rumbled

62 26 0
                                    

Gael's POV

pagkatapos naman umalis nung bata ay tsaka naman na rin ako nagpatuloy sa paglalakad nang bigla na lang may kumalabit sa batok ko.... ahy wait... may  humampas ba sa batok ko? bahagya naman akong napatingin sa likod ko at naruon si shadow na may dalang... wasak na sanga?

"oww gets" sambit ko naman at bago ko pa man siya masipa sa dibdib ay agad na siyang nawala at isa nanamang pag-atake ang naramdaman ko sa may likod ko at inatake ko yun pero muli nanaman siyang nawala at sinubukan niya pa kong patidin gamit ang mga patpatin niyang paa, at napansin kong nakaramdam siya nang sakit sa ginawa niyang yun, nagkakatitigan pa kami nang ilang segundo bago siya nagteleport sa gitna nang dalawang puno na may ilang metro din ang layo sa akin

ilang saglit lang ay bumagsak nang sabay ang kanyang mga tuhod kasunod nang pagbagsak nang kanyang katawan at pagsubsob nang kanyang mukha sa lupa

at mula sa likuran niya ay nakatayo si ezekiel na may hawak nang duguang sanga at tuluyan na ngang nawala si shadow

"puntahan na natin sila taki" sambit ni ezekiel na bigla na lang nagteleport sa harapan ko

napatigil naman ako sa paglalakad nang.....

"kung si shadow ang target mo at ako ang target ni shadow... ibig sabihin ako na ang target mo ngayon?" biglang tanong ko kay ezekiel na parang nagulat din sa sinabi ko

nag-aatubili naman siyang tinignan yung tag na nabunot niya

"tol di mo naman number to ah?"
sambit niya sakin kaya agad rin akong napatingin sa tag ko

"20" nag-iba rin yung target ko.. ibig sabihin kung ang magiging next target mo ay miyembro sa family niyo.....magrurumble yung targetchain

**********
Akihiro's POV

umalis si ezekiel para hanapin si gael kaya naiwan kami ni Taki dito sa yungib at meron namang kaunting apoy na nagsisilbing ilaw para sakin para di ako nahihirapan kumilos

"maiwan ka na muna dito at subukan ko na rin hanapin yung target ko" sambit ko kay kabsat na nakapatong ang ulo sa kanyang mga tuhod at nakayakap rito

pagkalabas ko sa yungib ay muli kong nakita yung batang babae na may hawak na teddy bear, akala ko ay aalis lang ulit siya gaya nang nangyari sa aming unang pagkikita kaya hindi ko na lang pinansin nang bigla na lang niya kong atakihin nang fireball pagkatapos niyang ilapag ang hawak niyang teddybear

nakita ko pang nag-iba ang kulay nang mata niya habang namumuo ulit sa kanan niyang kamay ay malaking bolang apoy at bago pa man niya yun maibato saakin ay mabilis siyang itinulak ni taki

at bigla na lang tumilapon si Taki nang matamaan siya nang kidlat na animo'y galing sa kalangitan

"hi zech" bati nang batang babae sa batang lalaki na nakaturo ang dalawang kamay sa kalangitan

nabigla na lang ako nang makita kong iba na yung numerong nakalagay sa tag ko

"8"

at nasa harapan ko na mismo yung tinutukoy nang tag

agad namang namuo ang espada sa mga palad ko habang tumatakbo sa kinaroroonan nung batang lalaki nang......

"booommm"

napahawak na lang ako sa ulo ko pagkatapos akong tamaan nang bolang apoy nung batang babae

nakita ko namang naglalakad na siya papalapit sakin at ganun din si zech kay taki na hanggang ngayon ay di pa rin magawang tumayo

agad naman akong tumayo para protektahan si taki nang muli kong inatake nung batang babae, dahilan para tuluyang masaktan ang kaliwang paa ko at mahirapang tumayo

kita ko sa mukha ni taki na nahihirapan siya, at mukhang nabale ata ang kanan niyang paa dahilan para di siya makatayo at makaalis sa pwesto niya, oo laro lang to, pero ayaw kong nakikitang nahihirapan si taki, at ayaw na ayaw ko siyang nasasaktan, halong pagkalungkot at asar ang nararamdaman ko at sa muling pagkakataon ay tumayo ako at gumawa nang blade pero bago ko pa man yun maibato sa kalaban ay muli nanaman akong inatake nung batang babae

halos isang metro na lang ang layo ni Taki at ni Zech, tinaas ni Zech ang pareho niyang kamay, hudyat na naghahanda na siya sa gagawin niyang pag-atake

kaya agad akong tumayo at sinubukang pumunta sakanya at sa pagkakataong to ay nagawa kong ilagaan yung bolang apoy,

"trrrreeeekkssss"

natamaan nang malaking kidlat si Taki at nawala

**********
Ezekiel's POV

habang pabalik kami sa kuweba ay nakarinig kami ni Gael nang sunod-sunod na pagsabog mula roon kaya nagmadali kami ni Gael nang bigla na lang may malaking kidlat at tumama sa kinaroroonan nila Taki kaya minabuti kong magteleport na agad dun

akma na sana kung kikilos nang makita kong bigla na lang sinugod ni akihiro yung batang lalaki habang umaapoy ang kanyang kanang kamay at parang tigre na mangangalmot dun sa bata

nagulat ako sa nakikita kong akihiro habang inaatake niya yung batang lalaki, para siyang pinapalibutan nang kulay asul na aura, at kulay pula ang kanyang mga mata at nakalabas pa ang pangil niya.. para kong nanunuod nang mabangis na hayop at wala sa matinong pag-iisip na bigla bigla na lang umaatake

nung una nakakailag pa yung bata pero tumilapon siya nang matamaan siya ni akihiro, bigla ko na lang napansin na may malaking bolang apoy sa papalapit kay akihiro pero bigla na lang itinuro ni akihiro ang kanyang kaliwang kamay roon at para bang sinusunod nang apoy ang bawat kilos nang kaliwang kamay niya at tumama yun sa batang lalaki

nakita ko pang bahagyang naitaas nang batang lalaki yung kamay niya nang bigla na lang siyang inatake ni akihiro at hinugot niya yung puso nang bata gamit ang nag-aalab niyang kamay na nagkaroon nang matutulis na kuko

agad naman siyang tumingin dun sa batang babae na hindi na magawang ngumiti at bahagya pang pumipikit pikit ang kaliwang mata nito, bahagya pa tong napaatras nang nag-umpisang maglakad si akihiro patungo sakanya

bumilis ang paglalakad ni akihiro at binato siya nang batang babae nang malaking bolang apoy na halos sinlaki nang refrigerator, pero para lang yung tela na napunit sa gitna at patuloy pa rin sa paglalakad si akihiro

binato siyang muli nang bolang apoy at parang pinto lang yun na hinawi ni akihiro at tumama sa isang malaking puno na nag-iwan nang butas sa gitna, namuo naman sa palad ni akihiro ang isang bolang apoy na kulay pula at may kunting kulay asul at walang alinlangan niya yung ibinato sa batang babae na tela nanigas ang mga paa at hindi na makaalis sa kinatatayuan

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon