omega318 on move

62 26 0
                                    

Amythest' POV

kanina pa ko rito nakaupo, at mag tatlong higen na rin akong napadaan sa harapan ko, isang batang lalaki, isang batang babae na may dalang teddy bear at si shadow mula sa Alpha25

dumating naman ang isang bubuyog at sinabing nakita niya na ang target ko, tumayo na ko para sundan siya nang bigla akong binalaan nang mga langgam na may paparating,

tumayo na lang bigla yung balahibo ko na para ba kong nakaramdam nang multo nung sinabi niyang apat silang magkakasama

"hi amythest" pambungad sakin ni blake

magkakasama silang dumating ni claire, zero at nang isang lalaki na siguro ay yung bago nilang member sa family

umupo naman si zero at sumandal sa puno, at nanatiling nakatayo si claire at yung lalaki samantalang dahan dahan namang lumalapit sakin si blake kasama ang dalawang mahabang bakal na singhaba nang isang meter stick

bahagya kung napapaatras, balak ko sanang tumakbo pero alam kong di rin yun makakatulong

kaya humanda na lang ako sa gagawin niyang pag-atake pero bago yun ay pinaluputan ko nang ugat nang malaking puno si zero na nakasandal sa puno, pero parang wala lang siyang pakialam

inumpasahan ko na rin atakihin si blake sa pamamagitan nang mga vines kaya nag-umpisa na rin siya sa pag-atake

nung una nakakasabay pa ko sa mga galaw niya pero bigla na lang na bumagal ang kilos nang mga vines ko at parang ambilis nilang malanta

"claire" naibulong ko ang pangalan niya nang maalala ko na kaya niya nga palang pahinain ang ability nang isang higen

napatigil na lang ako nang tuluyan na nga akong nasaksak ni blake sa dibdib

**********
Ezekiel's POV

kanina pa ko lumilibot libot simula nung nagpaalam ako kay taki na hahanapin ko muna yung tatlo naming miyembro nang makarinig ako nang mga naglalaban kaya pumunta ko mula roon

bahagya namang tumayo ang balahibo ko nang makita kong napatay na ni blake si amythest

magkakasama silang apat at tanging si faith lang ang wala sa kanila

andun din si zero na nakapapalibutan nang ugat nang mga sanga

di na ko nag-aksaya nang oras, kumuha ko nang matulis na sanga at nagteleport sa harapan ni zero

malapit ko na siyang mataan nang bigla umatake si blake sakin kaya inuna kong umilag na lang, pero sa ikalawang pagkakataon ay naiturok ko naman yung sanga sa mata niya na natitigan ko nang bahagya kaya muntikan na kong nalagay sa peligro

sinubukan ko na ulit magteleport sa ibang lugar pagkatapos ko siyang patayin pero halos hindi ako makaalis sa lugar na yun,

tsaka ko napansin na nakatingin sa akin si claire

"yaan mo na claire magiging target rin natin yan" sambit naman ni blake at nagteleport na ko pabalik sa yungib

**********
Taki's POV

kanina pa ko andito, at kanina pa umalis si eze para hanapin sila kabsat

hindi naman kasi pangbattle ang ability ko kaya wala rin akong maitutulong kaya mas mabuting dito na lang ako

ilang saglit lang ay may narinig akong paparating hinawakan ko naman agad yung sanga at nakahandang umatake sakanya, mukhang may dala siyang lampara o ano man yun kaya kailangan ko siyang unahan bago niya ko makita

"kabsat?" sambit ko naman at itinutok niya sakin yung apoy na hawak niya dahilan para makilala niya ko "nakascore ka na?" tanong ko sakanya

"ganyan talaga una mong tanong sakin, wala bang.."kabsatt kamusta ka, okay ka lang ba?" hays pangit mo" sambit niya at umupo

"hahahahaha sorry naman daw, visual world naman to eh hahaha kaya for sure magiging okay ka rin hehe"

bigla namang dumating si ezekiel na parang mukhang pagod na napahawak pa sa gilid nang yungib

"nakascore na ko mga toll hahaha" sambit niya at agad napalitan yung pagod niyang mukha sa mukha nang batang magbibirthday na bukas

"may negative points tayo" singit naman ni kabsat at agad ulit napalitan ang mukha ni ezekiel na para bang batang inagawan nang candy at walang nagawa "sorry na bro, wala kasi akong alam na paraan para mapaalis siya eh"

"hahahaha dibale baka marami nang points si kuya gael" sambit ko naman sakanila

"speaking nasan na siya?"

**********
Gael's POV

kanina pa ko naglalakad at may mga nakasalubong rin akong ibang higen, una ay yung lalaki mula sa alpha25 na tumatalon talon, sa pagkakantada ko anti-gravity ang ability niya pangalawa kung nakasalubong ay yung kambal na bata

napatigil naman ako nang makarinig ako nang malakas na pagsabog malapit sakin kaya sinundan ko kung saan yun

nakita ko naman dun si leonel mula sa alpha25 at kung tama ang pagkakatanda ko,mayron siyang ala-mantis na kamay na gawa sa bakal at isa sa ability niya ay ang self-healing

agad namang namuo ang bolang apoy na singkulay nang mansanas sa kamay nung batang babae kasabay nang pag-iiba nang kulay nang kanyang mata na nagliliwanag at lumalabas ang pulang sinag mula roon

nag-umpisa na ngang sumugod si leonel at ibinato nung bata ang bolang apoy na hawak niya kanina at halos mataan si leonel sa sobrang bilis nun akma na sanang susugod si leonel nang bigla na lang siyang natamaan nang kasunod pa nun dahilan para tumilapon siya at magkaroon nang maraming sugat sa buong bahagi nang kanyang katawan

tumayo si leonel at dahan-dahang bumabalik ang kanyang natural na balat na parang animo'y di nakatamo nang kahit na daplis man lang sa pag-atake nang bata

bahagya namang naningkit ang mata niya habang nakatingin sa batang babae at agad nanamang sumugod, pero tulad nang nauna ay hindi pa rin siya nakalusot at nanatiling malayo sa bata nang ilan pang metro

"whaaaaaaaaa" sigaw niya na para bang gusto nang tapusin ang laban habang tumatakbo papunta sa bata

sa pagkakataong yun, ay hindi kumilos yung bata para harapin ang gagawing pag-atake ni leonel at dahan-dahan pang inilagay sa likod ang parehong kamay

ilang metro na lang ang natitira at inilabas nang bata ang kanyang kanang kamay at parang mahika na tumilapon si leonel nang kusa

sinubukan tumayo ni leonel pagkatapos nang pag-atakeng yun pero mukhang hindi niya na magawa, habang nakadikit ang kanyang bakal at matulis na kamay sa bibig niya na para bang nabilaukan at gustong lumuwa, narinig ko pa ang pag-ubo niya nang mapansin kong may lumalabas na pulang sinag mula sa bibig niya at patungo na rin sa kanyang mga mata

nagliwanag ang nakabuka niyang bibig at mga mata, kasunod nang pagliwanag nang kanyang katawan at bigla na lang sumabog at muntikan pa kong matamaan nang kanang bakal na kamay niya

tsaka naman bumalik sa dating postura ang batang babae at isang malawak na ngiti nanaman ang gumuhit sakanyang mukha, pinulot mula sa gilid ang isang maliit na teddy bear at umalis habang sumisipol


Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon