inaalog ako ni ezekiel kaya ako nagising
"tol may naghahanap sayo sa labas"
tinignan ko naman relo ko at 10:00 na nang umaga kaya tumayo na rin ako at lumabas
nakaupo naman yung apat sa magkabilang couch at may lalaki sa gitna na nakasuot nang pormal at andun rin si ms.thana na nakatayo sa likod nung lalaki
"good morning master azler"
"ahhmm goodmorning po"
tumayo naman si gael at ezekiel at pinaupo ako dun sa inuupuan nila kanina
"sir, from now on you will use the name azler and as the one and only son of ms.ezra forsyth and mr.hiro azler you are the only who will heir all of their assets, can you please sign above your name"
inabot niya naman sakin yung papeles, at dahil mukha naman siyang mapagkakatiwalaan at kasama niya si ms.thana pinirmihan ko na yun agad-agad
pagkatapos ko ibigay sakanya yung mga papeles ay tumayo naman siya at nakipagshake-hands sakin bago umalis
pero andun pa rin si ms.thana, at umupo sa couch bago magsalita
"akihiro, magbihis ka gusto kang mameet ni mr.president""bakit po?"
"sabihin na lang natin na gustong makita nang isang lolo ang apo niyang inakala niyang patay at hindi niya nasubaybayang lumaki nang 18 years"
wait lolo ko ang president
hindi na muna ko nagtanong at naligo na ko
******
pagkatapos ko maghanda ay lumabas na kong kwarto at lumabas na si ms.thana sa dorm kaya sinundan ko na lang siya hanggang sa labas nang schoolilang saglit lang ay may pumarada sa harap naming dalawa na parang kotse pero walang driver, bumukas naman yun at sumakay kami ni ms.thana
iniisip ko pa din yung sinabi ni ms.thana sakin,lolo ko ba talaga ang president o mali lang ako nang intindi pero bakit naman inisip nang lolo ko na patay na ko, ano ba talaga nangyari sa mga magulang ko, sino yung pumatay sakanila at bakit sila hinahabol
"si mr.hiro azler at ms.ezra forsyth ay isa sa mga kinikilala studyante dahil sa taglay nilang katalinuhan at dahil na rin sa pamilyang kanilang kinabibilangan, ang mga forsyth at azler ay isa sa mga angkan na pinakamayaman dito sa nōryuko, si hiro at si ezra ay galing sa iisang team ang Alpha8, hanggang sa nahulog sila sa isa't isa at ilang taon pagkagraduate nila sa college ay nagpakasal sila hanggang sa hindi malaman na dahilan ay napadpad sila sa curse forest at ilang taon rin silang nawala...ayun sa kwento ay nakabalik sila dito sa nōryuko dahil na rin sa ability nang kanilang kasama na kayang gumawa nang portal pero kinabukasan ay natagpuan silang patay at hindi na nila nahanap yung dalang sanggol nang mga to" bigla namang pagsasalita ni ms.thana
ibig sabihin nawala sila bago pa ko ipinanganak at nakabalik sila rito kasama ako, at bago pa sila mamatay ay nailigtas na ko ni mama sa pag-iwan sakin sa mundo nang mga pureblood
"ahmmm ms.thana diba po may mga higen naman na kayang magtrack nang kahit na sino bakit hindi nila natrack sina mama"
"matagal nang sinusubukan nang ating gobyerno na gawan nang paraan ang tungkol sa cursed forest pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang solusyon..para itong nakakonekta sa ibang lugar na kahit sinong higen ay hindi mahanap ang mga kapwa nila higen na napadpad ruon at hindi na nakabalik"
hindi kaya ganun din yung nangyari sa kuya ni taki, pero ang hindi ko maintindihan ay kung san ba talaga sila napapadpad
"andito na tayo"
nalula na lang ako bigla nang tumigil ang kotse sa harap nang isang building, mas malaki pa to sa main hall nang school, baka nga may 30 floors 'to,
"mr.azler"
bumalik naman na ko sa katinuan nung tinawag ako ni ms.thana at sinundan ko na sya sa paglalakad hanggang sa pagpasok sa elevator
"25th floor"
bigla namang umandar yung elevator pagkasabing yun ni ms.thana at bigla na lang ako napahawak dahil sobrang bilis nung elevator at bigla namang bumukas yung pinto at lumabas na si ms.thana kaya sumunod na ulit ako
huminto si ms.thana sa isang kwarto at bumukas naman yung pinto, para itong library dahil andaming bookshelves na nakahilara sa kaliwa at kanan at sa dulo nang kwarto ay isang table at tatlong upuan isa sa likuran nang table at magkabilaan sa harap at glasswindow ang kabuuan nung side na yun kaya kita ko ang buong city
"mr.president"
humarap naman samin ang isang lalaki na mukhang may edad na pero maskulado pa rin ang katawan
nakatitig lang siya sakin, nung una parang nagulat siya at nginitian niya ko at halos tumulo na yung luha
agad niya naman yun pinunasan bago pa tuluyang bumagsak
"i'm so sorry, have a seat"
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
General Fictionsi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...