Kabanata 5

108 31 182
                                    

Halos hindi maipinta ang mukha ko pag labas namin ng restaurant. Sa dami ng pinakain ni Theo, hindi yata nagustuhan ng tiyan ko ang biglaang kain. Isa pa, naiinis ako sa sarili ko dahil bumigay ako sa mga hirit niya. Kung hindi ko lang kailangan kausapin 'yung Professor Limaco na 'yun hindi sana ako mauuto ng Theo na 'to.

"Bago tayo makarating 'dun, Kailangan nating sumakay ng bus ng mahigit dalawang oras. Pagbaba, sasakay tayo ng bangka dahil sa Isla de San francisco naninirahan si Professor---"

"Ano?!" Kunot noo akong bumaling sa kanya. Blangko naman siyang napatingin sa 'kin. "Saan ba eksaktong nakatira 'yun?!" Tanong ko.

"Sa Zambales siya nakatira. Sa kabilang isla ng San Salvador Island, Masinloc Zambales. Okay na?" Inalis niya ang tingin sa 'kin saka humarap sa sakayan ng Taxi. "Sumakay na tayo habang maaga pa."

Humakbang siya at handa nang lumapit sa terminal ng Taxi nang hablutin ko siya sa kamay dahilan para mapatingin siya sa 'kin. Take note: Wala siyang reaskyon sa ginawa ko. Imbes na mabigla.

Pero parang imbes siya, ako ang nagulat sa ginawa ko. Napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak ang pulsuhan niya. "U-Uhm..." Binitawan ko 'yun at umiwas ng tingin. "Baka hindi tayo makauwi kung ngayong tanghali tayo ba-byahe."

Totoo naman, Gusto ko sanang mapuntahan 'yun ngayon pero hindi ko naman alam na pagkalayo-layo ng lalakbayin namin. Hays!

Hinarap naman niya 'ko. "Nagbago na ba isip mo?"

Inis ko naman siyang tinignan sa mata. Of course not! Matapos niya akong pakain ng marami?! "Hindi! Pupuntahan pa rin natin 'yun pero ang inaalala ko lang ay---"

"'Yung matutulugan natin in case na umabot tayo ng gabi?" Pagputol niya sa sinasabi ko. Hindi naman ako sumagot. "'Wag kang mag-alala, May mga resorts sa San Salvador. Pwede naman tayong magpalipas 'dun. Isa pa..."

Nagulat ako nang dahan-dahan siyang humakbang palapit sa 'kin. What the heck?!

"Wala namang masama kung makakasama mo 'ko sa iisang kwarto, Hindi ba?" Tanong niya saka huminto. Napalunok at lalo siyang sinamaan ng tingin. "A-Anong walang masama?! Masama 'yun lalo at hindi naman kita---"

Again, Pinutol na naman niya ang sasabihin ko.

"Boyfriend mo 'ko. Nakalimutan mo na ba?" Aniya. Napa 'Tsk' nalang ako at umiwas ng tingin. "Hindi nga ikaw si Theo na dati kong Boyfriend. Itatak mo nga 'yan sa utak mo." Sabi ko na lamang.

Hindi siya nagsalita. Kaya naman tinignan ko siya, nakatitig lang siya sa 'kin na parang may masama akong nasabi. Although walang emosyon ang mukha niya, Parang gano'n kasi. Geez!

"Nawala man ang tunay na Theo..." Seryosong aniya, "Handa naman akong maging kapalit niya para hindi ka na malungkot."

Ilang sandali akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung maiiyak ako dahil pinapaalala lang niya 'yung dating Theo o magagalit ako dahil alam kong walang makakapantay kay Theo pero sa huli...

"Pfft---" Napatakip ako sa bibig ko at umiwas ng tingin.

"Bakit?"

Umiling ako pero nang tumingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Siguro, mga ilang minuto rin 'yung tinagal ng tawa ko na kahit pa maraming nagti-tinginang tao ay wala akong pake makatawa lang. Grabe nga eh, first time ko yatang matawa ng ganito ka-oa.

Matapos 'nun ay napapunas nalang ako sa mata ko dahil sa tears of joy, Haayy...

"Grabe naman, Hahahaha! What a joke!" Sabi ko habang tatawa-tawa pa rin. Napatingin ako sa mukha niyang walang pinagbago, Hays. "Pero seryoso, Nakakatawa ka. Hahahaha---"

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now