Kabanata 21

38 13 32
                                    

Suot ang Blush pink sleeveless short cocktail dress ko na tinernuhan nang Rose fold studded cross strap heels na may taas na 4 inches, nakapusod din ang mahaba kong buhok na bahagya kong kinulot ang dulo, naglagay din ako ng kaunting buhok sa gilid ng pisngi ko, at syempre, light make up.

Sinuot ko rin ang kwintas na bigay ni Theo noong isang araw. Sa ganda at laki ng halaga nito, manghihinayang ka nalang na 'wag gamitin dahil kapansin-pansin talaga.

Napatitig ako sa salamin. Siguro huling nagpaganda ako ay noong huling labas namin ni Theo... na Ex ko. Tuwing magda-date kami, hindi pwedeng hindi ako nakaayos. Hindi pwedeng magmukha akong simple lang. Gusto ko noon, ako lang ang pinaka magandang babae sa paningin niya palagi.

Pero noong namatay siya, nawalan ng saysay ang pagpapaganda ko.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa bintana ng kwarto ko. Kung tutuusin, kahit naman mag-effort ako noon na magpaganda ay si Odette naman ang totoong maganda sa kanya. Wala akong laban. Oo.

Pero noon 'yon.

Pakiramdam ko nga kapag naaalala ko ang mga pinagsamahan namin ni Theo ay nandidiri na ako. Nasasaktan ng bahagya, nagagalit, naiinis at natatawa. Halu-halong emosyon.

Ngayong tapos na ang pangloloko nila sa 'kin. Magsisimula ulit ako bilang Keziah Torres. Kailangan kalimutan ko na ang mapapait na alaalang binigay niya sa 'kin.

How I wish he went directly in hell and burn his villainy soul.

Nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok sa pinto dahilan para bumalik ako sa sarili. Muli akong tumingin sa salamin at inayos ng kaunti ang suot ko. Kinuha ko muna ang maliit na pouch ko saka ako nagtungo sa pinto.

Bumungad sa 'kin ang itsura ni Theo. Suot ang black tuxedo, kita rin na nakablack polo siya sa loob. All black kumbaga. Napangiti siya nang magtama ang paningin namin. Habang ako ay pinagmasdan lang ang kanyang mala-perpektong pigura. Bagsak pa rin ang kanyang buhok, mukha siyang bagong gising dahil sa mapupungay niyang mata.

Ito 'yung itsura ng kinababaliwan ko dati na minsan ko nang iniyakan at sinaktan ako. Pero ngayon, ito ang itsura nang robot na pilit akong pinapasaya at tinatayo mula sa nakaraan...

Si C-3PO a.k.a. Theodore Villamejor.

"You look wonderful,"

It's just one compliment but gives me an edgy feeling. Automatic akong napaiwas ng tingin. Palagi ko namang naririnig sa kanya na bolahin ako, pero may iba akong nararamdaman.

"Hindi talaga ako kasama? Sabi sa akin kaninang umaga ni Kenzo kasama ako, tapos ngayon hindi na?"

Sabay kaming napalingon sa likod ni Theo. Lumabas ako ng kwarto para makita si Odette na nagrereklamo sa harap ni Kiba. Habang ang kapatid ko nama'y mukhang hindi alam ang saabihin. Naalala ko tuloy 'yung pag-uusap namin ni Kenzo kanina, siguro nagbago na ang isip niya.

"Sorry, iyon 'yung binilin ni Kenzo eh. Heto oh, tinext niya." Saka pinakita ni Kiba ang phone kay Odette habang napakunot noo naman itong binabasa ang message.

Napairap nalang ako. Kung sa bagay, minsan lang naman siya maka-attend sa ganito ka-eleganteng party, obviously pinaghandaan 'yon ni Odette. She looks sophisticated in her long fitted white dress. Nagmukha siyang human barbie sa make up niya. Wow, kung buhay lang si Theo, naglaway na 'yon.

"This can't be, isama niyo ako at kakausapin ko doon si Kenzo." Angil niya.

"Pero--- baka magalit sa 'kin si Kenzo. Saka party 'yun ni Mama."

Kinuha ni Odette ang black sling bag niya saka dumiretso sa pinto. "Hindi na 'yun makakaangal kapag nakita ako. Now let's go," nauna siyang lumabas ng pinto habang nagkatinginan naman kami ni Kiba.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now