Kabanata 8

56 22 68
                                    

Tahimik lang ako habang buma-byahe kami ni Theo pauwi ng Maynila. Simula paglabas namin sa bahay ni Professor Limaco ay hindi siya nagsasalita, gano'n din ako. Siguro dahil na-realize niyang hindi ko siya kailangan para sa pagmo-move on ko.

Wala lang naman sa 'kin 'yun, afterall, isang siyang robot at wala siyang nararamdaman so malamang wala lang rin sa kanya ang mga sinabi ko kanina.

8pm nang makarating kami sa Maynila. Nag-aabang na kami ngayon ng taxi sa terminal. Pansin kong wala din masyadong tao, wala din masyadong nadadaan na taxi-- at umulan pa.

Dahil may waiting shed dito sa pwesto ay dito na kami nag-abang. Napayakap ako sa mga braso ko, ang lamig ng simoy ng hangin at palakas pa ng palakas ang ulan.

Narinig kong bumuntong hininga si Theo na nasa tabi ko, tinignan ko siya. "Wala ka pang kain, Keziah." Usal niya na nakapagpa-kunot noo sa 'kin. Liningon niya 'ko, "Gusto mo bang kumain muna sa fast food o sa restaurant?" Tanong niya.

Ilang sandali ko pa siyang tinignan, Kung sa bagay, hindi naman niya papakinggan ang mga nasabi ko kanina kahit pa balak ko na siyang sirain. Kaya heto pagkain ko pa rin ang iniisip niya.

Bumuga ako sa hangin at inalis ang tingin sa kanya, "Ayoko. Umuwi na tayo." Sabi ko na lamang. Hindi na siya sumagot pagkatapos 'nun kaya naman tahimik nalang kaming nag-hintay.

Maya-maya ay kumilos siya, binuksan niya ang payong na dala at umalis sa tabi ko. Tumaas ang isang kilay ko sa kanya.

"Sandali lang ako, bibilhan lang kita ng pagkain." Paalam niya saka naglakad sa daan.

Wow. Hindi niya ba talaga mapigilan ang sarili sa pagpapa-alala ng pagkain ko?

Tumingin nalang sa harap ko at lalong niyakap ang sarili dahil sa lamig. Muling pumasok sa isipan ko si Theo... 'yung totoong Theo.

Hindi siya sing-persistent ni Theo ngayon, pero atleast nagagawa niya ang trabaho niya bilang Boyfriend ko. Pag mga ganitong nilalamig ako, aalukin niya agad ako ng jacket niya kahit pa siya ang lalamigin. Pero ngayon, wala na...

Mariin akong napapikit sa mga naisip. Dapat itatak ko na sa kukote ko na hindi na mabubuhay pa si Theo. Na tapos na ang lahat, patay na siya. Dapat simulan ko nang mag-move on. 'Yung... ako lang.

Bigla akong napadilat nang may humawak sa pulsuhan ko at hatakin ako paalis ng lugar. Dire-diretso siyang naglalakad hanggang sa dinala niya ako sa isang masikip at madilim na eskinita. Biglang lumakas ang kabog sa dibdib ko, Shit!

Base sa kamay at postura niya ay hindi siya si Theo. Hindi siya si Theo!

Napangiwi ako nang itulak niya ako pasandal sa malamig na dingding at iharang ang isang braso sa leeg ko para hindi ako makakilos.

"Sa wakas nakita rin kita..."

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi ko siya kilala, pero ang nakakalokong ngisi niya ang siyang nakakapag-pangilabot sa sistema ko.

Ginala ko ang mata ko para sana makahingi ng tulong pero walang tao at madilim sa parte ng lugar na 'to. Gumalaw ako at handa na siyang itulak ng maramdaman ko ang maliit na kutsilyo sa bewang ko.

Kung ho-holdapin lang niya 'ko, 'wag niya na akong saktan for god's sake!

Naramdaman kong kahit malamig, pinagpapawisan ako. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko, ayoko pang mamatay. Kahit pa makakasama ko na 'dun si Theo ay ayoko pa rin.

Hindi gugustuhin ni Theo na mamatay ako ng maaga...

"S-Sino ka?" Sinikap kong magtanong sa kabila ng kaba ko. Matunog naman siyang napangisi, "Ako... Ako si Jett, at kailangan kita." Malalim niyang saad dahilan para manindig ang balahibo ko.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now