andito kami ngayon sa Gargoyle's restaurant, at agad naman nang umorder si ezekiel nang hindi man lang kami tinanong kung ano ba ang gusto namin
"mamasyal muna tayo bago tayo mamalengke, para naman makapamasyal si akihiro dito, tsaka yang mga damit na sinusuot niya oh parang ilang beses nya nasusuot sa isang linggo."
"sige po kuya pero pagdating nang 6:00 mamamalengke na po tayo kasi mamayang 10:00pm po ang laban ni kuya hiro"
bigla na lang akong kinabahan nang maalala kong sumama pala ko sa underground battle
ilang saglit lang ay dumating naman na agad yung order namin dala nung mamang mukha talagang gargoyle
"gulay? wala na ba silang ibang sineserve dito?"
"kuya hiro, isa pong vegetarian restaurant ang gargoyle's"
napatingin naman ako kay taki na sarap na sarap sa pagkain, halos lahat naman ata nang pagkain masarap para sakanya
"oh kainin mo na rin tong akin" tsaka ko inilapag yung plato ko sakanya
"duhhh hindi naman ako ganun katakaw noh tsaka ,kailan ka ba matututong kumain nang gulay, isshhh"
"eh sa ayaw nga nang sikmura ko anong magagawa ko"
******
andito kami ngayon sa isang mall para mamili na rin nang mga gamit namin"kabsat alin dito sa dalawa ang mas bagay?"
napalingon naman ako kay taki na may hawak na dalawang dress"wala....wala naman talagang bumabagay sayo, bilhin mo na pareho"
"iish pangit ka, wag na nga"
akmang ibabalik niya na yung mga dress kaya hinablot ko sa kamay niya at binayaran sa counter
mas gusto kong ganto ang isinusuot niya, simple lang pero mas nagmumukha siyang cute sa harapan ko
"kala ko ba hindi bagay sakin"
"wala namang bagay sayo kaya kahit anong isuot mo walang bago"
"oo na diyan kahit hindi, damit mo naman hanapin natin" hinawakan niya kamay ko ay kinaladkad ako sa men's area
"sukat mo to dali" inabot niya sakin yung 3/4 na camouflage tsaka isang t-shirt at parang naghahanap pa nang iba
"hoy taki villaflor, ako ang magsusuot kaya ako ang mamimili"
"isusukat mo o isusukat mo!!"
"isusukat na po kumander" um-oo na lang ako kasi nanlilisik nanaman mga mata niya
lumabas na akong dressing room at nakaupo naman si taki sa harapan ko at may isang umaalalay samin
"ang gwapo niyo naman po sir"
nginitian ko na lang yung babae bilang tugon"okay na, sukat mo naman to"
kinuha ko na lang lahat nang pinapasukat sakin ni taki nang hindi nagrereklamo
kung makapili kala mo kung siya magsusuot, sampung pares ata piniling damit
"kunin na po namin lahat"
sabi ni taki dun sa saleslady at nginitian pa ako bago umalisbigla na lang akong binatukan ni taki "geez bakit nanaman"
"tumigil ka nga sa pagpapacute"
"sorry, cute talaga ko eh, effortless na yan"
"kapal"
"ohy artista oh" napatingin naman si taki sa tinuro ko "sorry salamin pala hahaha"
binilisan naman ni taki lakad niya kaya agad na kong nagbayad sa counter para masundan sya
*****
andito kami ngayon sa isang bookstore kasi namimili si amythest nang mga libro"san si ezekiel?"
"baka nasa flametech po ulit"
"kabsat puntahan ko muna si ezekiel, hintayin niyo na lang kami dito"
naglakad na ko papunta dun sa area kung saan puro gadgets ang binebenta, at pumasok ako sa isang shop na may pangalang flametech
maluwang rito at kung anu-anong gadgets ang makikita mo. dumiretso ako sa area nang mga gadgets kung ano anong klase nang PSP ang andito, yung iba is dito ko lang din nakita
"oh tol, san si taki?"
"kasama na ni amythest sa bookstore. ano binili mo?"
"wala pa hehehe, 200k ang pinakamura dito, kaya tingin-tingin lang muna ko sa ngayon"
200k ang gameboy nila, what the
... pero still gusto ko bumili para may libangan man lang ako, tsaka 3 billion naman pinamana sakin eh, hindi naman siguro agad-agad mauubos to"ahmm ano ba yung pinakamaganda nila dito?"
"bibili ka tol? itong PS200 ang pinakamaganda, worth P430,000"
"430K? whatta, mga 200-300k lang sana"
"PsX? 230K tol"
"sige okay na yan" pumunta naman na kami sa counter at inabot ko na yung card
pagkababa nung cashier nang telepono ay bigla na lang may lumitaw na lalaking nakasalamin at puti na ang buhok
yumuko silang dalawa sa harapan ko at napatingin naman yung iba pa nilang co-worker at yumuko rin nang nakaharap sakin
"ahmmmm ezekiel......anong nangyayari?"
bigla naman nagsalita yung matanda sa harapan ko
"master, matagal na po namin kayong hinihintay, noong namatay si sir hiro azler ay sainyo na po pinamana ang lahat nang kanilang assets at isa na po roon ay ang flametech""whooo tol, isa kang azler? sayo tong flametech? whoa grabe, tooolllll di ako makapaniwala, look at my face, this is the face of amusement"
"sir azler, pwede po kayong kumuha nang kahit anong gadget na gugustuhin niyo"
agad namang nawala si ezekiel at lumitaw na dala na ang PS200 samantalang ako ay lutang pa rin, akala ko kasi pera lang iniwan sakin
"tol akin nayang PsX, balik ko na eto na lang kunin mo"
inabot ko naman na sa cashier yung PS200 at pagkatapos ay yumuko na ko sa harap nung matanda at nagpasalamat at lumabas na kami sa shop
lutang pa rin ako habang naglalakad kami papuntang bookstore, so ibig sabihin pala yung 3 billion is hindi pa yun yung limit nang ari-arian na meron ako
"akala ko kuya eze wala ka pang pera"
"kay akihiro to hinihiram ko lang"
"bumili ka nang gameboy kabsat, baka maubos pera mo ah wag ka ngang masyadong magastos"
"wag kang mag-alala taki, hindi basta basta mauubos pera niyan, hindi niyo ba alam na isa syang azler hhahhahaha"
"azler ka po?"
"azler ka?""eh ano naman kung azler ako"
"bat di mo sinabi agad, kailan mo pa alam" tanong ni taki sakin na halatang nagulat din sa nalaman niya
"lahat po nang azler dito sa nōryuko ay mayayaman at karamihan nang mga building dito ay mga azler ang nagmamay-ari"
sa totoo lang nagugulat din ako sa mga nalalaman ko, grabe pala yung surname na azler dito, pano kaya itsura nila sa room kung azler ang ginamit kong apelyido noong nagpakilala ako
"ahhhh di ko naman alam yang mga ganyan"
"guys kung umuwi muna kaya tayo, tsaka sa dorm niyo na lang pag-usapan" sambit naman ni ezekiel na tutok pa rin sa paglalaro
kinuha ko naman yung mga bitbit nilang shopping bag at naglakad na kami pauwi
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
General Fictionsi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...