Kabanata 23

34 11 32
                                    

Pasado alas dose nang dumating kami sa condo ni Theo. Ramdam ko 'yung pagod na parang gusto ko nalang humilata hanggang bukas. Ilang oras lang din at nakalabas na si Kenzo sa ospital. Hindi naman gano'n kalala ang narating ng mga sugat niya, which is good.

Akala ko pagdating namin ng condo ay malaya na ako kay Odette. Pero hindi pa pala...

Nakaupo siya sa sofa habang tulala. Namumula at namamaga rin ang kanyang mga mata na parang galing siya sa iyak. Suot niya pa rin ang dress kanina sa party ngunit ang kaibahan lang ay mukhang hindi siya nag-ayos ng sarili dahil sa halatang kalat na make-up niya.

Nang pumasok kami, agad siyang lumingon sa amin. Saka ko na-realize na, Hindi pa nga pala niya nakukuha ang lalaking mahal at ama ng anak niya.

"We are not yet done." Madiin niyang bigkas habang nakatingin sa 'kin.

Tumayo siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Masasabi ko na sa oras na ito, at sa mabilis na panahon ay agad siyang nagpalit ng personalidad. Oo at warfreak siya, pero iba yata ang nakikita ko sa kanya ngayon.

"Mang-aagaw ka," mahina ngunit madiin nitong sabi. Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Like, kailan pa ako nang-agaw?

"First of all wala akong inaagaw sa 'yo. Is it my fault that Theo didn't miss you?" Banat ko. Sa isip isip ko ay gusto ko na rin siyang tirahin ng baon kong konklusyon, pero sige pagbibigyan ko siya sa gusto niya mangyari ngayon.

"I am his true love. You are just his toy in the first place."

Medyo na-hurt ako at tila napamura pa ako sa isip ko. Alam ko naman na niloko at pinaglaruan lang ako ng lalaking 'yun. Pero hindi ko alam kung bakit bago ng bago sa 'kin kapag si Odette ang nagsasalita.

"So anong gusto mong palabasin?" Blangkong tanong ko na lamang.

"Ibigay mo na siya sa 'kin. Kailangan siya ng anak ko at kailangan ko siya!"

Napatingin ako kay Theo na seryosong nakikinig sa amin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero sa sinabi ni Odette, hindi ko maiwasang masaktan.

Kahit ipaulit-ulit ko sa isip ko na, hindi ito ang tunay na Theo at wala siyang nararamdaman dahil isa siyang robot, hindi ko maiwasan masaktan knowing na... nagiging importante na siya sa 'kin.

Mula sa pagkakakunot ng noo ko ay naging blangko ang ekspresyon ko. "Pwes, hindi ka na niya kailangan."

"How dare you!"

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari, bigla nalang niya akong sinabunutan kaya naman agad akong nawalan ng balanse. Napangiwi ako nang maramdaman ang gigil niya sa buhok ko na walang awat niyang hinahatak pababa. Agad naman rumesponde si Theo para awatin ito pero ayaw niyang magpatigil.

"Malandi ka talaga, Keziah! Ikaw ang sumira sa maganda naming relasyon ni Theo! Akin siya, akin lang!"

Naririnig ko na pinapatigil na siya ni Theo pero parang wala siyang naririnig. Ako nama'y hindi maka-tiyempo ng ayos dahil nabigla ako sa pagsugod niya. Nakayuko lang ako at hawak-hawak ang mga kamay niyang gigil sa akin.

"A-Ano ba?! Bitawan mo 'ko!" Sigaw ko pero hindi siya nakikinig.

"Odette, please don't hurt her!"

"Tsa!" Tumigil si Odette pero hawak pa rin niya ang buhok ko. Napapikit ako ng mariin dahil ramdam ko na baka anytime eh, makalbo na ako. "Don't hurt her?! Are you on drugs, Theodore?! Eh, 'di ba ayun naman ang plano mo, saktan siya, paasahin, lokohin, gamitin."

This time, hindi na ako gumalaw. Nanatili akong nakayuko habang hawak niya pa rin ng marahas ang buhok ko. Dumilat ako at napakagat sa ibabang labi. 'Yung mga salitang binitawan niya... tumagos sa 'kin.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now