Kabanata 2

165 35 229
                                    

KEZIAH

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. Tumingin ako 'ron ng ilang sandali na parang mapapahinto ko 'yun sa pagtitig ko. Pero dumapa nalang ako at nagtakip ng unan sa ulo.

Kung si Ate Jaya 'yun, sapat na siguro ang pagso-sorry ko kahapon. Ayoko ng ulitin pa.

"Keziah! Buksan mo 'to!"

Nakaramdam ako ng inis dahil hindi si Ate Jaya 'yun kung hindi si Kenzo. Mas lalo yatang ayoko na nandito siya sa Maynila. Minsan, hindi rin nakaka-ganda na kinakausap niya ako.

"Kapag hindi mo ito binuksan, Pasensyahan tayo pero sisirain ko 'to sa ayaw at sa gusto mo!" Bulalas niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko at bumangon para maupo.

Parang alam ko na kung bakit siya nandito sa condo.

"Ano, Keziah? Hindi ka naniniwala?!" Muli niyang sigaw kaya walang ganang tumayo nalang ako at lumapit 'ron.

Nakita kong naka-long sleeve black polo siya na bahagyang bukas ang isang butones sa taas, mukhang galing lang ng office. Bukod 'dun, salubong ang kilay niya-- As expected.

Suminghal siya at sinandal ang isang kamay sa gilid ko. "Anong ginawa mo kay Ate Jaya? Bakit mo siya binuhusan ng mainit na kape? Alam mo bang pwede ka niyang kasuhan sa ginawa mo?!"

Inalis ko ang tingin sa kanya na parang inip na inip na. This is the reason why I don't want his presence.

"Mabuti nalang sinagot nila Mama ang ospital niya kahapon. Ano, Keziah? Ganyan ka nalang? Ayaw mo ng magbago?"

Hindi ako nagsalita.

"Sumagot ka. Una kay Ate Via, Pangalawa kay Ate Lesley, Ngayon kay Ate Jaya! Huy, Keziah! 6 months have passed! Wake up---"

"Get lost." Ayoko sanang maging bastos pero nakakarindi na ang mga salita ni Kenzo. Isa pa, Ayokong pag-usapan ang nakaraan.

Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang higitin ang braso ko. Medyo masakit, pero hindi ko 'yun ininda. "Watch your mouth, Keziah. I'm still your brother." Madiin niyang sabi pero hindi ako sumagot. Bagkus, hinigit ko pabalik ang braso ko at sinaraduhan siya ng pinto.

Bastos na kung bastos. Judge me the way you like, Laitin niyo 'ko. That's fine. Pero ayoko lang talagang may nangengealam sa 'kin.

Siguro nga tama ang kasabihan na 'walang permanente sa mundo'. Lahat dumadaan lang sa 'yo. Kung minsan pasisiyahin ka and after that, iiwan ka sa ere. Siguro nga wala ring 'Happy ending'. Walang 'Happily ever after'. Walang 'Forever'.

Dahil kung meron...

Bakit... Bakit niya 'ko iniwan?

Pero ang tanga ko rin, Bakit ko naman naitatanong iyan? As if kasalanan niya na iniwan niya ako. Kahit na ang totoo, ako naman talaga ang may sala.

***

Kinaumagahan, Pagka-gising ko ay hindi ako agad bumangon. Nanatiling nakatitig lang ako sa puting kisame na nandito. Kahit pa siguro ilang oras ko 'to gawin, kaya ko.

Maya-maya ay may narinig akong parang may natabig na bagay sa labas ng kwarto. Lumingon ako 'ron, Hindi naman siguro si Kenzo 'yun. Hindi 'yun mags-stay dito para lang bantayan ang walang modo niyang kapatid. Isa pa, hindi 'yun mapapa-absent sa trabaho.

Pumikit ako pero ilang sandali lang ay tumayo na rin. Sumilip ako sa pinto kung sino ang nasa labas at nakita kong nakatayo si Kiba at may inaayos na kung ano sa kusina.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now