CHAPTER 22

11.9K 124 2
                                    

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Jess's POV)

Nakauwi na ako sa bahay. Ang bilis ba? Mabilis naman talaga ang oras.

"Nandito na po ako--"

O_________________________________O

"Oh anak buti nandito ka na... Hinihintay ka namin" nakangiting wika ni Dad.

Takte!

"B-bat nandito ka?" Kinakabahan kong tanong. Wag mong sabihin na---

"Nagpapaalam na ligawan ka" sagot ni sir--- no hindi na pala siya Professor--- si Felix.

(Felix's POV)

Dumiresto pala ako sa bahay nila Jess. Iniwan ko naman kay Mana ang gawain sa opisina eh. Matalino naman yun kaya lang sakin talaga napunta ang pagiging CEO.

"Oh sir naparito ka?" Bungad sakin ng ama ni Jess.

"Gusto ko po sanang magpaalam na ligawan si Jess" diretsahang sagot. Ehh yan naman talaga ang pakay ko dito. Hmmp! Si Mana nakaisip nito eh. Talino no? Galing magplano ang bwesit!

Kahit kinakabahan sinunod ko ang plano.

"Ginagago mo ba ako?!" Sigaw niya. F*ck Mana lagot ka sakin mamaya!

FAST FORWARD

"Mahal mo pala ang anak namin?" Tanong ng mommy ni Jess. Tumango lang ako bilang sagot. Alam na pala nila na nagresign ako bilang teacher. Kweninto ko malamang.

"Ano bang meron kay Jess namin kaya nagustuhan mo?" Tanong naman ng kuya Dave ni Jess.

Napaisip naman ako. At biglang napangiti...

"Nagustuhan ko siya dahil nagawa niyang baguhin ang sarili ko... Siya lang ang babae'ng ibang iba sa nakikilala ko" ayyy nako naman tama ba sagot ko? Kinakabahan kasi ako.

"Soooo alien ang kapatid ko?" Halos mahulog ako sa upuan ko dahil sa tanong ni kuya Dave. Hindi yun ang ibig kung sabihin.

"Hahahaha!" Tawa nila. Ehh? Napatigil ang tawanan nila ng----

"Nandito na po ako---" napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Jess.

"Oh anak buti nandito ka na... Hinihintay ka namin" wika ng ama.

Nakatingin pa rin si Jess sakin di man lang pinansin ang ama.

"B-bat nandito ka?"

"Nagpapaalam na ligawan ka" sagot ko agad. Nagulat naman siya sa sagot ko.

Hayst kahit nakakahiya ok lang gagawin ko to para sa kanya. Gusto ko siyang makuha. Desperado? Sorry nagmahal lang.

"Umakyat ka na dun anak para makapagbihis ka na" nakangiting sabi ng ina.

"H-ha? B-bakit po?" Tanong ni Jess na kinakabahan pa rin.

"Magdedate kayo malamang? Kaya nga nagpapaalam diba na ligawan ka?" Pilisopong sagot ni kuya Dave. Pftt parang si Mana lang oh.

"Papasok ang lamok lunggaan niyan Jess" natatawang wika nito. Natawa din ako sa inaakto ni Jess hahaha parang naiihi di mapakali eh. Magdedate lang naman kami ah.



(Jess's POV)

Nandito na pala ako sa kwarto namimili ng susuotin. Takte pano na to? Wala akong mapili eh. Pano kung panget ako sa suot na to?

Teka...

Bat naging paranoid ako? Excited ba ako sa ----

DATE?

FAST FORWARD

At heto na nga kami nagdedate na.

Errr awkward lalo na ngayon...

Hawak niya kamay ko habang naglalakad kami.

Napatingin naman ako sa kamay namin na magkahawak. Gusto kong tumalon sa kilig pero pinipigilan ko.

Nagulat ako ng bigla niyang binitawan ang kamay ko kaya medyo naghihinayang ako. Argggg Jess please stop this F*cking feeling! Nasaktan ka na niya! Pero kasi---

"Mahal na dyosa sakay na" mas nagulat ako sa ginawa niya. Gusto niyang magpiggy back?!

"H-ha wag na mabigat ako" palusot ko kahit masakit na paa ko sa kakalakad. Ikaw kaya maglakad?!

"Nahhh wag ka ng mag-inarte bilis na" sagot niya habang nakapwesto pa rin.

Nagdadalawang isip ako. Wahhh ano ba yan di ko maiwasang di kiligin. Kinakagat ko nalang labi ko saka nagpalingon lingon sa paligid bago sumampa sa likod niya.

Nang umangat na napahawak ako ng mabuti sa kanya. Baka kasi mahulog ako. Tulad ng nangyare sakin noon. Walang sumalo ang sakit!

Napalunok ako ng maamoy ko ang pabango niya. How I miss his scent.

"Ang bigat mo!" Reklamo niya kaya hinampas ko ang batok niya buti nalang di malakas.

"Hahaha" tawa pa sige mabilaukan ka sana ng laway mo!

************************************

Romantic date?

DEADLY SIN: Sleeping With My Hot Professor (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon