Kabanata 12

41 17 36
                                    

Lumabas ako ng kwarto nang handa na. Dahil balita ko nasa bahay ngayon si Kenzo, kailangan ko siyang makaharap at makausap. Hindi ko matatanggap na kinuha niya si Odette ng gano'n gano'n lang.

"Good afternoon."

Tumaas ang isang kilay ko kay Odette ng magalang niya akong batiin. Tipong parang walang nangyari na sagutan sa 'min kagabi at parang napaka bait niya. Pansin kong nakaayos din ito.

"Kung balak mong umalis, sasama ako." Nakangiting anito kaya kinunutan ko siya ng noo.

Dumiretso ako sa kusina, pansin kong wala si Theo kanina pa. Ni hindi nga ako kinatok sa kwarto. Napapaisip tuloy ako kung saan na naman siya nagpunta.

"Kung si Theo ang hinahanap mo, wala siya rito. Kasama niya si Tito Rio." Saad ni Odette dahilan para mapatingin ako sa likuran ko.

Calling my Dad 'Tito Rio' makes me irritate so much! Like, we're not even friends for that such thing. Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang babaeng 'to.

Hindi ko na siya pinansin pa. Naglakad ako at dumiretso ng pinto. Bahala siya kung susunod siya o hindi, afterall, kay Kenzo naman ako didiretso. Alam kong wala akong panalo sa lalaking 'yun pero this time siguro naman ako ang papanigan ni Kenzo?

Dire-diretso ako hanggang sa makalabas ng building na parang walang pakialam sa kasama. I know she's only behind me, naririnig ko 'yung takong ng doll shoes niya.

Agad kong sinenyasan ang taxi na paparating. Huminto ito sa tapat ko kaya naman pumasok na ako, pero 'nung akmang isasara ko na 'yung pinto ay may kamay na humarang 'dun. "I told you I'm coming with you, remember?" Mapang-asar na ngiti ang pinukol niya sa 'kin.

Bigla akong nainis, "Mas maganda kung nasa unit ka lang. Atleast may nagbabantay tutal mukha ka namang aso." Diretso kong sabi dahilan para mapanganga siya.

"A-Ako?" Sabay turo sa sarili niya.

"May iba pa ba akong kausap bukod sa 'yo? You know what, get out. Aalis na ako." Isasara ko na sana ulit 'yung pinto nang pwersahan niyang hatakin 'yun. "Kung mukha akong aso, ikaw mukhang bulldog!" Pasigaw niyang angil.

Kumunot ang noo ko, "Aso din 'yun! 'Wag mo akong igaya sa 'yo!"

"Kung gano'n, mas masahol ka pa sa aso! Mabuti nga at sasamahan pa kita. Kung 'di lang utos 'to baka literal na pang-aso na 'yang mukha mo!"

At dahil 'dun, nagsalubong na ng tuluyan ang mga kilay ko.

Just... Just what the hell did she said?

"Ang kapal ng mukha mo para sabihan ako ng ganyan!" Bigla kong hinatak 'yung buhok niya kaya naman agad siyang nag-react. "Hoy stupida, alalahanin mo kapatid ko pa rin si Kenzo at kaya kong ipatanggal ka! Akala mo ba gusto kong kasama ka? Fuck you!"

"M-Ma'am, tama na po iyan..."

Halos hindi na alam ng driver kung paano ako pipigilan habang ito namang si Odette ay patuloy na pinipigilan ang kamay kong masaya sa pagsasabunot sa buhok niyang hindi naman kagandahan.

"Tama na po iyan, Ma'am." Muling saad 'nung driver.

"Let go of my hair, bitch!" Angil nito kaya lalo ko pang hinatak ang buhok niya.

"Shut the fuck up, whore!" Sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

Napigilan lang kami nang may mga staff at guard na ang pumagitna sa 'min. Nasa loob ako ng kotse habang siya ay kita ang pamumula dahil sa posisyon niya kanina. Nakatuwad siya sa pintuan habang hatak-hatak ko ang mahaba niyang buhok. Ngayon ay hingal na hingal siya at matalim na nakatingin sa 'kin.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now