Kabanata 29

39 10 28
                                    

Wala pang isang oras nang nagsi-datingan na agad ang mga pulis na pinatawag ni Kenzo upang imbestigahan ang patayan na nangyari. Ilang oras na rin ang nakalipas nang sumugod dito sila Jett at tangayin si Theo. Gano'n pa man, nananatili akong tahimik at umiiyak.

Alas siyete na ng umaga at kahit gustong-gusto na pumikit ng mga mata ko para matulog ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko mahihirapan ako makatulog dahil sa pag-aalala at takot ngayong walang nakakaalam sa amin kung nasaan si Theo.

"H'wag kayo mag-alala, sir. Gagawin po namin ang lahat para makita ang grupo ng kalalakihan na ito."

"Please do that as soon as possible."

Patuloy pa rin ang pakikipag-kooperasyon ni Kenzo sa mga pulis habang lumapit naman sa 'kin si Kiba, "Ate... matulog ka muna. Pag gising mo saka natin hahanapin si Theo."

Mabilis akong napailing. "A-Ayoko. Hindi ako makakatulog."

"Binalita na namin ito kay Papa at maging siya ay na-alerto na." Hinawakan nito ang kamay ko kaya napatingin ako 'ron. "Robot si Theo, remember? Imposibleng hindi siya makabalik."

Kumunot ang noo ko at sunod-sunod na namang nagdagsaan ang luha ko. Alam ko namang sinasabi lang ito ni Kiba para gumaan ang loob ko. Pero deep down inside him, may pag-aalala din siya na baka nga hindi na maibalik si Theo.

Madali lang sana matunton kung nasaan si Theo kung alam namin ang lugar nila Jett, pero dahil wala kaming kaalam-alam, malaking katanungan kung saan ba kami mag-uumpisa.

Sana... sana lang hindi malaman ni Jett na robot si Theo.

"T-Theo! Theo!"

"Ma'am pasenya na, hindi po kayo pwedeng pumasok---"

"Where is Theo?! Is he fine?!"

Sabay kaming napatingin ni Kiba sa pintuan. Kahit nakasara ito ay may hint na kaagad ako kung sino ang nasa likod nito.

Marahas kong pinunasan ang pisngi ko at tumayo. Boses palang ang naririnig ko pero nanginginig na ang kalamnan ko sa galit.

"Hey, where are you going?" Kaagad na tanong sa 'kin ni Kenzo na hawak ang kanyang phone.

Tinignan ko lamang ito at hindi pinansin nang mabilis siyang lumakad sa 'kin at pigilan ako sa siko. "Keziah! Susugurin mo si Odette, tama?"

"Nandian na siya, bakit hindi ko pa kukunin ang oras na 'to kung siya naman ang dahilan kung bakit nadamay si Theo."

"Ako nalang ang lalabas at---"

"No," mariin kong usal. Napakagat naman siya sa ibabang labi. Marahil nagpipigil sa kung anuman ang gusto pang sabihin.

Dahil hindi na siya nagsalita, hinatak ko ang braso ko at dumiretso sa labas ng unit. Agad kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Odette habang kausap ang guard na mukhang pinadala ni Kenzo rito. Nang magtama ang aming paningin, mabilis na sumilyab ang inis at galit sa 'kin. Naramdaman ko rin na sumunod sa likod ko si Kenzo at Kiba.

"K-K-Keziah..."

Dahan-dahan akong lumapit rito. Bahagya namang umatras ang guard at yumuko. Hindi ko alam kung bakit parang nagtataka si Odette, may kataka-taka ba na ako ang nakita niya?

"N-Nasaan si Theo? Nandian ba siya?" Tanong nito.

Napalunok ako at naikuyom ang palad ko. Kahit wala pa siyang sabihin, parang alam na alam ko na kung anong ginaganyan niya. "Pinapunta mo rito sila Jett... para ipakuha ako?"

Base sa nangyari kanina, ako dapat talaga ang kukunin hindi si Theo. Hindi alam ni Jett ang location namin kaya nakakapagtaka 'yon kung paano niya nalaman. Ngayon ay nasa harapan ko na ang sagot.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now