Kabanata 27

35 12 23
                                    

Alam mo 'yung feeling na... palagi mo siyang kasama, kausap, palagi siyang concern sa 'yo, makulit kapag may hindi ka sinusunod, nagsu-surpresa, hanggang sa dumating 'yung time na... na-inlove ka?

But the thing is... he doesn't have any feelings for you?

Gano'n na gano'n ang pakiramdam ko ngayon. Feeling ko nga, broken hearted ko nang maituturing itong nararamdaman ko para kay Theo knowing na hindi naman niya ako mahal o gusto kahit kaunti kahit robot siya. Parang may karayom na tumutusok sa puso ko at aaminin ko, hindi ko 'yun nagugustuhan.

"Ma-proseso pala talaga kapag may isu-surpresa ka 'no? I wonder what it feels like being a human..."

Usal ni Theo na katabi ko lamang. Nakaupo na kami ngayon sa maputing buhangin dito sa labas at nakatanaw sa kumikinang na tubig ng dagat. Natapos na rin akong kumain mula sa mga hinanda niya at sobrang nag-enjoy ako-- kahit na ginagambala ako ng nararamdaman ko.

"Kung may pagkakataon ba... gusto mo maging tao?" Tanong ko na lamang. Nakita ko namang bahagya itong napangiti. 'Yung ngiti na parang ayoko nang mawala sa paningin ko.

"If given a chance... well, yes. Kumpara sa kagaya ko, mas marami akong magagawa no'n."

"Tulad nang...?"

"Hmm..."

"Mamahalin mo kaya ako?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa 'di inaasahang tanong na lumabas sa bibig ko. Mariin akong napapikit dahil sa dila kong basta-basta. 'Yung dapat ay sa utak ko lang ay natanong ko.

"Gusto mo ba?"

The fuck with that question...

"Theo..." napabuntong hininga ako at niyakap nalang ang mga tuhod ko. Ano ba namang klaseng tanong 'yon?

"Of course I'll love you. Pero gano'n ka ba kahirap mahalin para itanong sa akin 'yan?" May bahid ng pagtatakang tanong niya. Hindi naman ako nakasagot. Kung ibabase niyo sa unang pagkikita namin, mahirap nga.

"Aaminin ko sa 'yo na sa dami kong nakikitang babae, ikaw ang pinaka maganda para sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit, paano, pero 'yun ang alam ko. Pero kung totoong tao ako, imposibleng hindi ako ma-attract sa ganda mo."

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa 'kin. Pakiramdam ko mabilis na pumula ang pisgi ko. Ilang beses na ako noon nasabihan ng dating Theo na maganda, pero hindi ko alam kung bakit mas may impact ang kay Theo ngayon.

"D-Dahil lang sa ganda ko?"

"Maganda at mabait ka. Bakit hindi kita mamahalin kung gano'n?"

"Paano 'yung first meeting natin---"

"That won't be a problem. Correct me if I'm wrong but... I guess if we're really meant for each other, you'll accept wholeheartedly his or her vanities in life because that's what you call... love, right?"

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Gusto ko 'yun kaya lang...

"Anong vanity? Gano'n ba ako?" Tanong ko rito.

"Bakit, gano'n ang description ko sa 'yo noong una tayong nagkita. I'm just honestly talking," wika nito na may halong pagmamayabang na akala mo talaga sobra ang pagiging ma-pride ko noon. Sus!

"Whatever," saka ako napailing at marahang natawa. Nakakatuwa lang isipin na siya na isang robot ay nagawa pang isipan ako ng gano'n noon, pero si Theo na dati kong Boyfriend ang tingin sa 'kin ay perfect kahit walang gano'n.

Gano'n siguro talaga kapag may balak sa 'yo ang tao ano? 'Yung balak kang gulangan.

Tahimik lamang kaming nakatingin sa dagat habang umiihip ang masarap na hangin. Hindi ko rin alam kung anong oras na, basta ang alam ko...

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now