Kabanata 26

36 12 26
                                    

"May dumi ba ako sa mukha?"

Napakurap ako ng tatlong beses nang magsalita si Theo. Napangiti ako at napapailing na umayos ng upo. Hindi ko man lang na-realize na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako makapaniwala na hindi nasira si Theo. Buong akala ko, gigising ako nang nando'n pa rin ang katawan niya, at iiyak na naman sa pagkasira niya dahil sa sarili kong kasalanan.

Hindi ako nakaramdam ng hiya kanina nang yakapin ko siya. Hiya? Ilang? Awkward? No. 'Yung pakiramdam ko kasi kanina ay parang gumaan ng lubos dahil nakita ko siyang maayos. Pinaliwanag din agad sa akin ni Theo ang nangyari. Ika niya, maaaring natuyo ang mga makinang nabasa sa loob niya which is super rare sa mga kagaya niyang robot.

40 out of 100 lang daw ang tsansa na maayos ulit siya. Himala nalang talaga na naging okay siya kaya sumobra ang galak na naramdaman ko.

If I'm going to thank someone, that would be our Lord God.

"Kanina ko pa napapansin na nakatitig ka, sobra mo ba akong na-miss?" Nakangising tanong nito kaya natawa ako ng bahagya. Gusto ko na nga lang mapamura dahil shit, I'm not like this!

"Pinag-alala mo 'ko." Ani ko na lamang.

Medyo nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa, "I'm sorry. Pero ngayon alam mo na, na hindi ako pwede mababad?" Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

Ako nama'y bigla na namang na-guilty. Aminado talaga ako, at hindi na ako uulit dahil baka wala nang pag-asang magising siya sa susunod-- which is a drag thought.

"Sana man lang kasi nagsabi ka. Nagsabi ka na hindi ka pwede mababad. 'Di ba?" Nakasimangot kong angil rito. Nakakainis lang na alam pala niyang bawal siya 'ron, sumama at pumayag pa!

"You know I can't reject you, babe..."

Nanlaki ang mata ko at napaiwas ako ng paningin. What the heck?! Pakiramdam ko nagtaasan ang mga balahibo ko kahit na hindi naman ito ang unang beses na tawagin niya akong gano'n.

It's just that... kinikilig ako?

Waaaaaaah Keziah!

"Hey," hinawakan ni Theo ang baba ko at marahang pinaharap ang mukha ko sa kanya. Kung kanina hindi ako nakaramdam ng hiya o ilang, parang ngayon na yata umaatake. "H'wag ka munang kiligin, kumain ka muna."

Umayos siya nang upo at nginisian ako. Pinagsaklop niya ang mga daliri at pinatong ang dalawang siko niya sa mesa habang nakatingin sa 'kin. Napalunok ako at hinawakan ang mga kubyertos sa harapan. Gusto kong mag-react pero hindi ko magawa. This is really insane!

Nasa harapan ko ang mga pagkaing niluto niya at alam kong gutom na ang nararamdaman ko dahil kagabi pa ako walang kain pero... ba't parang ngayon na ako talaga nailang?

Tinaasan niya ako ng kilay na parang, "Ano pa hinihintay mo?" Look. Napailing naman ako at sinimulan na ang pagkain. Dahil hindi ko na rin kaya ang gutom ay hindi ko na lang siya pinansin.

Dahil last day na namin bukas, gusto ko siyang yayain mamaya mamasyal doon sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. Ang alam ko kasi malaki ang resort na 'to, ang alam ko nga ay may magandang garden dito na pinamamahayan daw ng mga paru-paro at magagandang bulaklak. Para daw 'yon sa mga taong nais mapag-isa o sa mga taong may malalim na iniisip. Syempre, makakatulong nga naman ang nature para gumaan ng kaunti ang pakiramdam ng taong may pinagdadaanan.

Bago ako matapos kumain ay nagsalita na ulit si Theo, "Oh, by the way, you are not allowed to get out of this room. Understood?"

Napatigil ako sa pag-nguya at tumingin sa kanya. Ano daw? 'Not allowed to get out of here?'

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now