musta na kaya si precious
"bumawi ka na lang sa susunod na grading nak, grades doesn't define how intellegent you are" napatingin naman ako dun sa lalaki habang hinahaplos ang ulo nang anak niya
**--**--**--**
"bobo bobo!!! anlaki nang nagagastos ko sayo sa pag-aaral mo tapos ganto grades mo" sermon ni mama habang dinuduro duro ang ulo ko , 89 kasi ako sa 21st century kaya nagalit sila"ma matataas naman po eh, isang subject lang naman yan ka-"
"andami mong katwiran, puro kasi lakwatsa inaatupag mo, puro ka laro, t*ngina kang pabigat ka! walang kwenta" nakayuko na lang ako nang mga oras na yun at pumapatak na yung luha ko sa sahig
**--**--**--**
**--**--**--**
"hoyy hiro!!" nagulat ako sa sigaw ni mama. nasa comshop ako nung mga oras na yun para magresearch"ma tapu-"
"ano? adik ka na rin sa computer" hinila ni mama yung kamay ko palabas nang computer shop at nakatingin halos lahat nang kapitbahay namin
"ma nagreresearch po-"
"manahimik ka hiro ah, napakabatugan mo wala-"
"oh!! ano nanaman, walang kwenta? nagreresearch lang naman ako!! t*ngina ma umintindi ka naman, intin-"
natahimik na lang ako nung bigla akong sinampal ni mama sa harap nang maraming tao"sumasagot sagot ka na? yan ba natutunan mo sa school?...."
patuloy lang si mama sa kasisigaw at ilang saglit na lang ay papatak na luha ko kaya binilisan ko na lakad ko pabalik sa bahay
"tinatalikuran mo na ko?!! bastos ka talagang bata ka" kumuha si mama nang kutsilyo "eh kung patayin na lang kaya kita, para wala nang pabigat, tutal salot ka naman, wala ka-"
"sige!! patayin mo na ko" sobrang bilis nang pag-agos nang luha ko
"sigeeeee!!""t*ngina ka, wala kang alam gawin, bw*sit" binaba naman ni mama yung kutsilyo at umalis nang bahay
napaupo na lang ako at patuloy pa rin yung pag-agos nang luha ko
bat ganun siya? oo ampon lang ako pero deserve ko naman mahalin diba. nagsisimba ako pero p*ta napapamura ko sa nangyayari sa buhay ko, bat ganto yung buhay ko, bat hindi niya ko magawang mahalin, bat hindi niya ko matutunang mahalin.
**--**--**--**
pinunasan ko naman yung luha ko, habang inaaalala ko yung mga araw na pinapagalitan ako ni mamahindi ko lubos na maintindihan kung bakit, bat kailangan niya ko itrato nang ganun, ganun ba ko kahirap mahalin? gusto ko lang naman is yung maappreciate niya effort ko para mapasaya siya, gusto ko lang naman na mapansin niya ko, gusto kong maramdaman yung pinapahalagaan ako, gusto kong maramdaman na minamahal niya rin ako, ano bang mahirap dun
galit ako sakanya, galit na galit ako sakanya pero wala eh. mahal ko siya at mama ko pa rin sya
******
10:00 na nung makarating kami sa Dagupan . agad naman akong sumakay sa tricycle papunta sa lugarilang saglit lang ay nakarating na ko sa bahay, wala na gaanong katao sa labas at nakapatay na rin yung mga ilaw
napanganga na lang ako sa nakita ko sa paligid, sa mga poste, sa mga pader.....
"missing"
"akihiro gonzales"
"5'2"
"contact no.09472836362"hinahanap ba talaga ko ni mama? pero bakit?
inakyat ko naman yung bakod namin at pinilit kong akyatin yung bintana nang kwarto ko para buksan tsaka ko binalikan mga bag ko at ibinato isa-isa at umakyat ulit
nakita ko si mama sa sala at dun na natulog
tinignan ko naman na agad si precious sa kwarto, hays namiss ko talaga tong batang to
hinalikan ko naman noo niya at nilapag ko na lahat nang pasalubong ko kasama na yung bag na may laman nung una na P2Million pero nabawasan na sa mga pasalubong, sa pamasahe pati na rin dun sa binigay ko sa manong
"missyouu precious...loveyouu.. sana maging maganda future mo"lumabas naman na ako nang kwarto at pumunta sa sala..naiiyak ako siguro sa galit o baka sa lungkot, iwan pero parang sobrang bigat nang pakiramdam ko
nakita kong may hawak na frame si mama at kinuha ko yun
yun yung picture ko sa school na pinaframe niya lang ata ngayon, bigla na lang pumatak yung mga luha ko. daming gumugulo sa utak ko, dami kong tanong na gustong itanong sakanya
hinahanap niya ba ko dahil nag-aalala siya? bakit ngayon lang? bakit ngayon niya lang pinaramdam na mahalaga ako, bakit hindi niya magawa to noon nung magkasama kami
nakita ko naman yung mga papel na katulad nang nakadikit sa mga poste sa labas tas napansin ko yung papel na naiiba na nasa ilalim kaya kinuha ko yun
bigla na lang bumilis agos nang luha ko, iniwan ko to sa sketchpad ko sa cabinet, ni minsan naman hindi siya pumasok sa kwarto ko,
pakiramdam ko nasaktan ko siya sa mga nakasulat sa tulang yun, nasasaktan ako pag naiisip ko na nasaktan ko siya, mas lalo pang bumilis ang agos nang luha ko, hindi ko napigilan na yakapin siya at mas lalo pang bumibilis ang agos nang luha k
"sorry ma...ma sorryyy hindi ko gustong mabasa mo yun.. ma sorry" paulit ulit ako sa pagsabi nang sorry habang nakayakap sakanya ay patuloy pa rin sa pag-iyak, masyado nang mabigat yung dinadala ko kaya hindi ko na pinigilan pa ang pag-iyak ko at nilabas ko na lang yung sakit iniyak ko na lang lahat nang nararamdaman ko at ninamnam yung mga oras na nakayakap ako sakanya, first time ko lang siya mayakap at baka ito na rin yung last kaya parang ayaw ko pang bumitaw, nanatili lang ako sa tabi niya
**--**--**--**
"punding ilaw"mga yakap at haplos mo ay iba
mga matatamis mong salita ay puro mura
wala rin yung salitang mahal kita
kasi lagi mo na lang ipinamumukha yung mali kong nagawa
tandang tanda ko pa
yung mga masasakit na salita
noong sinabi mong sana ako'y mamatay na
na sana pagluwal mo sakin ay hindi mo na ginawa
ma! makinig ka dahil ako'y nasasaktan na
naalala ko pa kung pano mo ko sampalin at ipahiya
sa harap nang mga tao at sabihing wala kong tamang ginawa....
naalala ko pa...
naalala ko pa lahat nang sakit na iyong pinadama...
naalala ko pa...matataas na grado..
mga gawaing bahay ay ginawa ko....
lahat nang bagay ginagawa ko para sayo
pero wala kang nakikita kundi ang mali ko
uulitin ko...
wala kang nakikita kundi ang mali ko
kaya ang tanong.....
bat ganito
bakit lagi na lang mali ako..
ma mahal kita...
ay teka mali.
sa mga kwento, tula at dagli
lagi kong sinasabi na "ma kaya ko pa"
lagi kong sinasabing "ma mahal na mahal pa rin kita"
pero pasensya.......
sa pagkakataong to parang di ko yata magagawa
kasi kahit ako....hindi ko alam kung mahal pa rin kita.
**--**--**--**********
4:00 am na, di ko namalayan na nakatulog ako, agad naman na kong tumayo at hinalikan si mama sa noo at hinalikan ko ulit sa noo sa precious bago tuluyang lumabassa forest na ulit ako dumaan, kung saan una akong nakapunta sa nōryuko
![](https://img.wattpad.com/cover/142426260-288-k171256.jpg)
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
General Fictionsi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...