Kabanata 24

41 12 26
                                    

"Nagpadala ako ng apat na security mo, pero 'wag ka mag-alala, hindi 'yan magiging istorbo sa inyo ni Theo."

Kumunot ang noo ko nang mapatingin sa apat na lalaking pare-parehas ng itim na uniform. Mga naka-shades din sila at diretso ang pagkakatayo sa gilid namin. "What do you mean by "istorbo?" Pa,"

Iba kasi pumasok sa isip ko. Hindi naman sa green minded pero hindi naman kami nagpunta dito para sa honeymoon or date. Well, sabi nila, take a break. So sa tingin ko 'yun lang 'yon.

Although aaminin ko, parang date na ring maituturing para sa akin.

Pinilig ko ang ulo ko at inalis ang mga 'yun sa isip ko. Ang weird-weird ko na talaga shit!

"Bakit, boyfriend mo naman siya 'di ba?"

"P-Pa!"

Hays. Kanina bago kami makasakay ng eroplano papunta rito ay ganyan din mang-asar si Kiba na akala mo talaga ay totoong boyfriend ko si Theo. Medyo naiilang na tuloy ako kay Theo dahil sa hindi ko maipaliwanag na bagay. Kung dati, naiinis ako pag inaasar akong gano'n, ngayon naiilang na ako at 'yun na ang nakakainis.

Marahang natawa si Papa na pakiramdam ko, na-miss kong marinig pagkatapos ng lahat ng nangyayari. "Keziah, hindi namin hahayaan na may mangyari sa 'yo. Kaya nandian si Theo para umalalay sa 'yo lalo at target ka ng Jett na 'yun. Ayoko nang maulit ang nangyari sa 'yo noong nakaraan."

That's too good to hear. Pakiramdam ko talaga, nagsisisi na ako kung bakit nagkulong pa ako ng anim na buwan pagkatapos ay malalaman ko niloloko lang pala ako. Mas mabuti na 'yung ganito. Okay kami ng family ko, bumalik ang lahat sa amin at...

Napatingin ako kay Theo na nakatayo lamang hindi kalayuan sa 'kin. Nakapamulsa siya at nakaharap sa asul na dagat habang hinahangin ang kanyang buhok.

Napangiti ako. May kung ano akong naramdaman na hindi ko masabi.

Bumalik ang lahat sa amin ng family ko at... kasama ko ang tao-- robot na siyang dahilan para makakain ako ng ayos at makalabas sa kwarto. Dahilan kung bakit nakuha muli ng atensyon ko ang pamilya ko, at dahilan kung bakit may nararamdaman akong minsan ko na naramdaman noon.

"Keziah, anak? Still there?"

Inalis ko ang paningin kay Theo at nabalik sa wisyo. Masyado akong nadala sa mga naisip. "Ah, yeah. Kahit naman ako ayoko nang maulit 'yun, Pa."

"Okay. Enjoy your three day vacation. Sana naman ay hindi ka na matunton ng Jett na 'yon pagbalik mo dito."

"I hope so,"

Sa pagkakaalam ko kasi ayon sa suhestiyon na rin ni Theo kaninang umaga, ililipat daw ako ng condo unit nang sa gano'n ay hindi na 'yun maturo pa ni Odette. Nag-aalala rin ako, posible talaga na sumapi siya or worst, baka matagal na siyang kasapi nila Jett. Naghihintay lang siya ng tamang timing.

Bago namin ibaba ang telepono ay muling nagsalita si Papa. "Whatever happens, it is destine to happen. I'd rather choose for you to fall into something metal, than fall into living devil." Then he hung up.

Binasa ko ang labi ko bago dahan-dahan ibaba ang phone. I don't know what's that for. Gusto ko sanang itanong 'yun kaya lang binabaan na ako. But I have a feeling...

It's between living entity or living roguishly.

"Nagugutom ka? Gusto mo kumain o gusto mo muna magpahinga?"

Dahil sa sinabi ni Papa, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Theo. Kunot ang noo niya at hinahangin parin ang kanyang buhok. Mainit kasi talaga dahil alas tres na ng hapon. Gayon pa man, marami pa ring turista ang naglilibot at naliligo sa dagat.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now