CHAPTER 20

12.7K 126 0
                                    

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Jess's POV)

Umaga na pala. Hayy ayaw ko pumasok 😭 nandoon si Felix eh! Diba professor siya dun at ang mas malala pa--- Advicer namin. Wala akong takas nito.

T________________T

"Anak, anyare bat mugto yan?" Tanong ni dad sakin. Nga pala nakauwi na ako sa bahay at heto kami kumakain ng pang umagahan.

Napahawak naman ako mukha ko saka itinaas ang kutsara para dun manalamin. Oo nga ang mugto ng mga mata ko. Parang kinagat ng ipis. Chos lang. Parang may bigas lang na dala tas busog ito.

"Sinong nagpaiyak sayo?" Tanong naman ni kuya. Takte naman. Sunod sunod ang tanong.

"Ah-ha-ha w-wala po--- wala pong nagpaiyak sakin nag ano kasi ako---" huminto muna ako sa pagsasalita at nag isip ng kadungtong. Ang hirap maghanap ng i-explain wahhhh. Lutang si ako.

Wahhh! Bahala na nga sana gumana---

"N-nag practice sa gagawin naming drama sa school k-kailangan ko umiyak yung makatotohanan po" wika ko. Halos di ko na mahawakan ang kutsara nanginginig ako. Binitawan ko nalng muna para di halata.

"Ah ganun ba paghusayan mo anak" nakangiting wika ni Mommy. Ngiti at tango lang ang sagot ko.

"Anong oras ba yan? Gusto kita makitang umakting anak" sabi ni Dad. Takte hala di ko na alam isasagot. Bakit ba kasi iyon ang naging excuse ko? Takte talaga.

"Ah--- umm s-siguro ano itatanong ko muna Daddy" sagot ko nalang sanay yumuko na para bang naghahanap ng lagaw sa mesa chos ulit. Bat ba ako najojoke? Takte.

"Bat nauutal ka Jess?" Tanong ni kuya Dave tapos ay lumapit sakin at hinawakan ang pisngi. Lagot na. Umakto akong tumingin sa oras at nagulat sabay tayo.


"A-alis na po ako my (mommy), dy(daddy) , ya(kuya)" tumayo ako sabay lapit sa kanila tapos kiss sa mga pisngi nila.

"Ha maaga pa naman Jess--"

"Bye" putol ko sa sasabihin ni kuya.

Tumakbo na ako patakbo dahil sa pagmamadali ko nadapa ako.

Takte kinarma ako 'sinungaling kasi' sabi ko sa sarili ko saka tumayo na.

Pagkapasok ko ay may nakabangga ako.

"S-sorry po" paumanhin ko at yumuko.

"Ok lang sa susunod ha tingin tingin din sa daan, para di ka masaktan" wika niya at umalis. Napaangat ako ng tingin pero nakaalis na siya.

Grabi siya...

Ang sakit ng pagkabangga namin. Bato bato ba katawan nun? Di bali na nga malalate ako nito eh.

Dirediretso lang ang lakad ko ng napansin ko ang mga nabulong bulungan nila.

'A-ako ba pinagbubulungan nila?'

Binilisan ko nalang ang paglalakad ko ng may nakabangga na naman ako. At takte ang tigas ng katawan.

"Kyaaaa" sigawan ng mg kinikilig.

O_________O anong ginagawa ni Felix?

"Bulaklak para sayo" wika niya habang nakangiti. Napatingin ako sa--- oh no ROSE! ALLERGY AKO SA ROSAS!

Napabahing ako bigla tas sumasakit ang ulo ko.

"A-ayoko ko niyan! I-ilayo mo yan!" Pilit kung sigaw. Inilayo naman niya kaya naparelax ako. Napatitig naman ao sa mga mata niya na nag-alala ngunit may halong dismaya.

"S-sorry di ko alam" sabi ni Felix.

"Duhhh arte arte naman niya!"

"Ayy pag ako siya? Nako lang talaga"

Mga reaksyon nila ng sumigaw ako.

Yumuko ako "alis na ako sir" sabi ko. Lalakad sana ako ng bigla niya akong hinila at niyakap.

"Promise gagawin ko ang lahat, maging akin ka lang" kumabog na naman ako puso ko. Gusto kong maniwala sa sinasabi niya pero ayoko ko na, aasa ba ako?


"T-tama na sir!" Sigaw ko pagkatapos siyang itulak.

Gusto ko siyang yakapin pero mali...

Di kami pwede...

Tumakbo ako ng naramdaman kong tutulo na ang luha ko. Napadpad ako sa rooftop.

Doon ko iniyak ang lahat ng sakit.




(Felix's POV)

(Before dumating si Jess sa school)

Plano ko na ngayon ako magresign kaya pumunta sa school. At the same time inanounce ko ang---

"Attention everyone" pagsimula ko.

"I just want you all to know that Jessica, one of my student is the girl I love. Yes you heard it right. I love Jessica. So that's why I want to do this because of her" dugtong ko. Huminto na ako sa pagsasalita sabay baling sa gawi ni Mana.

"So?" Rinig kong wika ni Mana. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Bwesit siya. Kakahiya tong plano niya.

Pero salamat na din sa kanya, nasabi ko ang dapat kong sabihin sa nararamdaman ko.

************************************

Kakilig nemen hihik

Thanks sa nagvote ng story!

DEADLY SIN: Sleeping With My Hot Professor (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon