sumilay na ang haring araw at bahagyang dumampi ang sinag sa aking katawan
tumingin ako sa relo ko at nakitang ala-siyete na nang umaga
di na ko nagulat kasi araw-araw naman akong late sa klase.bumaba na ko para maghanda nang pagkain at maligo bago pa magising ang mama ko at magtatalak nanaman kakautos nang kung anu-ano..ahh nga pala hindi ko siya totoong nanay, nakita lang ako ni tatay sa gubat nung sanggol pa lang ako pero sa kasawiang palad namatay si itay noong 2 years old pa lang ako dahil nasunog ang buong bahay namin at ako ang sinisisi ni nanay sa mga nangyari
pagkatapos kong maghanda ay lumabas na rin ako nang bahay at nakita ko roon si taki. Si taki ang bestfriend ko simula grade 7
at magkaklase pa rin kami hanggang ngayon halos
magkasing height lang kami, nakaipit yung buhok niya na lagpas nang kaunti sa shoulder, di siya mataba pero di rin siya payat sakto lang"hoy pangit, magpapalate ka talaga para lang makasabay akong pumasok?" sabi ko habang sinasara ang gate
"ang piling mo. ayoko lang talaga pumasok nang maaga tsaka alam ko namang namimiss mo na ko kaya hinintay na kita" tsaka siya ngumiti at nagbeautiful eyes sakin at iniabot ang bag niya
ang kapal talaga nang mukha nang babaeng to, hinihintay niya lang ba talaga ko para may magbuhat nang bag niya
**********
andito na kaming school and as usual second subject na namin
dibale 21st century lang naman yung first subject tsaka mapagbigay naman sa grades yung teacher namin dun.nagising ako bigla kayuyugyog at sa sigaw sakin ni taki "kabsattt ohy pangit ohyy akihiro gonzales!!"
recess na pala kaya nangugulo nanaman tong babaeng to tsaka kabsat ang tawagan namin kasi para na raw niya akong kuya
"wala ka na ba talagang magawang iba sa buh-" binatukan akong bigla ni taki at agad na lumabas nang room kaya sinundan ko na langandito kami ngayon sa canteen softdrinks lang at biscuit ang kinakain ko at juice at curls naman sakanya kaya hindi siya tumataba eh
"ohy pangit ang kalat mo kumain nakakahiya ka andaming tao" pinunasan ko labi niya tas bigla kaming nagkaeye-contact. okay fine maganda naman talaga siya eh, yung mata niya na may mahabang pilikmata,matangos ang ilong at mala rosas na labi tsaka simple lang syang babae pero hindi rin naman gaano kahinhin.
napansin ko na parang nag-iba ang mood niya bigla "kabsat may gusto siyang iba" sabi niya sakin at saka yumuko
naasar talaga ko tuwing nasasaktan siya dahil sa ibang lalaki, ang bilis bilis niya magkagusto kung kani-kanino tas laging ang ending wala rin, nganga.
"ohy time na tara na" tsaka ko tinapon pinagkainan namin at hinila na siya patayo para iwala ang usapan.
****************
alasingko na kaya umuwi na kami ni taki. sumakay na kaming jeep at sumandal siya sa balikat ko, pagod kasi siya sa school kaya hinayaan ko na lang. tamad siya sa mga gawaing bahay pero masipag siya sa school at with honor din siya, with honor din naman ako pero mas mataas grade niya
"ohy taki dito na tayo" gumising naman siya at inanalayan ko pababa kasi parang inaantok pa siya
naglakad kami papasok sa lugar namin at pagkatapat namin sa bahay binalik ko na bag niya tsaka na ko pumasok
"thanks kabsat" tsaka nagbigay siya nang tipid na ngiti kaya nginitian ko na rin siya
dipa ko nakakalapit sa pinto eh naririnig ko nang pinapagalitan ni mama si precious, si precious yung totoong anak nila, grade 2 na siya. nagagalit si mama tuwing mababa ang nakukuha niya sa mga quizzes. minsan naaawa rin ako sakanya kasi masyado pa siyang bata para mapressure sa pagaaral at kahit hindi kami totoong magkadugo eh mahal na mahal ko siya.
"hoy hiro magluto ka na quarter to 6 na oh. wala ba kayong balak kumain tsaka yung mga huhugasin sa lababo yung basura nakatam-" pumasok na kong kwarto at di ko na pinatapos si mama. nagbihis na kong pambahay at ginawa ko na lahat nang mga pinapagawa niya para magkaroon naman nang katahimikan yung bahay.
pagkatapos kong gawin lahat ay pumasok na akong kwarto. pinapauna ko silang kumain kasi nawawalan ako nang gana pag kasabay ko si mama
"hoy akihiro wala ka bang balak kumain?! kung ayaw mo wag mo tutulugan yung pinagkainan." nagising ako sa ingay ni mama 9:00 na pala at di ko namalayang nakatulog ako. bumaba na ko para kumain at pagkatapos ay hinugasan ko na mga pinagkainan. pagkatapos ko ay umakyat ako sa kwarto pero binuksan ko yung bintana para lumabas. doon ako dumadaan para hindi mapansin ni mama na lumabas ako.sliding yung bintana kaya kasya ako dun tsaka na ko tumalon galing sa second floor, hindi naman kasi masyadong malaki bahay namin kaya mababa lang yun kaso nakahawak ako nang bubog pagkabagsak ko sa lupa pero di naman ganun kalaki yung sugat kaya hinayaan ko na tsaka na ko dumiretso sa bahay nila taki
mas mataas ang bahay nila taki kumpara samin pero may malaking puno na katabi nang bahay nila at yung dalawang sanga nun ahy nakatapat sa kwarto ni taki.
inakyat ko na yung puno at pagkarating ko sa tapat nang bintana ay nagulat ako..si taki kasi biglang nawala, pinikit ko yung mata ko at kinusot kusot ko pagkadilat ko ay andoon na ulit siya "guni-guni lang siguro" bulong ko tsaka na ko kumatok at napatingin naman agad siya at parang gulat na gulat. ewan ko sa babaeng to eh halos gabi-gabi naman ako pumupunta dito.
binuksan niya yung bintana kaya pumasok ako agad "ka..kanina ka ba dun?" tanong niya habang sinasara yung bintana "kakarating ko rin lang" tsaka ko na binagsak yung katawan ko sa kama niya at tumabi din naman siya pero napansin niya yung sugat ko sa kamay "anyari diyan?"
"wala lang. galos lang naman" sabi ko tsaka ko humarap sa kanya kaso parang pagod siya kaya di na ko nagsalita ulit at tumingin na lang ako sa kisame.
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
General Fictionsi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...