purebloods

132 28 0
                                    

**--**--**--**
(an hour before)

andito kami ngayon sa restaurant na pagmamay-ari ni lolo

"ahmm lo di po ko kumakain nang gulay"

"masama yan, dapat kailangan mong kumain para maging malusog ka, subukan mo lang pakunti kunti masasanay ka rin" tugon naman ni lolo, sa totoo lang kahit anong subok ko ayaw talaga nang taste buds ko ang gulay para kung kumakain nang damo

"ahhmmm lo pwede po ba kung bumisita sa mga pureblood?"

"pwede ka naman talaga pumunta dun anytime na gustuhin mo basta alam mo ang rules and regulations"

"ano pong rules?"

"ahmm bawal gamitin ang ability sa mundo nang mga pureblood, bawal ipaalam ang tungkol sa nōryuko city kahit kaninong pureblood na kakilala mo, and be sure na pag nakita ka nang mga kakilala mo is magbibigay ka nang kapani-paniwalang dahilan kung saan ka pupunta at bakit ka mawawala nang hindi nababanggit ang nōryuko at hindi gumagamit nang ability... and base sa sinabi ni ms.thana ay hindi ka nagpaalam kahit kanino nung umalis ka, so cinonsider ka nang mga pureblood as missing person, it means....pag nakita ka nila, ay siguradong tatanungin nila kung san ka nanggaling at ano nangyari sayo pero kung gusto mo talaga, bawal kang magpakita kahit kaninong pureblood or kailangan mo ulit manatili dun hanggang sa makagawa ka nang kapani-paniwalang kwento bat ka nawala"

ahhhh kaya pala nung tinanong ko si taki kung san siya nag-aral nang elementary ay sinabi niyang galing siya sa states at lumipat dito sa pilipinas

"gusto ko pong bumisita lolo."

"may isang village sa mundo nang mga pureblood na puro higen ang nakatira and may kwarto ang bawat bahay na nakakonekta sa bahay nila dito sa nōryuko kaya pwede silang lumabas pasok sa mundo nang mga tao at dito sa nōryuko...so punta ka na lang sa mansyon tas tanungin mo na lang si X5-80 kung san yung doorway...wag mo kakalimutan ang rules."

"thankyouu po lo, nga po pala gusto ko po sanang kumuha nang pera dito at iwan ko sa mundo nang mga pureblood, pwede po ba yun, hindi po ko magpapakita kahit kanino"

"siguraduhin mo lang hiro, may katumbas na punishment ang bawal paglabag sa rules"

"thankyouu po lo"

**--**--**--**
bumabyahe na ko ngayon papunta sa mansyon ni lolo

sa totoo lang galit ako kay mama, galit ako sakanya kasi hindi niya man lang pinaramdam na mahalaga ako, hindi niya ko minahal na puro mali ko na lang napapansin nila, pero labas si precious dito, ayaw kong maranasan niya yung naranasan ko kay mama, hindi kami magkadugo pero napamahal na ko sakanya, gusto kong magkaroon siya nang magandang buhay

ilang saglit lang ay huminto na yung sasakyan at pumasok na ko agad sa mansyon ni lolo at sinalubong naman ako ni X5-80, si X5-80 ay isang robot na ginawa nang isang craftman na para lang kay lolo, at hinatid niya naman ako kaagad dun sa kwarto kung saan nagkokonekta ang nōryuko at mundo nang mga pureblood

binuksan ko na yung pinto at wala kung makita kundi ang kadiliman na bumabalot sa buong kwarto

nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ko sa madilim na kwarto na yun

ilang saglit lang ay may lumapit sakin na nasa bandang 50's at yumuko

"ahmm pwede niyo ba kong samahan palabas nanh village?" tanong ko dun sa matanda

"yes master" agad naman siyang bumaba at lumabas nang mansiyon kaya sumunod ako, simple lang tong bahay at di gaano kalaki kaya nakalabas rin kami agad

"woahhh" shocks tol andami palang bahay dito, ibig sabihin maraming higen na ang nakakalat sa buong bansa

wait... nasa baguio ba ko? ohmyyy nasa baguio nga ako huhuhu sa dagupan yung bahay namin kaya kailangan ko pang bumiyahe

"master" tawag naman nung lola sakin kaya sumunod ako

"ahmmm wag niyo na po kong tawaging master hehehe"

ilang saglit lang ay nakalabas na kami nang village

"pinapamigay po ni mr.president sainyo" inabot namin ni lola yung isang sumbrero at jacket

naalala kong hindi pala ko pwedeng magpakita kahit kanino

"thankyouu po la"

tutal nasa baguio naman na ko ay pumunta muna ko sa bayan para mamili nang mga ipapasalubong ko kila precious

"snaattchhheeeerrrrrr"
"tulonggg,  tulongg poo"

agad ko namang hinabol yung snatcher, sa totoo lang ang bigat nang bag ko sa dami nang laman nito, kaya nahirapan rin ako

anlayo na nang natakbo namin hanggang sa bigla na lang siyang mapadapa sa eskinita kaya agad ko na siyang hinawakan para di na makapalag

hingal na hingal yung lalaki na nasa 30's at mangiyak ngiyak na humarap sakin.. no.. actually tumulo na yung luha niya bago pa siya magsalita

"boss, boss.. wag niyo po kong ipapakulong, nasa ospital ang anak ko ngayon kaya kailangan na kailangan namin nang pera, parang awa mo na po...parang awa mo na.. di ko na alam ang gagawin ko...anak ko na lang po ang natitira sakin... ka..kaya baka di ko kayanin kung mawala siya"

halos tumulo na rin mga luha sa mga sinabi niya, naalala ko yung araw na nagpumilit si tatay na lumapit sakin nung araw na nasunog ang bahay,

binitawan ko na siya at kinuha na yung bag nang ale, dumukot ako sa bag ko nang apat na bungkos na pera na nagkakahalagang P200,000 at inabot sakanya "hinihintay na po kayo nang anak niyo"

inayos ko naman sumbrero ko at naglakad na palayo nang biglang..."sa..sa..salamat anak.." niyakap ako nung lalaki at ramdam kong tuloy-tuloy yung pag-agos nang luha niya

"tahan na po, kailangan na po kayo nang anak niyo, wag na po kayong gagawa nang mali kasi masasaktan rin po yung anak niyo pag may nangyaring masama sainyo"

nakabalik naman na ko sa bayan at naibalik ko yung bag nang ale na umiiyak-iyak na rin

"salamat hijo, pagpalain ka nawa nang diyos"

"walang anuman po"

sarap talaga sa pakiramdam na nakakatulong ka sa kapwa, iwan pero parang priceless yung saya nang puso ko tuwing nakakatulong ako

5:00 na at nakabili na rin ako nang mga pasalubong ko kina princess, kaya sumakay na rin ako nang van para bumiyahe na paalis

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon