Kabanata 17

41 13 33
                                    

"Theooo!"

Pagtapak na pagtapak palang namin sa loob ng unit ko ay agad nang sinalubong ni Odette ng yakap si Theo. Kung titigna'y halatang worried siya where in fact, wala naman siyang dapat na ika-worried.

"A-Anong nangyari? Anong sabi ni Tito Rio?!" Kumalas siya at nag-aalalang tumingin sa 'kin.

Nang magtama ang paningin naming dalawa, bigla akong nakaramdam ng pitik sa puso ko. Naalala ko 'yung sinabi ni Theo sa video. Na... si Odette talaga ang laman ng puso niya.

"Magdo-doble ingat daw kami,"

Dumiretso ako nang kwarto pero nagsalita pa ulit siya. "Doble ingat? Paano si Theo? Paano kapag may nangyaring masama na naman sa kanya?"

Blangko ko itong tinignan. Actually, gusto ko siyang sagutin nang, "Boyfriend ko naman siya ah? Anong pakialam mo?" Pero naisip ko, ayokong sabihin 'yun sa harapan ni Theo. Parang nahihiya ako.

"Ayos lang sa akin, 'wag lang kay Keziah." Simpleng usal ni Theo na nakaupo na ngayon. Napatingin sa kanya si Odette na parang napahiya pa. Kung sa bagay, over acting naman kasi.

Napatitig ako kay Theo. Seryoso na naman ang kanyang mukha at parang hindi mo makakausap ng ayos. Siguro dahil iniisip din niya ang napag-usapan nila ng kapatid ko. Para sa 'kin, mahirap na trabaho 'yun lalo at mukhang delekadong tao sila Jett.

Mabilis akong napaiwas ng tingin nang lumingon siya sa 'kin. Nabasa ko ang labi saka tumalikod at pumasok sa kwarto. Muli kong naalala ang usapan namin ni Papa kanina... at, sabi ko nga, nakapag-desisyon na ako na sana ay tama.

Humiga ako sa kama at napatitig nalang sa kisame. Pakiramdam ko ang daming nangyari. Pero nang sumagi muli sa isip ko 'yung recorded video ni Theo noon, "Tangina..." napapamura nalang ako sa isip ko. Kasabay ng alaalang 'yun ay ang muli na namang pagkirot ng puso ko.

To be honest, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Theo ngayon dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ko malalaman ang lahat ng kasinungalingan sa 'kin ni Theo noon. Kung 'di rin dahil sa kanya ay baka hanggang ngayon ay nagkukulong pa rin ako sa kwarto at nag-iisip ng kung anu-ano. Kung 'di dahil sa kanya, hindi ako makakakain ng maayos. Kung 'di dahil sa kanya, baka mas malala pa ang nangyari sa 'kin sa kamay nila Jett.

Kaya nga nakapag-desisyon na ako.

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...

* * *

Naalimpungatan ako ng gising dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto. Kinusot-kusot ko ang mata ko saka umupo sa higaan, nakita kong maaraw na sa labas mula sa bintana.

Siguro, normal nalang sa 'yo na maalala ang isa sa mga eksenang minsan nagparamdam sa 'yo ng sobrang takot. Gano'n na gano'n ang naiisip ko ngayong naalala ko na naman ang nangyari sa 'king pagkidnap.

Napahawak ako sa ulo ko at napayuko. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang pagkirot ng sugat ko. Tulad ng isang peklat na 'di kalauna'y makakaroon din ako, gano'n rin sigurado ang mangyayari sa mga alaalang nagbigay ng takot at sakit sa buhay ko.

Narinig kong may kumakatok na sa pinto ko, posibleng si Odette 'yun o si Theo. Tumayo ako at lumapit doon saka binuksan, bumungad sa 'kin ang nakangiting mukha ni Kiba.

"Good afternoon, Ate! C'mon let's eat!" Mabilis niya akong nahawakan sa kamay at hinatak papuntang kusina.

Gusto ko sanang hatakin pabalik ang kamay kong hawak niya pero huli na, nasa tapat na kami ng lamesa. Napakurap-kurap pa 'ko, mga hindi inaasahang pagkain ang maaabutan ko ngayon.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now