Kabanata 28

38 12 20
                                    

3am na pero nananatili pa rin akong gising. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na feeling ko nakasakay ako sa roller coaster dahil sa halu-halong emosyon sa puso ko.

I'm feeling happy, yes. But at the same time I'm feeling blue. Halos hindi maalis ang ngiti ko kanina nang matapos ang matamis na halik na 'yon. Iniisip niyo siguro na imposible ang sinasabi ko, that kiss was real. It's like I'm kissing a real human. It felt hot, it felt good in my mouth.

Napapaisip pa nga ako kung papaano niya 'yun nagagawa knowing that he's a robot. Did Professor Limaco put human tounge on him? But, I couldn't care less anymore. What's important was the feeling of his lips on mine.

Tumagilid ako ng higa at muling binalikan ang nangyaring halikan kanina. Siguro okay na ako do'n, hindi na ako maghahangad pa ng mas malala pa doon.

Saka, Keziah?! Tanghali kayo lilipat mamaya 'di ba?!

Pumikit ako at pinilit ang sarili na matulog. Pakiramdam ko hindi ako makakatulog dahil sa nangyari. Parang hindi ako maka-move on and that's making me weird.

Nang unti-unti na akong lamunin ng antok ay biglang...

(BLAAAGGG!)

Automatic akong napadilat dahil sa hindi inaasahang malakas kalabog kong narinig mula sa labas ng kwarto. Kung si Theo man 'yon, anong ginagawa niya?

Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at tumayo, lumakad ako papuntang pintuan upang silipin ang anumang ginagawa ni Theo pero nang hawakan ko palang ang doorknob ay...

"Got 'cha,"

Nanlaki ang mga mata ko. That voice...

"Anong ginagawa niyo rito?"

"Ano pa? Eh 'di para singilin ka sa mga kagaguhan mo!"

Biglang may bumagsak na bagay mula sa lapag na ang hinala ko ay si Theo. Shit! What will I do?! What will I do?!

Lalabas ba ako? Yes, I have to---

"Pero ang pinaka importante sa lahat, si Keziah. Nasa'n siya?"

Doon sumilay ang kaba ko sa buong katawan. Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pangalan ko kay Jett. Gusto kong gumalaw, pero hindi ko alam kung ba't pinangunahan ako ng takot dahilan para maestatwa ako.

"As if I'll talk---"

"Tangina naman!" Muling kumalabog ang sahig, "Bakit mo kami tinraydor?! Maayos ang usapan 'di ba? Anong nangyari? At ang nakakatawa pa do'n, inabandona mo si Odette, ang totoong syota mo?!"

Hindi ko na kailangan pang magtanong, si Odette ang nagturo kung nasaan kami ni Theo. Pero... bakit, bakit at para saan ito? Talaga bang hindi pa rin siya sumusuko at sinabi niya pa talaga kila Jett ang lugar ko?

"Pumunta ka ba dito para lang tanungin ako niyan?"

"Putangina... Putangina ka, Theodore."

"I don't care."

Mariin akong napapikit ng muling kumalabog ang sahig, this time, mukhang may mga bagay nang nadamay sa kanyang pagbagsak.

Kung may kapangyarihan lang ako para kausapin si Theo sa isip, sinabihan ko na ito na manahimik nalang para hindi masaktan. Kahit robot siya, ayoko naman na ginaganyan siya ni Jett, bukod sa lahat, ayoko na malaman ng mga ito na hindi talaga si Theo ang binubugbog niya.

"Pasukin niyo ang dalawang kwarto at dalhin dito si Keziah, bilis!"

Nang marinig ko ang utos na 'yon ni Jett, mabilis kong nai-lock ang pinto at napahawak agad sa aking bibig. Anong gagawin ko? Anong posibleng mangyari kung makukuha ako? Paano kapag hindi nila ako nakuha? Ang kaninang magandang pangyayari ay mabilis na napalitan ng masamang panaginip.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now