Kabanata 13

41 16 36
                                    

Tahimik akong nakaupo sa mahabang sofa dito sa bahay nila Mama. Kanina 'nung nagkaharap-harap kami nila Odette ay bigla nalang kaming tinalikuran ni Kenzo at pumasok sa kwarto niya. Halos kinse minutos na rin nang pumasok siya pero desidido pa rin akong kumbinsihin siya.

Subukan kaya niyang makipag-palit sa kalagayan ko? Ang dating babae na karibal ko kay Theo ay kasama ko ngayon bilang isang care taker. Ang malala pa 'ron, ang alam niya buhay pa si Theo at hindi niya alam na robot lang ang kasama namin ngayon. Idagdag mo pa na kung dati, nagkukulong ako sa kwarto para isip-isipin si Theo, ngayon bumaliktad na. Sa isang iglap ay biglang nasunog lahat ng pagmamahal ko sa kanya dahil sa mga nalaman.

Napatingin ako kay Odette na nakaupo sa isang single sofa. Nililibot niya ang paningin sa buong bahay, sa bagay, sino bang hindi mapapalibot ang tingin rito kung mala-mansion ang bahay at tila mamahaling mga gamit ang makikita mo. Parang mahihiya ka pang hawakan ang mga 'yun dahil sa nagtataasang halaga.

"Keziah?"

Hindi pa ako lumilingon ay alam kong si Mama 'yun. Tumingin ako sa pinanggalingan 'nun at nakita kong palapit na siya sa 'kin. May bakas ng tuwa ang kanyang magandang mukha.

Agad niya akong niyakap nang makalapit saka umupo sa tabi ko. "Anak," Hinawak-hawakan nito ang buhok ko, "Kamusta ka na? Masaya akong makita ka. Sabi sa 'kin ni Kiba ay medyo nagkaka-sundo na kayo ni Theo. Good to know, anak."

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano, noong huling kita namin ni Mama ay nataasan ko siya ng boses. Idagdag pa 'ron na mukhang hindi niya napansin si Odette na kasama ko. Baka kung ano pang masabi ni Mama na ikataka nito.

Tumingin ako kay Odette at nakitang nakatingin siya sa 'min saka ko binalik agad kay Mama. "I-I'm fine, Ma..."

"Kamusta na kayo ni Theo?" Tanong niya agad kaya naman saglit akong napaisip.

Kailangan maging maingat ako sa sasabihin ko. Hindi ko dapat sabihin na, "Ma, Paalisin niyo ang robot na 'yun sa condo ko! Mas lalo ko lang naaalala ang manlolokong Theo na 'yun!"

Napatingin ang mga mata ko kay Odette na nananatiling nakatingin sa 'min, compare kanina, parang focus na focus siya sa 'min dahil dala na rin siguro ng kuryosidad.

Binalik ko ang tingin ko kay Mama at bahagyang ngumiti. "Okay lang kami..."

Lumawak naman ang ngiti niya. "Talaga? Mabuti at nagkakasundo kayo, Anak. Sabi ko na nga ba siya---"

Bago pa niya matuloy ang sasabihin ay bahagya kong pinisil ang kamay ni Mama. Napahinto siya at tumingin sa gawi ni Odette saka 'yun nginitian. Buti naman at nakaramdam si Mama na may kasama kami.

"Ang ibig kong sabihin ay sabi ko na nga ba at mabuting tao talaga si Theo at mahal na mahal ka."

Napasandal nalang ako sa upuan. Kung saka-sakaling natuloy ni Mama ang sasabihin niya ay malamang magtataka si Odette at baka maghinala pa. Baka malaman pa niyang robot si Theo.

Pero teka, Mabuting tao at mahal na mahal ako?! May mali yata ah...

Sabay-sabay kaming napalingon nang makarinig ng yapak ng paa sa hagdanan, nakataas ang dalawang kilay niya sa 'min na tila nagtataka na nandito pa rin kami. "Oh, bakit hindi pa kayo umaalis?" Tanong niya nang makababa.

Tumayo ako, "Hindi ako titigil hangga't hindi nagbabago ang isip mo." Determinado kong ani rito na kinangisi niya.

"So kukulitin mo 'ko?"

"Kenzo, Keziah, tungkol saan ang pinag-uusapan niyo?" Kunot noong pagsingit ni Mama pero walang pumansin sa kanya. Hindi ko inaalis ang determinasyon sa mukha ko.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now