date

194 33 0
                                    

naglalakad na kami pabalik sa dorm, bale nauna na si ezekiel at nasa harapan namin si amythest at gael

"hi taki i'm blake" sabi nung lalaki sa history kanina  na blonde yung buhok

"hello" tsaka sila nagshakehands

the heck si taki ba yung naghello, nababaliw na ba tong babaeng to dapat hindi na pinapansin yung nga ganyang lalaki at nagshakehands pa talaga sila ah. wow galawan.

"may gagawin ka pa ba mamaya?" saka ngumiti yung lalaki

"wala naman" pagkatapos sabihin yun ni taki ay nginitian niya si blake

seryoso, nakakairita ah at talagang nagpapacute pa siya.
di ko namalayang umaapoy na yung nakayukom kung kamao sa inis

"pwede ba kitang yayain magdinner"

whatta. isa pa talaga iihawin ko tung lalaking to, gusto kong durugin yung mga mukha niya, kala mo kung sinong gwapo na naghawi pa nang buhok

"sure"

ano daw? sure? baliw na ba talaga tong babaeng to? eh ni hindi nga sila magkakilala eh

napatingin sila nung biglang nasunog yung flower sa tabi ko

"may problema ba bro?" tanong nung blake sakin

"wala. hindi ko pa kasi kayang kontrolin yung ability ko kaya kusang kumakawala" sabi ko pero sa totoo lang nangagalaiti na ko sa sobrang asar

bumaling naman siya nang tingin kay taki at biglang naging maamo nanaman yung mukha

wowww...graaabe... iba... mapapagolden buzzer ako sa lalaking to, anggaling.. "GRABE"

"ano yun" tanong niya sakin

"ah? wala kita mo yung lalaki dun. nagiiba yung kulay niya grabe talaga no?  grabe"

humarap na ulit siya kay taki "sunduin na lang kita sa dorm niyo mamayang 7:00..ah nga pala pakisulat naman sa kamay ko room number mo"

woowwww. iba makalagawan hindi ba pwedeng banggitin na lang

kinuha ko yung ballpen na papunta kay taki at pumagitna ako sa kanila, at habang sinusulat ko sa kamay niya yung roomnumber napaaray siya

"bro dahan dahan naman"

inabot ko sakanya yung ballpen "sorry medyo ang sakit kasi nang kamay ko ngayon"

pasalamat nga siya hindi ko binutas yung kamay niya

"bye taki" muntik na kong sumabog magbabye lang kikindat pa, sungkitin ko kaya mata niya

hinila ko pababa yung kamay ni taki na kumakaway at nagtuloy na kami sa paglalakad

"so ganun na yun?" tanong ko habang nagpipigil

"ganon na ang alin"

"yun, yung kanina , magdidinner kayo minsan tapos mapapadalas tas magiging madalas kayo magkasama tas aamin siya tas mago-oo ka naman tas magiging kayo"

"dinner lang yun ang OA mo naman magisip hahah" nakuha niya pa talagang tumawa

pagdating namin sa dorm eh naligo na ko agad samantalang si gael at ezekiel ay nagpapahinga

pagkatapos ko maligo ay pumunta na ko sa sala at nakikitang nagluluto si amythest.pero wala si taki

"amy san si taki?"

"ah nandoon po siya sa kwarto mukha atang may lakad kasi kanina pa siya nagaayos" sabi niya naman habang inaayos yung pagkakainan namin

tinulungan ko na siya sa pag-aayos

"wow ang ganda mo naman ate taki"

napatingin naman ako pagkasabi ni amythest yun. at natulala na lang ako kay taki naka offshoulder tubeskirt at nakaheels na black pero maliit lang yung takong at may dalang shoulder bag

"thankyouu amy, ikaw kabsat ano sa tingin mo? ang ganda ko noh?" saka ulit siya ngumiti at nagbeautiful eyes

"nagmukha ka lang tao, hindi ka naman gumaganda tsaka akala ko ba magdidinner lang kayo sa city eh bat ganyan suot mo"

"anong problema sa suot ko? okay naman ah"

"anong okay? tignan mo nga yang suot mo punit sa magkabilang balikat at ang iksi pa, wala ka na ba talaga pambili nang tela"pagkasabi kong yun ay binatukan niya nanaman ako

"geez offshoulder ang tawag dito  hindi yan punit palibhasa hindi mo alam manamit tssk" at tsaka na siya umupo sa couch kaya umupo na rin ako dun sa kabila

"kuya kain na tayo tawagin mo na rin si kuya gael at kuya ezekiel"

pumasok naman akong kwarto para tawagin yung dalawa at dumiretso na kami sa kusina samantalang si taki nasa couch pa rin at  kanina pang tingin nang tingin nang oras

"ohy pangit kain ka muna baka gutom ka na" sabi ko naman kasi napansin kong nakasibangot na siya

"sige lang"

eto nanaman siya. ganyan na ganyan yan pag nasasaktan siya eh..kaya ayaw kong naaattach sa ibang lalaki

tapos na kaming kumain at pumasok na sila sa kwarto samantalang si taki nasa couch pa rin kaya umupo ako ulit dun sa kabila at lumabas na rin si amythest at tumabi siya kay taki

8:00 na pero wala pa rin si blake kung alam ko lang na makikita kong ganito kalungkot si taki eh hindi ko na lang sana ginawa yun

nagulat naman ako nang biglang may kumatok sa pinto kaya binuksan ni amythest at pagbukas non ay nakatayo si blake na may dalang bulaklak

"sorry if nalate ako, hindi ko kasi makita dorm mo kasi ang nakasulat sa kamay ko kanina is delta room352 kaya inabot ako nang isang oras para libutin tong buong building"  pagkasabing yun ni blake ay biglang sumama yung tingin sakin ni taki tumayo siya at lumabas na kasama si blake

"bakit mo ginawa yun kuya hiro? nagseselos ka no?" tanong sakin ni amy at natatawa pa

"o..ohy hin..hindi ah. ayaw ko lang na nasasaktan si taki" sabi ko at bigla na lang naging seryoso mukha ko

"sa winter cafe sila kakain..welcome tol" sabi ni ezekiel na nasa kusina at kumukuha nang tubig

pagkasabi niya ay nagpalit ako at pumunta akong city

madali ko namang nahanap yung winter cafe kasi sinundan ko lang yung pusa ni amythest na initusan niya para ihatid ako. at pagdating namin dun ay umalis na rin yung pusa agad

pumasok na ko sa cafe at umupo muna ko bago ko hinanap kong nasaan sila banda

nakita ko naman sila agad at nakikita kong tumatawa si taki
"tssk halatang pilit yung tawa" pa ngungumbisi ko sa sarili ko

at bigla na lang napalitan yung asar ko nang lungkot nung nakita kong hinawakan ni blake yung kamay ni taki at mukha namang okay lang si taki kaya lumabas na ko sa cafe at umuwi na

bat ko ba siya sinusundan? kaya niya naman sarili niya tsaka wala naman talaga kong karapatan diktahan siya kasi kaibigan niya lang naman ako..hays hiro kung anu-ano nanaman iniisip mo

dumating na ko sa dorm at dumiretso na ko sa kwarto para matulog

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon