CHAPTER THIRTY TWO

15K 159 48
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Rence's POV)

Dineal ko ang contact number ni mommy. Nang madial ito ay nilagay ko na sa tenga ko ang bluetooth headset. Habang nagdadrive ako papunta sa airport ay biglang sumakit yung nararamdaman ko. Argg f*ck di ko na kaya. Hays dito na ba ang huli?

"Hello Rence? San ka na ba? Kanina pa kami naghihintay ni daddy mo dito? Nga pala kasama mo ba si Jess anak--- h-hello anak? Anak?! Sumagot ka!" Ubo ako ng ubo hanggang sa--- i saw blood. Akala ko sa pilipinas lang ako aalis... Hahaha i was wrong...

"Haha Im ok mom wait hintay lang ka--- " nabitawan ko yung manibela at napahawak sa puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko... Parang pinipiga. Sh*t ang sakit.

"No! Hindi ka ok! Anak nasan ka---"

Naramdaman ko nalang na bumangga ang kotse ko sa isa pang kotse. F*ck nakasira pa ako. Hahaha sorry po!

Nakita kong bumaba ang tao sa kotse at sinimulan akong bulyawin.

Arggg Im tired...

Ang sakit ng puso ko...

I need...

To leave now ...

di ko na kaya!

"Hoy bumaba ka diyan! Gago ka ah! Sinira mo kotse ko! Hoy ano ba baba na!" Ows natraffic tuloy. Haha. Binuksan ko ang bintana ng kotse sabay dumungaw.

"Sorry pre" sanay ngiti ko ng mapakla. Lumalabo na ang paningin ko.

Unti unting pumukit ang mga mata ko at tumulo naman ang luha ko. Bago tuluyang mawalan ng malay. Narinig ko ang boses ni Jess sa isipan ko.

"I love you Jessica... Your my only girl"

(Third person's POV)

7 years later....

"Baby" bulong nito sa tenga ng babae at niyakap ito patalikod. Nakatayo lang sila ng ilang minuto sa harap ng lapida.

"Do you really love me?" Tanong nito at siniksik ang mukha sa leeg ng babae.

Napatingin naman ang babae sa lalake at tumawa. Bago ulit tumingin sa lapida ng--- 'mahal niya'.

"I love him. And I loved you more--- Felix" nakangiting wika ng babae.

"You know how to make my heart beats fast. Good to hear that." natawa naman silang dalawa. Inisip naman ng babae na baka naisip na naman ng lalake na di pa niya talaga alam ang nararamdaman niya. Bumunting hininga naman nalang sya at pinagsawalang bahala nalang. Ayaw niyang mag-explain. Pinaramdam niya lang iyon.

Hanggang sa---

"Mommy! Daddy!" Sabay na tawag ng makukulit na bata.

Nakasimangot yung isa at yung dalawa naman parang kambal tuko.

Masayang sinalubong ng mag asawa ang kanilang anak.

"Mommy, she did this to me oh!" Sumbong ten years old na bata. Pinakita nito ang kagat sa braso niya at halatang bagong kagat palang. Namumula na nga ito.

"

Baby. Don't bite your kuya ok? Or else ibalik kita sa tiyan ko gusto mo?" Pananakot ko sa magkamabal. Sabay sabay naman silang umiiling. Ahaha ang cute talaga. Magkambal nga naman.

Napansin ko namang binelatan ito ng magkambal bago nila hinalikan ito sabay sa pisngi. Humigikhik naman ito sabay nagyakapan.

"I love you kuya!" Saba ding sambit nila.

(Jess's POV)

Ilang taon na din ang nakalipas nung araw na bumitaw na si Rence.

Halos di ako makatulog dahil iyak ako ng iyak sa pagkawala niya.

Kaya pala napansin kong napapahawak siya sa puso niya at humihinga ng malalim. May sakit pala siya sa puso. Bakit ko ba di natanong yun sa kanya?

Umalis siya sa bansa para magpagamot pero--- hindi niya tinanggap ang donor. Tanggap na niya na may sakit siya at malapit ng mawawala.

Sabi pa ng mommy niya. Kaya bumalik siya sa pinas para makasama pa ako ng matagal kaysa sa hospital at puro pasyente nakikita mo.

Nasa hospital pala siya nung ilang araw siyang nawala. Hanggang sa--- bumigay ang puso niya.

Bat di niya sinabi na may sakit siya? Ang sakit na sa iba mo nalaman ang kalagayan niya. Dahil dun mas nasasaktan ako dahil nasaktan ko siya.

Sobra ang sakit nung malaman mong wala na siya. Akala ko ba first love never dies? Bat siya namatay! Oo inaamin ko. Siya ang mahal ko. Nawala lang nh dahil sa takot. Sa takot na di niya ako mahal. Hindi kami magtatagal at masisira ang pagkakaibigan namin.

Atsaka--- nalaman ko nalang ang totoo sa likod ng kagustuhan niyang makasama ako.

'Mahal niya ako mula pa nun, pero gusto niyang kalimutan iyon dahil kaibigan niya ako'

First love ko nasa kabaong nilibing na. Tama. Noon pa lang first love ko siya. Di ko lang maamin sa sarili ko. Sinong hindi mapapainlove sa kanya kung ubod ito ng bait at sweet. Maalaga si Rence parang Perfect package kung ganun.

Hayss.

"Baby uwi na tayo. Kanina pa ako nagpipigil dito eh" binulong niya ang huling sinabi niya. Takte libog nito kahit ba naman dito?!

Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero ang libog tumawa lang at kumindat. Nako iba pa naman yun pagkumindat na.

Binuhat niya ang magkambal habang ako naman buhat din ang cute cute na bayang nakasimangot. Ahaha!

Nga pala niligawan ako ni Felix ilang years din yun bago ko siya sinagot. Ang hirap kasi mainlove sa iba kung alam mong may mahal ka pa.

Tumingin muna ako sa lapida at ngumiti.

'Kahit di ka nagtagal sa mundo hinding hindi ka makakalimutan ng puso ko'

"I love you Rence--- see you" napangiti ako kasi parang naririnig niya ako. Hindi ako maggogoodbye dahil alam ko babalik pa rin ako para sa kanya.

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad. Isang araw magkikita din tayo Rence. Pangako.

************************************

Vote and comment

Me too nasa puso lang kita Rence 😭 gets niyo ba yung dahilan? Ang sakit duds! Achuchuchuuuu

DEADLY SIN: Sleeping With My Hot Professor (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon