nagising ako sa pag-aalog sakin ni ezekiel, 7:00 na kaya agad na rin akong naligo at pagkatapos ko ay lumabas na kong kwarto at sakto rin namang lumabas rin si taki sa kwarto nila
"goodmorning kabsat"
hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ko sa kusina kung saan nag-aantay na yung tatlo samin
pagkatapos namin kumain ay naglakad na kami sa bawat classroom namin
Values ang una kong subject tuwing tuesday at thursday kasama ko naman dito si gael at si taki
ilang saglit lang ay pumasok ang babaeng nasa 60's na nakapolo at mahabang palda
"goodmorning ms.lopez"
agad naman siyang nagumpisang magturo at tulad lang din to nang values sa normal na highschool kaya nabored din ako, kaya hindi na ako nakinig at sinubukang maglabas nang apoy sa palad ko, hindi naman na ko masyadong nahirapan at nagagawa ko na yun agad
"this is not PE class so please stop playing with your ability!!" sigaw ni maam at tumingin siya samin at nag-ayos nang salamin. tsaka ko lang napansin na sakin na pala sila lahat nakatingin
"sorry maam" sabi ko na lang at umupo nang maayos
pagkatapos nang klase ay nilapitan ako ni taki at iniabot niya sakin ang bag niya
"recess muna tayo" inabot ko naman yun at di na ko nagsalita
habang naglalakad kami sa may hallway ay nakasalubong namin si blake
"hi taki..san ka pupunta?" tsaka siya naghawi nang buhok
sa totoo lang naiirita ako tuwing ginagawa niya yun
"sa cante-"
napatigil si taki sa pagsasalita nung inabot ko nang pabato ang bag niya kay blake
"magrecess muna kayo at ikaw na bahala maghatid" pagkatapos nun ay umalis na ko para pumunta sa susunod na klase
Filipino.....10:30-11:30
2nd building 3rd floor room 60pagdating ko roon ay andoon na rin si ezekiel kaya sakanya na ko tumabi
"Hi!! bago ka rin dito diba?"
nagulat ako nung biglang may babaeng tumabi sa upuan ko.
tumango naman ako ay isinubsob ko yung mukha ko sa sa lamesa
"badtrip? anyway i'm angel faith mcbright but you can call me faith" tsaka niya inabot yung kamay niya
nakipagshake hands naman ako at ibinalik yung kamay ko sa ilalim nang ulo ko
ilang minuto lang ay dumating na yung teacher namin at kailangan nanamang magpakilala nang mga bagong studyante
"hi i'm angel faith mcbright, 17 years old, and my ability is ice-make"
"hi i'm akihiro gonzales, 18 years old ang my ability is fire-make"
"naks love team"
"opposite attracts"
"bagay kayo!!"paupo na kaming dalawa at lalo pa kamin inasar nung nakita nilang magkatabi kami nang upuan
napansin ko namang nakangiti si faith na tila ba nahihiya at ako naman ay nagsalumbaba at nakinig na kay ma'am
isang oras lang ang klase namin pero nabobore lang ako,kung titignan eh parang nasa normal na highschool lang ako dahil yng tinuturo nila rito ay kapareha lang sa dati kong school
nagpaalam na rin si maam kaya ginising ko na si ezekiel kasi sabi nila ay sabay kami laging kakain tuwing lunch
"bye hiro" napatingin naman ako kay faith at binigyan niya ko nang matamis na ngiti tsaka siya umalis
mag-isa kong lumabas sa room para pumunta dun sa canteen na pinagkakainan namin,nauna na si ezekiel dahil tinatamad daw siya maglakad
napatigil na lang ako bigla nung lumabas sa room nila si Amythest, Taki at Blake na nakaakbay kay taki
"kuya!!!" sigaw ni amythest nung nakita niya ko at pumunta sila sa kinatatayuan ko
"hi kabsat, di na muna ko sasabay sainyo sa lunch ah, bawi ako next time promise"
pagkatapos sabihin ni taki yun ay umalis na sila ni blake
"tara kuya, sabay na tayo"
tumango na lang ako kay amythest at pumunta dun sa canteen
pagkatapos namin kumain ay sabay na kami ni amythest na tumayo dahil magkaklase kami sa english
English.....1:00-2:00
2nd building groundfloor 45pagpasok pa lang namin sa building ay nakita ko nang andun si taki at blake sa harap nang classroom namin at bigla na lang kumulo yung dugo ko nung nakita kong hinawakan ni blake si taki sa kamay
"kuya yung kamay mo po"
nakita kong umaapoy yung kamay ko kaya agad ko naman yung pinatigil
"hi kabsat"
diretso lang ako sa pagpasok ko sa room at di ko na tinignan yung dalawa. kumukulo talaga yung dugo ko pag nakikita ko yung blake na yun
ilang minuto lang ay pumasok na si blake sa room at nakita ko namang pumasok sa elevator si taki
nairita na lang akong bigla nung nakita kong naghawi sa buhok si blake at kilig na kilig naman yung mga babae sa likod
"tssk akala mo kung sinong gwapo"
"nagseselos ka ba kuya hiro hehe" tanong ni amythest na narinig ata yung binulong ko
"a..ano!? ka.. kanino!? yuck!! diyan? bakit naman ako magseselos?" giit ko kay amythest na natatawa pa
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
General Fictionsi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...