jealous

175 31 0
                                    

pumasok naman ang isang lalaki sa room at agad namang tumingin sakin

"introduce yourself"

tumayo naman ako pero di na ko pumunta sa harap at agad na kong nagpakilala at agad naman siyang nagsulat sa pisara pagkatapos ko

pagkatapos niya magturo ay agad na siyang umalis nang walang paalam at naghanda na ang lahat. yung iba ay nagsiliparan na agad papunta sa field

kaya lumabas na rin kami ni amythest papunta doon

pagkarating namin doon ay wala pa si taki at gael kaya umupo muna ko at pinaglaruan yung apoy sa palad ko

nung dumating yung dalawa ay agad naman kaming nagumpisa

tinuruan kami kung paano makipaglaban nang hindi gumagamit nang ability, tinuro samin ang ilan tulad nang jujitsu at judo

pagkatapos namin roon ay sunod naman namin ang pageenhance nang ability namin. pero ibang klase nanaman ang pinapagawa samin ni ms.thana

gusto ni ms.thana na magteleport si ezekiel kasabay si gael doon sa area kung saan kailangan ibato ni gael yung bolang bato sa target niya na may layong tatlong kilometro

sa pagkakaalam ko eh hindi pa kaya ni ezekiel na magteleport na may kasamang iba

pagkatapos iteleport ni ezekiel si gael ay kailangan niyang iteleport si taki sa nōryuko general hospital kung saan naghihintay sakanya ang tatlong pasyente na kailangan niyang pagalingin nang sabay sabay

si amythest naman ay kailangan niyang kausapin ang isang leon sa gubat na may layo saming walong kilometro at kailangan niya yun mapapunta rito

samantalang sakin ay kailangan kong gumawa nang armas at barrier gamit ang apoy

eksaktong 3:45 na at 15 minutes pa lang ay dismissal na namin pero hindi pa rin nateteleport ni ezekiel si gael at wala pa kong nakikitang leon dito sa lugar namin

nagawa ko naman agad yung task ko at kaya ko nang gumawa nang espada at pana gamit ang apoy, hindi na ko ganun nahirapan dahil siguro yun talaga ang ability ko, siguro mababaw palang ang mga task na binibigay sakin dahil kakaumpisa ko pa lang pag-aralan ang ability ko samantalang itong apat ay matagal na rito

"okay class it's already 4:00, magpahinga na kayo" pagkasabi ni ms.thana yun ay umalis na siya at halos magkasabay na napaluhod sa lupa si amythest at ezekiel

"okay ka lang?"

ngumiti naman si amythest at sinubukang tumayo
"pagod lang po siguro ako"

nakita ko naman sa peripheral view ko na hinahaplos ni gael ang likod ni ezekiel tsaka ko lang namalayan na umiiyak pala siya

ilang saglit lang ay nawala na si ezekiel at naglakad na rin kami papunta sa dorm

pagkarating namin ay agad namang pumasok yung tatlo at nagpahinga. samantalang ako ay umupo lang sa couch at inisip yung mga nangyari kanina

*******
7:30 na nung magising ako , di ko namalayang nakatulog ako sa couch

nakahanda naman na yung mga pagkain kaya tinawag ko na si gael at wala pa rin sa kwarto si ezekiel kaya nauna na kaming kumain

pagkatapos namin kumain at maghugas ay lumabas si gael para daw mamasyal at andito kami ni taki at amythest sa couch. sa totoo lang eh nabobored na rin ako kasi puro kain tulog lang ginagawa ko ni hindi nga ata uso cellphone dito
tsaka hindi pa kasi ako namamasyal sa bayan para bumili nang mapaglilibangan

"ate, kwento ka naman about sainyo ni blake"

pagkasabing yun ni amythest ay padabog kung binato yung unan sa bakanteng couch at pumasok sa kwarto

"anyari dun?....anyways about kay blake?..ahmmm..mabait naman siya, gentleman, matalino"

pilit kung itinatakip yung unan sa magkabilang tainga ko, nasa kwarto na ko pero naririnig ko pa rin sila

bigla kung umupo sa kama, nakakaasar kasi yung tawa nilang dalawa

"bakit kasi ako nagpapaapekto tssk" saka ulit ako humiga

"bat kasi ang bilis niya mahulog sa iba" tsaka ako umupo sa kama habang kinakausap ko sarili ko na parang baliw

"and so? ano naman kung may gusto siya sa iba....ughh bat kasi" kaibigan niya lang naman ako pero bat ako nasasaktan nang ganito

bigla na lang nawala yung asar ko nung naisip ko yun, humiga ako nang maayos at naririnig ko pa rin yung usapan nila

wala naman talaga ko gusto kay taki pero bakit parang ang big deal sakin kung nagkakagusto siya sa iba

"denial ka lang men"
"hindi. ayaw mo lang siya masaktan"
"nagseselos ka talaga aminin mo na"
"hindi. alam ko lang talagang masasaktan siya dun"
"gusto mo kasi kaya ganyan ka kaconcern"

bigla ko na lang inalog-alog utak ko, kung anu-ano na pumapasok eh. nababaliw na yata ko

"basta concern lang ako. TAPOS!!"

"bigla niya nga hinawakan kamay ko"

whatta.. okay na ko eh. patulog na ko tas narinig ko nanaman sila sa labas

naghilamos ako at nagpalit nang damit

napatigil naman yung dalawa pagkalabas ko nang kwarto at padabog ko sinara yung pinto kaya nagulat yung dalawa

"ohy pangit ! adik ka ba?!'

di ko pinansin si taki at lumabas na ko ng dorm

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon