Kabanata 4

122 35 181
                                    

"Mama! Papa!" Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Alam kong nandito lang sila, kung wala man si Papa, atleast may makausap man ako tungkol sa kalokohang nangyayari sa 'kin.

"Nandito ako kausapin niyo ako!" Sigaw kong muli. Halos salubong ang mga kilay ko habang nag-iigting ang panga ko sa galit.

Gusto kong malaman kung sino ba ang 'Theo' na paulit-ulit niyang sinasabi na siya ang Boyfriend ko. The hell!? Patay na si Theo kaya hindi nila ako maloloko.

Nakita kong sumilip si Mama mula sa hagdan, bahagya siyang nagulat ng makumpirmang ako nga ang kanina pang sumisigaw. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan na tila isang himala na nagpakita ako.

"A-Anak..."

"What the hell are you doing?! Sino ang Theo na 'yun?!" Bulalas ko. Nagulat naman si Mama sa pinakita kong attitude. Pero wala na sa 'kin 'yun, inis ang nararamdaman ko ngayon.

"Theo? So nagkita na kayo?" Tanong niya dahilan para malaman ko na may alam sila sa lalaking 'yun.

"Nagkita? So kilala mo siya?" Bahagya akong napangisi, "Anong kalokohan 'to? Saan niyo napulot 'yung lalaking 'yun para itatak sa utak niya na siya si Theodore Villamejor na Boyfriend ko?!"

Napahawak si Mama sa kanyang dibdib at hindi nakasagot. Alam ko na nagugulat siya sa nagiging aksyon ko sa harap niya. Tulad nga ng sabi ni Kiba, dati akong sweet sa kanila. Pero hindi na ngayon lalo at nalaman kong ginagawa nila akong tanga.

"K-Keziah..."

"I want answers. Sino siya at saan niyo---"

Nahinto ako sa pagsasalita nang may dahan-dahang pumalakpak mula sa gilid ko. Napatingin ako 'ron at lalo yata akong nainis dahil nakita kong nakangisi si Kenzo sa 'kin habang nakasandal sa dingding.

"I'm impressed that you're able to show up yourself here and ask questions, Sis." Aniya saka bahagyang lumapit kay Mama. "Tama nga kami. Si Theo lang pala ang makakapag-palabas sa 'yo sa lungga mo---"

"Shut up!" Mariin kong sagot.

"Hindi mo ba nagustuhan ang surpresa namin sa 'yo? Nabuhay si Theo, ang love of your life. Just say thank you and stop complaining." Bahagya siyang sumeryoso pero hindi ako nagpatinag. Nabuhay? What the hell?!

"Saan niyo siya nakuha? Sino siya at bakit gano'n siya sa 'kin?!" Inis na tanong ko na lamang.

Napabuga naman sa hangin si Kenzo at bahagyang napairap na parang nabo-boring siya sa pinag-uusapan. "Alam mo hindi mo na kailangan pang malaman. Wala ka na rin namang magagawa kapag---"

"He is a robot."

Natigil kami pareho ni Kenzo at napatingin sa seryosong mukha ni Mama. Lalo na ako. Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. "W-What?"

"Malaking pera ang ginastos ng Papa mo para lang mabuo ang Theodore Villamejor na nagpakilala sa 'yo. Dahil masyado kang depressed at lumayo ang loob mo sa'min, naisipan naming baka ito ang solusyon para bumalik ka sa dati." Paliwanag ni Mama.

"And here she is, nagkaro'n naman ng pagbabago eh." Kumento ni Kenzo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Naiinis ako sa pang-gagatong ni Kenzo. This is why I hate him, Kahit noon ganyan na siya. Masyado siyang presko pero kaunting salita mo lang sa kanya ay magagalit na siya. Palibhasa panganay at lahat nakukuha.

Hindi ko alam kung masasabi mo bang istrikto siya. Base kasi sa 'kin, Gano'n siya. At the same time sobrang bossy. Sinong may gusto na may Kuya kang ganyan?! Tsk!

"If you wanna know more, You can go straight to Professor Limaco. He is the top player for Theo's secret identity." Dagdag ni Kenzo.

"Professor Limaco?" Nagtatakang tanong ko. I've never heard that name. Gano'n ba ka-desperado sila Papa para sa anim na buwan kong pananahimik ay nakahanap na agad sila ng Professor Limaco?

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now