solution

81 29 0
                                    

"starting point"

bumukas bigla yung pinto na nasa likod nung screen kaya agad na kaming pumasok dun

paglabas namin ay nasa stage kami.....stage na nasa center nang field, at lahat nung mga na-out pati na yung mga di nakasama ay nakatingin samin

kasama rin namin dito sa stage ang omega318 at alpha25

mukhang nabuhat nanaman si blake nang grupo niya, sila ang naunang natapos sa laro at mukhang dumating na nga yung panghuli nilang miyembro..

pangalawa ang  alpha25 na kinabibilangan ni Nightingale, yung lalaking nakalaban ko sa underground, at kasama niya rin si shadow yung una kong napanuod sa umderground na kalaban ni joker.. ang lakas nang grupo nila

sunod naman lumabas sa pinto ang beta111, lumalabas sa screen ang name nang family nila pagkalabas nila sa pinto

mga ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na ang delta266, sunod ang alpha55 at ang omega337 na kinabibilangan nina desmond at drexel

mga ilang minuto ulit ang lumipas at lumabas na ang beta143

napa aww lahat nung lumabas sa pinto yung mga cute na bata,

"ilang taon na kayo" tanong nung isang babae sakanila

pero nilagpasan lang sya nung kambal na nakasalamin pero humarap naman sakanya yung isa pang bata na may pagkajolly rin

"grade 5 po" sambit niya at sumunod na dun sa apat na kasama niya

kung grade 5 sila ibig sabihin 10 years old pa lang nila...woww. just wow. 400 team ang andito, sabihin na nating 200 ay di nakasama tapos sila yung pangwalo na nakatapos nang game?, nasan na yung ibang grade 12 or 11 or kahit na mga junior high? okay fine hahaha. wala yan sa age.. nakakaamaze lang kasi na out of 200 team, pangwalo silang nakatapos

********
pagkatapos kaming ipakilala ay nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa dorm

"whoahh akalain niyo yun, first time lang natin sumama pero pangatlo tayo sa nakatapos" sambit ni ezekiel

"kung di ka nagkamali eh di baka nauna pa tayo hahaha" pang-aasar ni taki kay ezekiel

"wowwww para namang andami mong nasagutan hahahah" pang-aasar ko kay taki

"nakasagot kaya ko nang dalawa tssk"

"hahhaha sorry na garud"

"pano pag alpha25 ang una nating nakalaban, oh di tanggal tayo agad" paniningit naman ni amythest

"wag kang pessimistic amythest hahaha ganto na lang, pagkwentuhan na lang natin yung mga tanong kanina , so kabsat dun sa tanong na aj is 18 years old, after 10 years her age is twice as the age of her sister, how old is her sister when she's 20?... explain mo pano mo nakuha" sambit ni taki

"after 10 years si aj is 28 years old na at kalahati nun ang edad nang kapatid niya so it means yung kapatid niya is 14 years old, so subtract both sides sa 8 so 28 minus 8 is 20, and 14 minus 8 is 6.. gets?...yung sayo naman amythest pano naging fear yung iron argon?"

"ahmm sa table of elements po hehehe ang iron is Fe at ang argon is Ar so pag pinagsama ang answer is FEAR.."

"yung sayo ezekiel, yung 16,06,68,88,? pano mo nasagutan?" tanong ni taki kay ezekiel

"baliktarin mo yung buong puzzle makikita mo mismo, ang totoong nakasulat dun is ?,88,89,90,91 so 87 ang sinagot ko, ang basic diba hahhaha"

"yung 00101010100 or kung ano mang nakasulat dun, diba kuya hiro binary code yun"

"yup"

"ang hirap naman po kasi isolve ang binary code nang walang papel... eh yun pong numbers, ano na nakasulat dun?" tanong ni amythest samin

"2, 15, 41, 80,  and whats next?... isubtract mo bawat number sa katabi niya, 80-41=39, 41-15=26, 15-2=13, kunin mo yung mga answer makakabuo ka nang counting number na 13, 26, 39, and eventually ang susunod na number is 52 , kaya yun ang ia-add mo sa 80 , so 80+52 is 132" pagpapaliwanag ni gael sakanila which is tama naman

nakarating na kami sa dorm pero tuloy pa rin kami sa tanungan

"eh kuya eze pano mo nasabing E ang sagot dun sa o,t,t,f,f,s,s?"

"kunin mo initial nang mga numbers hahaha, O-one, T-two, T-three, F-four, F-five, S-six, S-seven and E is for eight"

"eh yung black is blue, white is yellow  pano po naging green"

"oo nga gael, red sana isasagot ko dun eh"

" black + white = grey so kailangan mo lang ipag-add ang blue at yellow na ang kakalabasan is green"

"eh yung "(64)(5)=40, (81)(6)=54, (25)(?)=30" pano naging 6" pagtatanong nanaman ni amythest sakin habang gumagawa nang salad sa kusina

"square root mo yung unang number tsaka mo imultiply sa katabi niya, example..squareroot nang 64 is 8 so 8×5=40, so dun sa last ang squareroot nang 25 is 5 so ano kailangan mong i-multiply sa 5 para makuha ang 30, eh di 6"

"whoaahh kaya ayaw ko nang math eh" sambit naman ni ezekiel

"yung akin naman is code din yun , yung GBNJMZ is backward lang niya sa alphabet, kunwari B ang nakasulat dyan sa alphabet A muna bago B kaya A ang sagot" sambit ni taki

"ang gulo mo mag-explain pangit" sambit ko naman

"shee!!"

"yung sakin naman na may sagot na 45 is, kailangan mo lang i- square yung bawat number at isubtract mo by partner , ex-"

"tama na yan hiro huhuhu, dudugo na ilong ko, di ako nabiyayaan nang galing sa math" sambit ni ezekiel saka tuluyang humiga sa couch

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon