Kabanata 14

43 15 39
                                    

Wala akong ibang nararamdaman kung hindi takot at pangamba sa mga oras na ito. Takot, dahil hindi ko alam kung saang lugar 'to, plus the fact na ang dami nilang mga lalaki na nandito. Pangamba, dahil mukhang sa pagkakatali ko palang sa kadenang ito ay may gagawin pa sila sa 'kin na hindi maganda.

Habang salubong ang mga kilay kong nakatingin sa lalaking 'to ay hindi ko maiwasang kabahan ng sobra. Ramdam ko 'yung puso ko na kumakalabog sa takot at pinagpapawisan na rin ako ng sobra. Ngayong malinaw na malinaw ko nang nakikita ang itsura ni Jett, lalo itong nakakadagdag sa kaba ko. Payat ang pangangatawan, matangkad, kayumanggi ang balat at naka-brush up ang buhok. Pag tumingin ka sa mga itim niyang mata, hindi mo 'yun matatagalan sa talim lalo kapag ngumisi siya.

Panatag itong bumuntong hininga kasabay ng pagsindi ng yosi, "Pagkatapos ng ilang buwan, nakuha ka rin namin."

"Hahaha! Pakiramdam ko tuloy sa tinagal nating paghuhukay sa lupa ay nakakuha din tayo ng kayamanan!" Usal ng isang lalaki na may malaking pangangatawan sa isang gilid.

Nagtawanan naman ang grupo niya na parang isa akong biyaya sa kanila. Nagbaba ako ng tingin, ito 'yung sinasabi sa 'kin ni Theo... kikidnappin nila ako para makahingi ng ransom sa pamilya kong wala namang ginagawang masama sa kanila.

Ito 'yung... plano ni Theodore noon pa.

Napaangat ang tingin ko nang hawakan ni Jett ang baba ko. "Darating si Theo dito kaya 'wag kang mabahala..." Nakangising anito.

Marahas kong tinanggal ang mukha ko sa kamay niya at masama siyang tinignan, "Anong kailangan niyo sa 'kin? Sabihin mo!"

Hindi ko na napigilan ang mapasigaw. Alam kong gusto nila ng pera para sa Johnson na 'yun ngunit gusto ko mismo manggaling ito kay Jett.

Bahagya naman itong natawa at umatras ng kaunti sa 'kin. "Kidnap for ransom 'to, Pitong milyon kung gusto ka pa makita na humihinga ng pamilya mo."

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya, Pitong milyon?!

"Gano'n naman kalaki ang halaga mo, 'di ba? Hahahaha!"

"Ang kapal ng mukha mo!" Nanggagalaiti kong sabi. Tatawa-tawa siya na may kasama pang pag-iling, humithit siya sa hawak na yosi at binuga ang usok sa itaas bago tumingin sa akin.

"Bakit ako? Si Theo ang nagsabi 'nun kaya napagdesisyunang pitong milyon. Ayos ba? O baka naman naglevel up ka na?"

Napahinto ako. Tila nag-echo sa pandinig ko ang sinabi niya.

Sasabihin 'yun ni Theo? Pero...

Nakagat ko ang ibabang labi ko at unti-unti kong naramdaman ang panlalabo ng paningin ko dulot ng luha. Muling tumambol ang puso ko, kung kanina dahil sa takot, ngayon dahil sa kakaibang sakit.

"Bakit, Keziah, tingin mo ba mahal ka talaga ni Theo? Baka gusto mo ng patunay sa sinasabi ko?" Naghahamon niyang sabi ngunit hindi ako nakasagot. Para akong naputulan ng dila at walang masabi kahit ang totoo gusto kong humagulgol.

"Oh! No, no, no, 'wag kang umiyak..." Maamo niyang sabi. Yumuko siya sa 'kin at pinatong ang dalawang kamay sa tuhod niya, "Napasaya ka naman niya, 'di ba?"

Napapikit ako kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Ang sakit na malaman noon na planadong kidnapin ako ng sarili kong Boyfriend, pero mas masakit palang marinig mula sa kaibigan niya ang, "Akala mo ba mahal ka talaga ni Theo?"

Double kill.

Dumilat ako at tumingin sa nakangising mukha ni Jett, "Bakit... bakit ako?"

Umayos siya ng tayo, "Si Theo na mismo ang makakasagot niyan."

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now