bubuhatin ko na sana siya kaso bigla siyang nagising at bigla akong binatukan
"arayy..para saan nanaman yun?"
tanong ko habang hinahaplos batok ko"san ka galing?"
"sa city. bakit may iba pa bang mapagpapasyalan dito? geez"
"pasyal? anong oras na oh, ihampas ko kaya sayo yung orasan, bakit alam mo na ba lahat nang patakaran dito sa nōryuko, paano kung may nangyaring masama sayo! pano kung bigla ka na lang mawala!!"
tumataas na yung boses niya at napansin kung nangingilid na yung mga luha niya sa mata
"ohy sorry na, ano ka ba antanda ko na kaya tsa-"
"paano na lang kung magaya kay kuya" pagkasabi niya yun ay tuluyan nang tumulo yung luha niya
"ohy tahan na. okay naman ako eh"
pinunasan ko yung luha niya at ilang saglit lang ay tumigil na rin siya
"pumasok ka na"
seryoso niyang sinabi yun kaya sinunod ko na lang
tumayo na ko pero bago ako tuluyang pumasok ay nakiusap akong pumasok na rin siya at agad rin naman siyang sumunod
sinara ko na yung pinto at inilagay yung libro sa cabinet ko at binagsak ko na yung katawan ko sa kama
napaisip lang ako sa sinabi ni taki kanina
hindi ko alam na may kuya pala siya. antagal na naming magkasama pero ngayon ko lang nalaman yun tsaka ano kaya nangyari sa kuya niya..hays
summer nun nung nakilala ko siya, lagi ko kasi siyang nakikita sa may bakuran nila, kakagraduate ko pa lang sa grade 6. tsaka pagpasok ko nang grade 7 eh nalaman kong magkaklase kami, transferee siya pero agad naman siyang nagkaroon nang mga kaibigan
sa almost 5 years naming pagsasama bilang magkaibigan wala naman siyang naikwento na may kuya siya, hindi ko nga din napansin na higen pala siya pero gets ko naman kung bat niya tinago yung pagiging higen niya
halos madalas niya kasing kwento sakin is about sa mga ibang lalaki na nagugustuhan niya, sa kung paano siya kinikilig at sa kung paano siya nasaktan. and laging ganun din lang lahat
hays bat kasi may mga lalaking hindi marunong magseryoso, feeling nila laro lang lahat sakanila, na hindi na iniintindi nung iba kung may masasaktan ba
bat hindi na lang sila tumulad sakin, hindi man ako perpekto atleast alam ko kung paano rumespeto
hays nanggigil ako lalo kay blake, pano nalang si taki pag nalaman niyang hindi pala seryoso sakanya si blake, tiyak masasaktan nanaman yun
hays bigla ko lang naalala
di ko kilala kung sino parents ko ni hindi ko nga alam itsura nila wala silang ibang iniwan kundi yung pera sa bangko na nagagamit ko ngayon panggastos, di ko alam na ganun pala ko kayaman
siguro pag inuwi ko yun sa mundo nang mga pureblood eh never ko na ulit maririnig si mama na nagagalit
speaking.kamusta na kaya si precious, paniguradong sakanya nabubunton lahat nang inis ni mama sa mundo
hays....kung pwede lang eh isasama ko siya rito. anak siya ni mama sa ibang lalaki kasi nag-asawa siya ilang taon pagkatapos nang pagkamatay ni itay, pero iniwan rin siya nito, ako naman ay ampon lang nila pareho pero kahit hindi kami magkadugo ni precious ay napamahal na rin talaga ko sakanya
hindi ko nakasama yung mga totoong magulang ko tas yung taong kumupkop sakin ay maagang namatay, hindi kaya ako yung malas..hays
nacucurious lang ako kung bakit sa gubat ako natagpuan ni itay i mean yung kumupkop sakin. kasi kung higen ang mga magulang ko di dapat andito lang ako sa noryuko, oh baka naman pala nanirahan sila sa mundo nang mga pureblood
pero bakit nila ko iniwan sa gubat, kasi kung ayaw man nila sakin eh bat sakin nila pinamana lahat nang ari-arian tsaka mayaman naman sila kaya kayang-kaya nila kong buhayin
hays ang gulo na nga nang utak ko, magulo pa pati buhay ko
teka..hindi kaya.....alam ni ms.thana ang lahat
********
7:00 na at ginigising na ulit ako ni ezekiel
sadyang di ko lang talaga kayang gumising nang maaga kaya lagi akong late sa school noon buti nga 8:00 start nang classes dito samantalang dun samin eh 7:20
pagkatapos namin kumain ay dumiretso na rin kami sa school
*****
"goodmorning akihiro""morning." saka ko ngumiti kay faith
pagkatapos magklase ni sir mendez ay didiretso na sana ako sa susunod kung subject pero tinawag ako ni faith
"akihiro! samahan mo naman ako magrecess oh. wala kong kasama eh" sabi niya tsaka ngumiti sakin
maganda naman si faith eh, maputi, may pagkawavy din yung buhok niya na halos abot na sa bewang, matangos ang ilong tsaka ang astig nang pagkakablue nang mata niya na pag tinitigan mo eh bigla na lang gagaan loob mo
"ohy hiro? sasamahan mo ba ko?"
"ah sige..tara" kinukuha ko yung bag niya at bigla kong binatawan yun
"sorry nasanay kasi akong dalawang bag yung binubuhat hehe"
pumunta naman na kami sa canteen para kumain
"may nililigawan ka na ba"
bigla kong nabulunan sa sinabi niya kaya halos mahati ko na yung iniinom ko
"ah.. wala pa"
"anong team ka nabibilang at sino-sino mga kasama mo?"
"galing akong delta 252, kasama ko dun si taki,gael,ezekiel, tsaka amythest.....ikaw?"
"i'm from omega 318, kasama ko naman si claire,blake, at si zero,
apat pa lang kami sa ngayon""teammate mo si blake?"
"yes.. bakit?"
"ah wala wala" sabi ko at inaya ko na siyang lumabas sa canteen at pumasok na kami sa susunod na subject
*****
malayo pa lang ako ay nakita ko na ulit si blake na hawak ang kamay ni taki kaya nagmadali akong pumunta sa kinatatayuan nila at hinila ko na si taki, pero hinawakan nang mahigpit ni blake yung kamay niya dahilan para mapatigil kami"may problema ka ba bro" tanong niya sakin na may galit na tono
"marami...kaya bitawan mo siya at lumayo ka na"
"ohy pangit ano-" napatigil si taki sa pagsasalita nung nakita naming pinalipad na sa ere ni blake ang isa sa apat na blade niya
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
General Fictionsi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...