Kabanata 3

113 38 175
                                    

Napatingin ako sa cellphone kong ring ng ring. Kahit 'di ko tignan, Alam kong si Kenzo lang 'yan, o 'di kaya ay si Mama o Papa. Gayunpaman, Hindi ko nalang 'yun pinansin.

Nanatiling nakadapa lang ako sa higaan habang hawak-hawak ang silver bracelet na may disenyong puso sa dulo. Ito 'yung first gift ni Theo sa 'kin noong first monthsary namin.

Kahit naman nagalit ako sa kanya noong huling kita namin, Hindi ko maitatanggi na mahal ko naman talaga siya. Kahit pa... Hindi ko matanggap na nagta-trabaho siya sa illegal na Casino ng Johnson na 'yun. Saka isa pa, That was 6 months ago. Hindi ko alam kung alam na ba ng Johnson na 'yun ang pagkamatay ni Theo dahil hindi ko pa rin naman siya nakikita.

Maya-maya ay may sunod-sunod na katok ang namutawi sa pintuan ko. Umayos ako ng higa at nag-talukbong ng kumot dahil ayokong kulitin na naman ako sa pagkain.

Hindi ko din alam. Pero nawalan na rin yata ako ng gana kumain.

Pero kahit hindi ko pansinin ang kumakatok na 'yun ay palakas naman ng palakas ang katok niya. Hindi pa tumitigil. Hays!

Dahil naririndi ako sa pagkatok ng taong 'yun, Napag-desisyunan kong tumayo nalang at buksan 'yun para manahimik na siya pero...

Hindi ko inaasahan...

Halos mapanganga ako sa nakita at agad tumibok ng malakas ang puso ko...

"Heto na ang pagkain mo, Kumain ka na, Keziah."

"T-T-Theo...?"

Ilang sandali kaming nagka-titigan. Ilang sandali namayani ang katahimikan. Halos hindi ko magawang alisin ang paningin sa kanya dahil... Ito ang lalaking namatay 6 months ago.

How come na nabuhay siya?

"Ako si Theodore Villamejor. Ako ang Boyfriend mo." Pormal niyang litanya. "Kumain ka na. Masama ang magpalipas ng kain."

Mula buhok, hugis ng mukha, kilay, ilong, mata at labi... Hanggang sa tindig ng katawan, tangkad at kutis ng balat pati pangangatawan ay siyang-siya. Kung nananaginip man ako, Pwes, Gusto kong magising sa panaginip na 'to.

"H-Hindi ikaw si Theo---"

"Ako si Theo. Ako ang Boyfriend mo. Ngayon, Kunin mo na 'tong hinanda kong pagkain."

Dahan-dahan nagsalubong ang kilay ko at isasarado na sana ang pinto ng harangan niya 'yun ng kamay niya. "Hindi ko hahayaang makapasok ka, Hangga't hindi mo 'to kinakain sa harap ko."

What the hell?! Hindi siya si Theo! Bakit kung makapang-utos 'to?!

"Leave!" Turo ko sa labas. Hindi siya nag-salita o nag-react man lang.

"Ano? Umalis ka sa condo ko, Impostor." Madiin kong sabi pero hindi pa rin siya nagre-react. "Kapag hindi ka umalis---"

"Aalis ako kapag kinain mo 'to." Aniya sa hawak- hawak niyang tray na may lamang kanin at burger steak. "Kapag hindi mo 'to kinain, Hindi ako aalis."

Dahil sa inis ng kung sino mang nilalang na 'to, Itutulak ko sana siya ng umatras siya para hindi ko siya mahawakan.

Napangiwi ako. Napaka consistent ng isang 'to, Hindi por que kamukha niya si Theo ay bibigay na 'ko. "Sinong nagpadala sa 'yo dito?" Blangkong tanong ko.

"Kainin mo na 'to."

"Sino munang nagpadala sa 'yo dito?"

"That's none of your business."

Nanliit ang mata ko. None of my fucking business, huh?

Mabilis kong tinabig ang kamay niya dahilan para matapon ang laman ng tray. Napatingin siya 'ron habang kunot noo naman akong nakatingin sa kanya. "Now, Get out!" Bulalas ko.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now