Kabanata 22

41 12 29
                                    

"Gusto kong magpasalamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi sa kaarawan ko. Hindi ko expected na ganito karami ang makakapunta dahil alam ko namang mga busy person kayo. Gusto ko rin magpasalamat sa asawa ko para sa party na 'to, at sa mga anak ko na palaging nandian para sa akin."

Nagpalakpalakan ang mga tao at halos lahat ay nakangiti sa kanya sa mini stage sa gitna. Kanina habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang mapatitig sa maganda niyang mukha. Lalo at nagmukha siyang bata sa long red dress na suot niya.

Wow, she's like 25 years old.

"Ngayon ko lang napansin na maganda pala si Tita Reeva."

Dumako ang mata ko kay Theo nang magsalita. Nakatingin siya kay Mama samantalang napakunot naman ang noo ko. So noon at kahapon ay panget sa paningin niya si Mama?

"Bakit naman?"

Nagkibitbalikat ito, "Mas napapansin ko kasi 'yung ganda mo kesa sa iba," at saka siya lumingon sa 'kin dahilan para matigil ako.

A-Ano daw?

Hindi ko maiwasang kabahan lalo at nakatingin ang mga itim niyang mata sa akin. Parang lumalakas ang kabog sa dibdib ko at feeling ko pa... namumula ako.

Shit, ano? Namumula?!

Nagkatitigan kami at hindi ko alam kung paano ko nama-manage na gawin 'yun. Dati, kapag makikipag-titigan ako sa kanya ay dahil sa inis. Ngayon, hindi ko alam kung bakit nagagawa ko ito gayong wala naman akong inis na nararamdaman sa kanya.

"Pwede ko bang putulin muna ang titigan niyo?"

Pareho kaming napatingin ni Theo kay Kiba na nasa likod namin. Bahagya siyang ngumiti sa 'kin ng magtama ang paningin namin saka siya yumuko para bumulong sa 'kin. "Do you know where's Kenzo?" Bulong nito.

Napailing ako at taka na tumingin sa kanya, "Nandian siya kanina ah, bakit?"

Kanina nang ilabas ni Kenzo si Odette para paalisin ay agad din siyang nakabalik. Sinaluhan pa nga niya ang mga kaibigan niya sa kabilang table. Pero ngayon, pansin ko nga na 'di ko siya masyadong nakikita. Iniisip ko kasi nandian lang siya at sinasamahan ang mga kaibigan.

Pinakita sa 'kin ni Kiba ang hawak niyang phone na lalong kinakunot ng noo ko. "One of the guards found this in front of the parking area. It's Kenzo's phone, am I right?"

Kinuha ko 'yun at pinagmasdan. Kulay itim na iPhone X at sand ang theme ng loob. 'Di ako pamilyar sa phone niya dahil hindi ko pa naman 'yun nahahawakan, ngayon palang.

"I'm sure it's his, pinuntahan ko 'yong kotse niya at nando'n pa rin. Nasaan kaya siya at bakit nahanap ng guard 'yan sa sahig?" Tanong ni Kiba na halatang napapaisip na kung nasaan ang aming kapatid.

"Pinahanap niyo na ba dito? Baka nandito lang." Suhestiyon ni Theo na kanina pa pala nakikinig sa 'min. Umayos ng tayo si Kiba at napabuga sa hangin.

"Yes we did."

Bigla tuloy akong kinabahan. Alam ko namang malabo na baka sila Jett ang may kagagawan no'n pero hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako na baka sila nga 'yun. Pero hindi eh, hindi niya kilala si Kenzo. Kaming dalawa lang ni Theo ang kilala niya.

Isa pa, paano niya matutunton ang lugar na 'to kung sila nga 'yon?

"Kapag nalaman nila Papa na nawawala si Kenzo, malamang mataranta ang mga bisita at baka mag-alala si Mama. Anong gagawin natin?" Muling tanong ni Kiba.

Tumayo ako. "Tama ka, the best thing we can do is to look for him. 'Yung tayong tatlo lang ang nakakaalam." Bilin ko. Iniisip ko kasi na baka kung ipapahanap din namin 'yun sa mga guard, baka magtaka na si Papa.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now