa kaibigan kong si Tony na nakatayo sa harapan ko at bitbit ang backpack niya. Nang ma-realize ko kung ano 'yung tinutukoy niya ay ngumiti ako at napailing.

"Sorry, pre." Tumayo ako at nagsimulang ilagay ang notebook sa bag ko.

"T-Teka, birthday ng kapatid ni Flynn, si Faith! Si Faith 'yun, bro!"

"I know," saka ko siya hinarap. "Hindi ko ma-e-enjoy ang celebration kung pakiramdam ko pagod ako. Paki-sabi nalang happy birthday." Nginisian ko na lamang ito saka ako nagsimulang maglakad palabas ng room.

Sa bawat nagdadaang mga araw, kahit normal lang ito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagod. Wala naman akong trabaho, pumapasok at nag-aaral lang naman ako sa school ng limang araw, wala naman akong kaaway, pero parang ang bigat-bigat ng loob ko dahilan para makaramdam ako ng pagod.

"Sandali!"

Tumigil ako at nakapamulsang hinarap si Tony. Patakbo itong lumapit sa 'kin at kunot ang noo. "Nakakainis ka na ah! Hindi ka na nga sumama last week sa swimming party ko pati ba naman si Faith tinatalo mo. Akala ko ba Girlfriend mo 'yun? Bakit hindi ka pupunta?"

Saglit akong natigil sa sinabi niya at inalala ang nakaraang linggo noong imbitahin niya ako sa kanyang swimming party na aniya'y tinanggihan ko.

Somehow, I felt guilty. Bakit ko ba nilalayo ang sarili ko sa mga taong 'to?

Nang makabawi ay kunwaring napakamot nalang ako sa batok ko at napangiti. "Sensya na pero pagod talaga ako." Pinatong ko ang isang kamay ko sa balikat nito, "Sa linggo, babawi ako."

Imbes na matuwa ay napangiwi lang ito sa akin, "Puro ka ganyan!"

"Oo nga! 'Wag lang ngayon, bro. Babawi din ako kay Faith sa linggo basta 'wag ngayon. 'Kay?"

"Tsh!"

"Hahahaha!"

Nang makapag-paalam ako sa kanya ay dumiretso na ako sa parking area at sumakay sa kotse. Hindi tulad nitong mga nakaraang araw, hindi na ako naglaan pa ng minuto sa sasakyan para mag-isip. Pinaandar ko agad 'yon at dumiretso sa kung saan. Napag-isipan kong huminto muna sa flower shop at mamili ng magandang bulaklak.

Nagtungo ako sa lugar na alam kong tahimik-- sa The heritage park, dito sa Taguig.

Nang ma-iparke ko ang sasakyan ay kaagad din akong bumaba bitbit ang basket na puno ng kulay pink na bulaklak.

Habang papalapit ng papalapit, ay siya namang unti-unting pagkirot ng puso ko. Nang makarating sa paroroonan, lumuhod ako at hinaplos ang pangalan ng isa sa pinaka mamahal kong babae dito sa mundo.

Nilapag ko ang bitbit at mapait na napangiti. Ngayon alam na alam ko na ang pakiramdam niya noon.

"A... At---" napayuko ako at mariing napapikit. 'Di ko na rin maiwasan maikuyom ang dalawang palad ko at doon na bumagsak ang kanina ko pa kinikimkim na luha.

Ni banggitin ang salitang 'yun ay hindi ko kaya, ang hirap para sa 'kin dahil kada balakin kong banggitin 'yun ay nadudurog ang puso ko.

Kapag nakikita kong umiiyak sila Mama, hindi ko rin maiwasang maawa. Kapag nakikita kong lalong tumahimik si Kenzo, malayo sa dati na napaka bossy, hindi ko maiwasang magtanong...

Kasalanan ba namin 'to? Naging pabaya ba kami? Bakit?

Hindi lang isa kung hindi dalawa kaagad ang nawala. Alam mo 'yung pakiramdam ko? 'Yung tipong hindi ako makapag-saya kasama ang mga kaibigan at Girlfriend ko dahil baka pati sila ay maapektuhan sa akin? Kaya mas pinipili ko nalang na umiwas.

It's been three weeks since she passed away. After that incident that Kenzo told us, her body was never found since that day. Ayon pa sa deskripsyon ni Kenzo, mataas ang pinag-bagsakan nila Keziah at waterfalls ang kababagsakan.

That is enough reason for us to believe that... she was totally dead.

Hindi na rin nahanap kung nasaan sila Jett. Pinilit ni Papa na ipahanap ang mga 'yun pero siguro, dala na rin ng pitong milyong nakuha nila ay nagtago na ang mga ito sa malayo.

Hindi ba, luging-lugi kami?

Pinagawan lang siya ng lapida ni Papa para kahit papaano ay may dadalawin kami, kahit gano'n, iniisip pa rin namin na nandito siya at masaya na kasama ni Theo-- kung makakasama niya nga.

"A-Ate!" Sa wakas ay nasabi ko rin. Tatlong linggo kong hindi binanggit 'yon, pakiramdam ko kasi maiiyak ako ng maiiyak kapag nabanggit ko siya.

Nakikita ko ang pagtulo ng luha ko sa lapida, sobrang tahimik rin na ihip lang ng hangin ang maririnig mo. Masarap sana sa pakiramdam pero ang bigat at nasasaktan ako ngayon.

"S-Sana masaya ka na kung nasaan ka man. Atleast, wala na 'yung pain at paghihirap, 'di ba, a-ate?" Napatingala ako sa maliwanag na langit nang biglang umihip ang hangin sa paligid.

Tila niyayakap ako nito dahilan para kumalma ako ng bahagya. Saka ako matipid na napangiti.

Hindi ko man nakikita, alam kong panatag na si Ate. Sana... sana dumating ang time na magkikita ulit kami dahil ngayon palang, miss na miss ko na siya.

Tapos na ang lahat ng paghihirap niya...

Wala na ang sakit. Wala na ang hapdi. Wala na ang pagdadamdam.

Hanggang sa muli, Ate. Goodbye...

Rest in peace, Keziah Torres.

***
Fin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now