azler

144 30 1
                                    

"kabsat, kailan mo pa nalaman na azler ka"

"pagkarating ko sa nōryuko sinabi na agad sakin ni ms.thana yun"

"eh bakit po pinakilala niya po kayo bilang isang gonzales tsaka gonzales rin po ang ginamit niyong surname sa school"

"ahmmmm, sa dorm na lang natin pagusapan" sabay ngiti ko sa kanila habang nagkakamot nang ulo

"oh hi taki" sambit ni blake na nakasalubong namin tsaka nag-ayos nang buhok

"may problema ba?" pumagitna ako sakanilang dalawa at tinignan ko nang masama si blake

"chilll maya mo na lang ipakita yang yabang mo, pasensya ah pero pagkatapak mo sa arena, kahit magmakaawa ka pa babaliin ko lahat nang buto mo"

balak ko na sanang suntukin si blake sa sinabi niya, buti na lang naawat ako ni ezekiel

"umalis ka na nga blake" anya ni taki

"k fine, see you later, loser"

geez , mapapatay ko talaga yan mamaya

"tol yaan mo na, mayabang talaga yun, yung tipong sa sobrang hangin eh kayang magbigay nang mouth to mouth resuscitation gamit ang telepono"

******
dumating na rin kami dito sa dorm at agad naman akong hinila ni taki sa couch at sumunod naman yung dalawa, nakatutok lang si ezekiel sa nilalaro niya pero parang gusto rin makinig sa paguusapan namin

"so bakit nga gonzales ka pinakilala ni ms.thana at gonzales ang ginamit mong surname sa school" pangungulit agad ni taki sakin

"nakiusap kasi ako kay ms.thana na kung pwede gonzales ang gamitin kong surname"

"bakit po?"

"sa totoo lang nung una parang may galit ako sa mga totoo kong magulang, dahil iniwan lang nila ko sa kagubatan nung sanggol ako, kaya ayaw ko gamitin ang apelyidong azler pero nalaman ko na binuwis pala nila ang buhay nila at ginawa nila yung makakaya nila para lang mailigtas ako"

"mailigtas for what?"
"iniwan ka po sa kagubatan nung sanggol, bakit po"
"kanino mo nalaman yan, yung pagiging ampon lang naman nakwento mo sakin nung nasa mundo nang mga pureblood tayo"
"gusto ko rin po malaman yung kwento sa kung paano kayo lumaki sa mundo nang mga pureblood"
"pano sila namatay kabsat"

"wait teka lang, isa isa muna" napapakamot na lang ako sa mga tanong nila na halos hindi na ko makasagot dahil sa sunod sunod na tanong

"mga tol, pano sasagot si hiro kung andami niyong tanong na hindi pa nasasagot eh may kasunod nanaman"

"ahy sorry po hehehe" sabi naman ni amythest "kaw po muna ate taki"

"pano mo nalaman yan"

"ahmmm nung nagkaron tayo nang training with omega 318 at nakalaban ko si zero, pinakita niya sakin gamit ang ability niya at iwan ko kung anong ability yun"

"san ka nila iniligtas at paano sila namatay"

"hindi ko rin alam hehehe yung sa kung paano lang ako napunta sa kagubatan ang nakita ko"

"hays k fine"

"pano kayo naging close ni taki sa mundo nang mga pureblood" tanong naman ni ezekiel at binaba yung PS200 para ituon ang atensyon sakin

"hahaha katamad ikwento, si taki na lang tanong mo, hiram ko muna yang gameboy" 

"ops tinatamad ako, kay amythest mo na lang ipakwento nakwento ko naman na sakanya"
pumasok naman na sa kwarto si taki pagkasabi yun

"sorry kuya 6:17 na po kaya magluluto na ko nang pagkain natin hehe" tumayo naman si amythest at dumiretso sa kusina

napansin kung paharap na si ezekiel sakin at bago niya pa ko pilitin eh tumayo na ko at pumasok sa kwarto para dun na maglaro

********
"tol kain na daw sabi ni amythest"

"sige tapusin ko lang to sunod na ko" lumabas naman na si ezekiel pagkasabi kong yun

7:33 na, nung tinignan ko yung time sa gilid nitong gameboy

malapit na kaming manalo at kunting attack na lang wasak na ang tower nito at siguradong victory......kaso biglang......

"diba sabing kumain na, sabi mo susunod ka 20 mins na kaming naghihintay sa labas"

bigla na lang hinugot ni taki yung parang battery nitong gameboy kaya nag-off

"isang game na lang yun huhuhuhu sayang yun, nag-effort ako, ginalingan ko , ace na ko eh 29 kill 5 death at 10 assists men tapos papatayin mo lang huhuhuhu bakit, BAKIIIII-...........Aray"

bigla na lang ako binatukan ni taki

"wala kong paki, kumain ka sa oras, game lang yan tara na"

"online games are considered sports huhuhu"

"sports mo mukha mo, tatayo ka o tatayo"

"tatayo na kumander" tumayo na ko at inilapag ko na yung gameboy at sinundan ko na sya sa kusina

habang kumakain kami ay nagtatanong si ezekiel nang tungkol saming dalawa ni taki kaya sinasagot na lang namin lahat

"ohy sinuportuhan ko kaya si taki nung sumali sya sa ms.intramurals ,kaso talo palibhasa pangit hahahaha"

"hoy pangit, di kasi ako ready nun tsaka duhhh maganda ako sa sobrang ganda ko nga pila-pila yung mga lalaking gusto akong isayaw sa promenade" pansingit naman ni taki sa usapan

"ohy wag ka ngang mapiling. eh ako lang naman nagsayaw sayo nung prom andami ngang nagpapasayaw sakin pero dahil sa sobrang awa ko sayo ikaw na lang sinayaw ko magdamag"

"wow, woww naman kabsat, andaming nagaaya sakin sumayaw kaso tuwing inaabot na nila kamay nila bigla mong  hinihila kamay ko at isinasayaw kahit katatapos lang natin, and remember si isaac diba sumasayaw tayo ULIT nun pero nagpaalam sya na kung pwede isayaw nya naman ako kaso sabi mo masakit na paa ko kasasayaw at hinili mo ko sa upuan"

"eh diba nga niloko ka rin nun.. hays k oo na panalo ka na"

natapos na kaming kumain at ako na ang naghugas nang pinggan, 8:30 na ko natapos kaya naligo na rin ako para pumunta sa underground battle

"hirooo caaamonnnnn malalate ka na"

lumabas na ko sa kwarto dahil sa sigaw ni ezekiel at andun naman na silang tatlo

"kung andito lang sana si kuya gael di kumpleto sana tayo"

"sino na lang ba kulang" nagulat na lang kami nung bumukas yung pinto nang dorm at andun si gael "tara na malalate na tayo"

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon