weekends

154 30 0
                                    

"whatta"

9:00 na. wala man lang gumising sakin geez. nagising ako kaninang 6:00 pero natulog ako ulit, nasanay kasi akong ginigising ni ezekiel

agad naman na kong naligo at nagpalit nang damit. lumabas na ko sa kwarto at akmang lalabas na sa dorm

"san ka pupunta tol?"

napatigil ako nung narinig ko boses ni ezekiel at pagharap ko sa kusina ay andoon lang silang tatlo na kumakain at wala si gael

"ahh ehhh wala ba tayong pasok?"

agad naman nagtawanan yung tatlo

"duhhh hahaha pangit ka talaga saturday kaya ngayon"

geez oo nga pala

"pangit ka rin, eh sa nakalimutan ko nga eh"

pumasok naman ako dun sa kusina at ibinaba yung backpack ko

"kuya mamayang 12:00 sa city na tatayo kakain syaka mamamalengke na rin po tayo"
sambit ni amythest sakin at binigyan ako nang matamis na ngiti

"san si gael?"

"umuuwi po siya sa bahay nila tuwing weekends"

kumuha ako nang plato at sumabay na rin sakanila sa pagkain

"ako na maghuhugas mga tol" sabi ni ezekiel pagkatapos namin kumain

"hoy taki villaflor. bakit dito sa loob nang dorm di kita nakikitang nagtratrabaho?"

bigla naman akong binatukan ni taki pagkasabi kong yun "kasalanan ko bang hindi ko alam ang mga gawaing bahay"

"ezekiel kami na lang ni taki maghuhugas"

"ohy pa-" tinakpan ko na lang bigla bibig ni taki kasi for sure tatanggi lang to

pumasok naman na si amythest at ezekiel sa mga kwarto nila at inumpisahan ko nang ipunin yung mga plato at inilagay sa lababo

"hoy pangit umpisa na tayo"

"ang kulit mo. iish sabing di ko nga alam eh"

"kaya ka nga tuturuan di ba, tumayo ka na diyan, panuurin mo muna ako"

tumayo naman siya at lumapit sakin

"banlawan mo muna lahat para di masyadong marumi yung sponge,tangalin mo lahat nang dumi na nakikita nang naked eye tas-...... hoy nakikinig ka ba?"

bigla naman siya tumingin sakin at binitiwan yung sponge na pinaglalaruan niya kanina

"opo maestro...banlawan muna bago sabunin"

natapos naman namin agad banlawan dahil 4 sets lang yun

"maglagay ka nang dishwasher nang kunti lang hanggang sa sakto na yung bola" sabi ko at inabot sakanya yung dishwasher

"hoy pangit" sigaw ko sakanya nung halos makalahati yung lalagyan dahil sa dami nang binuhos niya "geez.. sige okay na yan"

"sabunin mo lahat hanggang sa sulok para hindi mabaho" pagtuturo ko sakanya kasi mag-isa niya nang naghuhugas at inaassist ko lang siya

bigla niya namang nahulog yung panghuling baso at agad naming pinulot yung mga bubog

"iiiishh"

"wait nga lang, kunin ko na lang yung walis" sabi ko nung nasugat yung daliri niya dahil sa bubog at agad naman siyang tumayo

"ako na lang maghuhugas" sabi ko pagkatapos ko linisan yung mga nagkalat na bubog

"hoy pangit bat ngay di mo pa pinapagaling sugat mo?" tanong ko sakanya nung nakita kong dumudugo pa rin yun

"regeneration ang ability ko meaning kaya kong ibalik yung parte nang katawan ko na nawala, nasugat lang ako pero walang nawalang bahagi"

"diba ability mo rin ang healing?"

"yes pero para sa iba, kaya kung pagalingin ang ibang pureblood at higen pero hindi ang sarili ko"

natapos naman na ko maghugas kaya binabalik ko naman na yun sa lalagyan

"ang daya naman nun, kaya mong tulungan ang ibang nangangailangan pero sa sarili mo hindi mo magawa"

"dibale andyan ka naman yieeeeee hahahaha"

agad naman akong tumayo dahil sa pang-aasar niya "pangit ka, pahinga ka muna, may 30 minutes pa tayo bago maligo" saka naman na ko pumasok sa kwarto at humiga

*****
10 minutes na kong papalit-palit nang puwesto pero di pa rin ako makatulog so I decided na maglinis na lang dito sa kwarto kaso...... wala namang ibang dumi dito i mean puro alikabok lang pwede kong linisin kaya pumunta kong comfort room kaso..... sobrang linis. bumalik ako sa kama at halos mabaliw na ko sa bagot, yung book naman kasing binili ko walang kakwenta kwenta hays. 11:15 naman na kaya naghanda na lang ako maligo kasi tulog pa si ezekiel

*****
12:13 na pero nasa kwarto pa rin yung dalawa

"guyysssuueeeee gutom na ko, kunting bilis naman diyan" sigaw ni ezekiel

"hoyyy ala-una na, matagal pa ba yan" sigaw ko habang nasa tapat nang pinto nila

"wag ka ngang mapiling hiro, 12:18 pa lang" sigaw naman ni taki sa loob

"12:00 ang usapan diba an-" napatigil ako nung biglang binuksan ni amythest yung pinto, nakasuot siya nang mahabang palda na may pacurve curve, iwan ko kung anong tawag dun pero bumagay naman sakanya dahil sa mahaba niyang buhok

ilang saglit lang ay lumabas na rin si taki na nakaripped jeans na malaki yun butas at kita yung thigh niya bale half of it, para na ngang hindi ripped jeans kasi mas malaki yung part na may punit kesa dun sa damit

"magpalit ka" seryoso kong sabi at umupo dun sa couch

"ha? bat nanaman, ngayon na nga lang ako magsusuot nang ganto tas bawal pa"

"tol gutom na ko, okay na yan tara na" sabi ni ezekiel at akmang tatayo

"ang sabi ko magpalit ka" tumingin ako kay taki na may seryosong mukha

"eh ka-"

"mag..pa..lit....ka"

"iishh, yes captain" pumasok naman siya sa kwarto

ilang saglit lang ay lumabas na siya wearing pinkdress tsaka sandal

"oh tara na 1:00 na oh antagal niyo hahaha" tumayo naman ako pagkasabi kong yun at bigla akong binatukan ni taki

"ikaw kaya nagpatagal, dapat nakaalis na tayo kanina eh isshh"

"kesa naman sa magsuot ka nang ganun in public, hindi lahat nang lalaking makakasalubong mo sa daan matino"

"hindi dapat ang pananamit ang binabago kundi yung utak nang mga lalaking tinutukoy mo" sabay irap niya sakin

"ang pananamit madaling baguhin, ang utak nang lahat nang tao, hindi. kaya ikaw na lang magadjust.........ayoko kung binabastos ka nang iba kaya makinig ka na lang" binilisan ko na lang lakad ko pagkatapos ko sabihin yun

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon