City

170 36 0
                                    

andito ako ngayon sa city, andami daming kainan at kung anu-anong hi-tech na bagay ang nakikita ko.

may mga parang lumulutang dun sa itaas at sa pagkakatingin ko is may mga restaurant at mall din doon

may mga nakikita rin akong bigla na lang tumatalon dun sa may dagat at may mga ilan na lumalabas na may dalang shopping bag galing doon

hindi na ako masyadong nagugulat kasi feeling ko sa lugar na to walang imposible. tsaka kahit may special ability ang mga tao rito nakakabilib na wala kong nakikitang kaguluhan

"underground battle tol"

napatingin naman ako dun sa dalawang naguusap sa tabi.. wait what? underground battle? ano yun parang wrestling basagan nang bungo ganun

nakita ko naman silang pumasok sa gitna nung dalawang mall at tumagos lang sila dun

pinabayaan ko na lang at pumasok ako sa isa sa mga mall doon. naglilibot libot lang ako hanggang sa napunta ako dun sa parang bookstore

ignite
-fire ability-

nakita ko na lang ang isang libro sa isa sa mga bookshelf at agad ko na lang yung kinuha at binayaran sa counter bago lumabas

habang naglalalad ako sa loob nang mall ay nakita ko si blake

aalis na sana ko kasi hindi ko talaga maatim na titigan nang matagal yung mukha niya nang biglang may lumapit sakanyang babae na bigla na lang niyang hinalikan

"whatta pakboi talaga"

lalapitan ko na sana siya at gumawa ko nang maliit na espada sa kamay ko nang biglang lumitaw sa harap ko si ezekiel

"wag na wag kang maguumpisa nang gulo dito sa city . next time kung gagala ka magpasama ka na lang kay taki o kay amythest para di ka mapahamak."

pagkasabi niyang yun ay bigla na ulit siyang nawala at tinanggal ko na yung espada nang biglang lumabas ulit sa likod ko sa ezekiel nilapit niya yung bibig niya sa tainga ko

"kung gusto mo hamunin mo siya sa isang underground battle"

hinayaan ko na lang si blake dahil baka kung ano pang mangyari sakin pag nagumpisa ako nang gulo. lalo na't hindi lang naman simpleng tao ang mga andito

lumabas na lang ako sa building na yun at balak ko na sanang umuwi pero bigla kong naalala yung sinasabi nilang underground battle kaya binalikan ko yung lugar kung saan nakita ko yung dalawang lalaki na tumagos mula roon

*******

kanina pa ko andito hawak hawak yung ulo ko

sinubukan ko kasi pumasok pero wala namang nangyari , kaya sinubukan kong tumakbo nang tuloy tuloy at nauntog ako

ilang minuto lang ay may dumating na lalaking maliit na nakamask at napansin kong may binubulong siya at bago pa man siya pumasok ay tinanong ko sa kung paano pumasok

"fighter ka ba?"

"ah hindi po. bago pa lang ako dito kaya gusto ko lang po sana malaman kung ano meron sa sinasabi nilang underground battle"

"dunergordun talbet" sabi niya sakin at parang umalon yung pader tsaka siya pumasok

pagkapasok niya ay humarap na rin ako dun sa pader

"dunergar..daner.. dunergordun.. tablet" ha bat wala

"dunergordun baltet? donergar.. dunergordun talbet?" umalon na ulit nang kunti yung pader hudyat na pwede na ko pumasok kaya naglakad na ko papasok

pagpasok ko ay maraming tao.. i mean mga higen katulad ko at nakapalibot sila sa isang parang malaking butas na hugis octagon. sa loob kung saan may naglalaban yung isa marami nang sugat samantalang parang nakikipaglaro lang yung isa pa

hindi ito malawak. bale octagon sa center at mga manunuod na dito sa itaas nila

nakita kong sumuko yung lalaking sugatan kanina at may pumasok na parang announcer ata sa larong yun

"at para sa final round ang natitirang nakatayo at lumalaban , sa aking kanan joker"

"whhooo"
"yeahhhh"
"para sa 10k whhaaaaaa"

"sa aking kalawa ang napakamisteryosong the shadow!!"

pagkabanggit niyang yun ay lumabas na siya at nagumpisa na agad ang laban

bigla na lang nawala yung lalaki at lumabas sa likod nung joker at akma nang mananaksak pero nakailag naman ito at nagbato nang sunod sunod na baraha pero bigla ulit yung nawala

paulit ulit lang yung nangyari at masyado silang mabilis gumalaw kaya halos lahat nang manunuod ay nakatutok na lang dun sa dalawa

hanggang sa natamaan sa likod si  shadow dahil lahat nung binatong card ni joker ay bumalik sakanya

sa pagkakatansya ko eh apat yung tumusok sa likod niya at yung iba ay puro daplis na lang pero parang wala lang yun sakanya at tuloy sa pagtakbo papunta kay joker tumalon siya at akmang masaksak na si joker pero bigla siyang nawala at lumitaw sa likod ni joker upang dun ituloy ang pag-atake

napayuko sa sobrang sakit si joker dahilan upang itigil na ang laban at si shadow nga ang nagchampion ngayong araw

nagsisialisan na yung mga ibang manunuod samantalang yung iba ay pumapasok dun sa isang kwarto

"diyan ka pwede magparegister tol, tsaka kung magchampion ka man ay makakakuha ka nang 200k pero pag final ka lang may 50k ka at kung di ka umabot sa final .. oh di nganga" sabi sakin ni ezekiel habang nakaakbay sakin

"16 lang ang player bawat araw pero marami-rami rin yung mga nagpapalista kaya paunahan para makuha yung slot tsaka medyo delikado rito kasi may mga player na hindi magdadalawang isip na pahirapan ka para lang sumuko ka na sa laban. bawal pumatay pero pwede magpahirap. tsaka pwede ka sumuko at pwede rin nila patigilin ang laban pag nakita nilang di mo na kaya" sabi niya at tsaka siya sakin ngumiti

lumabas na rin ako kasi umalis na si ezekiel

alas-dose na pero marami pa ring higen na makikita dito sa city

dumiretso lang ako palakad sa dorm at pagpasok ko roon ay papasok na rin sana ko sa kwarto nang makita ko si taki na nakahiga dun sa isang couch

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon