Kabanata 7

63 20 74
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, napahikab ako at tumitig sa repleksyon ng araw mula sa bintana.

Magsisimula na naman ang araw kong ganito. Simula noong namatay si Theo, hindi na nagiging productive ang mga nagdadaang araw sa 'kin. Kahit anong gawin o isipin ko, pakiramdam ko hindi ko talaga yata kaya mag-move on.

Pumikit ako at babalik nalang sana sa pagtulog nang maalala ko ang mukha ni Theo... 'Yung Theo na kasama ko ngayon dito at robot.

Kumunot bigla ang noo ko at napangiwi. Hanggang ngayon, hindi ko pa nakakausap si Papa tungkol sa lalaking 'to. Pero ang kinakabahala ko lang ay kapag nag-usap kami ay mainis lang ako sa kanya gaya kay Kenzo.

Malakas ang pakiramdam ko na doon nagmana ang kupal na 'yun.

Dapat talaga kausapin ko muna si Professor---

Automatic napadilat ang mata ko at napabangon ng wala sa oras. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong 10:40am na! Shit! Bakit hindi ako kinatok ng Theo na 'yon?!

Mabilis akong tumayo at hinatak ang towel sa cabinet, lalakad na sana ako papuntang banyo ng may matanaw sa maliit na table ko...

Tinignan ko 'yun. Isang trey na naglalaman ng fried rice, hotdog at sunny side up na itlog. May kasama ding tasa ng kape na sa tingin ko'y latte, pero nanliit ang mata ko sa naka-drawing sa ibabaw 'nun...

Isang smiley...

Kailan ako nagbigay ng karapatan na pumasok siya sa kwarto ko?!

Naikuyom ko ang palad ko at tatalikod na sana para harapin ang Theo na 'yun pero...

"Naiwan mong bukas ang pintuan mo kagabi, hinatiran lang naman kita ng breakfast. Wala naman sigurong masama 'don?" Kalmado niyang litanya habang nakasandal sa gilid ng pinto ko.

Ni hindi ko man lang namalayan na nabuksan na niya 'yan?!

Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng masama. "Kahit gano'n pa 'yun, Still you have no rights to enter my room." Madiin kong sagot.

Bukod sa ayoko ng iyak ng bata, ayoko ng kinukulit ako at ayoko ng pinapasunod ako, ayoko rin ng may pumapasok sa kwarto ko ng wala ang permiso ko. Kahit pa sila Mama, Kiba at Kenzo alam 'yan.

The only person I'm allowing to enter my room is Theodore... the 'real' Theodore.

"Bakit? Boyfriend mo naman ak---"

"Cut it out," Pagputol ko sa sinasabi niya. "You're not my boyfriend, so don't act like one."

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang ang walang emosyong mga mata niya sa akin. Sa ilang segundong paglalaban namin ng paningin ay ako na ang sumuko. Baka lalo pang tumagal at masayang ang oras lalo at kailangan kong pumunta ng Zambales.

Bumuntong hininga ako at nilagay ang towel sa isang balikat ko, "Nakapasok ka na sa kwarto ko, hindi mo pa ako ginising. Anong oras na, hindi ba't pupunta tayo ng Zambales? Sabi ko alas-diyes aalis tayo." Blangkong usal ko na lamang.

"Ayoko lang masira ang tulog mo." Kalmadong sagot niya.

Naikot ko nalang ang mata ko at umupo sa single sofa na katabi ng table, ininom ko ang kape. Tutal, mangungulit rin lang siya na kumain ako, gagawin ko nalang kesa mairita lalo.

Pero sa loob-loob ko, hindi ko alam kung ba't hinahayaan kong pasunurin ako ng robot na 'to. Sa anim na buwang pagkukulong ko wala pang nakapilit sa 'kin na lumabas ng condo, makipag-usap kahit kanino at kumain. Kahit sila Papa ay nabigo 'dun.

Pero siguro, dahil may kapalit kaya ko ito ginagawa. Kailangan ko ang tulong niya hindi para pagaanin ang loob ko, kundi para makapunta sa pinaroroonan ni Professor Limaco.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now