histories

156 31 0
                                    

"sorry......... nakwento na lahat ni ezekiel sakin.. sorry if mas kinampihan ko siya sorry kasi di ako nakinig sayo so-"  napatigil siya sa pagsasalita nung lumapit ako sakanya ay pinunasan yung luha niya

"oks na, ang pangit mo pala masyado pag umiiyak ka, wag ka na iiyak ulit ah hahaha"

bigla niya na lang ako binatukan

"iishh..... pangit ka rin"

bigla na lang lumabas sa kwarto si amythest

"sige na kabsat, maligo muna ko" paalam naman ni taki sakin

"oo nga.. ang baho mo na"  pagkasabi ko nun ay dinilatan ako taki bago pumasok sa kwarto nila

"magluluto ka na?"

"opo sana, pero masyado pang maaga kaya maya na lang pong unti" sabi niya tsaka umupo sa katabi kong couch

"ahhm.. amy"

"po" sabi niya habang nakatingin pa din dun sa isang libro

"kilala mo ba yung kuya ni taki"

"si kuya miko po?.. opo, bakit po ba?"

humarap na siya sakin kaya agad ko na rin ako nagtanong

"ano nangyari sakanya? nasaan na siya ngayon?"

"wala pong nakakaalam kung nasaan siya, wala na rin nakakaalam kung buhay pa ba siya?"

"ano ba nangyari"

"nasa grade 3 palang po kami ni ate taki, nung nangyari yun, bale naglalaro po kasi sila ni ate taki nun at si kuya miko na grade 7 nung taon na yun, then hanggang sa napunta sila sa cursed forest, sabi ni taki may mga higen na balak silang hulihin kaya tumakbo sila pero sakanilang dalawa si taki lang ang may superspeed at para hindi na siya habulin eh hinarap ni kuya miko yung mga yun..... lumipas na ang ilang taon ay hindi pa rin nakakabalik si kuya miko kaya marami ang nagsasabi na patay na siya pero ayaw pa rin yun paniwalaan nang parents niya, masyadong nalungkot yung mommy ni taki kaya napagdesisyonan nila na manirahan na lang sa mundo nang mga pureblood pero nagpaiwan si taki rito hanggang sa makapagtapos siya nang grade 6....... sige po kuya, magluluto na po ako"

"ah sige thankyouu, sensya ka na hindi ko alam magluto kaya di kita matutulungan hehe" sabay kamot ko at ngiti sakanya

"oks lang po, gusto ko po talagang magluto" tumalikod na rin siya at nagumpisa nang magluto

bigla ko na lang naalala yung registration sa underground battle

tumayo ako para kunin yung libro na nabili ko sa bookstore at bumalik dito sa couch

nadismaya lang ako kasi halos lahat nang nakasulat dito ay alam ko na , dinescribe niya lang ang pagkakaiba nang fire-manipulation at fire-make then sinabi niya rin na ang fire-make ay hindi ganun kainit dahil naubos na yung energy para bumuo nang isang bagay tas dito na sa bandang likod ay nakasulat mga pangalan nang mga kilalang fire-manipulationist at fire-maker,

isa sa mga pangalan na nakita ko at ang nag-iisang kilala ko ay "hiro azler"

"kabsat"

napatingin naman ako kay taki na lumabas nang kwarto nila at umupo sa tabi ko, sa iisang couch

"ganda ko noh?" tsaka siya ngumiti at nagbeautiful eyes

"kunting ligo na lang... kamukha mo na aso namin" bigla niya nanaman akong binatukan

"iish..."
"ano yung binabasa mo?" tanong niya na nakatingin sa hawak kong libro

"wala lang, babasahing pambata..kabsat kwento ka nga" sabi ko at sumandal sa couch 

"ano naman ikwekwento ko?"

"kahit ano?"

"magtanong ka na lang kaya duhhh"

"ahmmm... describe mo si gael, amythest at ezekiel para sayo"

"ahmmm si amythest? ahmm kita mo rin naman na sobrang bait niya, hindi siya marunong magtanim nang galit and madali siyang masaktan pag nakakarinig siya nang kung ano galing sa ibang tao.. si ezekiel naman sobrang jolly, minsan seryoso, minsan tahimik lang din, masayahin siyang tao pero mabilis siya mapaiyak nang kahit na ano tsaka si gael......... ibang iba siya ngayon kesa dun sa totoong gael na nakilala ko."

"ano ba pinagkaiba?" tanong ko sakanya

"noon sobrang jolly ni kuya gael, gusto niya maging kaibigan lahat nang mga nakapaligid sakanya, he's allowing his self to look dumb just to make other people laugh, laging siya ang nagsosorry kahit hindi niya kasalanan dahil takot siya mawalan nang kaibigan, siya lagi nagaadjust, siya lagi nagpapaubaya... for him friendship is the best relationship he had, di kasi siya close sa parents niya, never nga siyang pinayagan nang mama niya matulog dito sa dorm nung nasa elementary pa lang kami kaya pag sumusuway siya eh napapagalitan siya, lagi kasing magkaaway parents niya dahil sa financial problems,halos araw-araw may away sa bahay nila kaya minsan sakanya na nabubunton galit nang parents niya. matalino siyang studyante at masipag sa mga gawaing bahay pero lahat nang yun ay parang wala rin kasi mas napapansin nang parents niya yung mga maling bagay na ginagawa niya. pero sa kabila nang lahat pumapasok pa rin siya sa school na masaya at palabiro, ayaw niyang ipakita sa iba na nahihirapan at nasasaktan siya, minsan nga nahuhuli na lang namin na umiiyak na pala siya. bale sa friends niya na lang niya nakukuha maging masaya , friends na lang yung inaasahan niya na kahit papano eh makakapagpasaya sakanya, kaya takot siyang mawalan nang kaibigan hanggang sa isa sa mga bestfriend niya yung parang sinisiraan siya tuwing may hindi sila pagkakaintindihan, laging nagaadjust si gael dun at lagi din naman yung nagsosorry ang kaso nga lang wala pa ring nagbabago, tuwing may hindi pagkakaintindihan sinisiraan niya pa rin si gael then ilang months ang lumipas may isa nanaman siyang kaibigan na parang kahit anong effort niya ay parang wala lang dun, binibigay ni gael yung best niya para intindihin yung kaibigan niya pero parang sinasabi nung kaibigan na wala siyang kaibigan, nasaktan si gael dun pero hinayaan niya na lang kaso umabot na sa punto na yung kaibigan niyang yun ay binabaliktad na siya hindi directly bale pasaring niyang sinasabi, nambibintang siya kay gael nang kung anu-ano. then ngayon ayaw na magkwento ni gael kahit kanino sabi ni amythest. si gael yung example nang -nagmahal -inabuso -napagod at nasaktan kaya ayan, wala nang kaemo-emosyon"

pagkasabi nun ni taki ay parang ako yung nasaktan para kay gael, halos same lang kami kaso mas malala sakanya, si taki lang kasi naging kaibigan ko sa mundo nang mga pureblood kasi hindi din naman ako ganun kafriendly

"kuya hiro! luto na po yung pagkain"

Noryuko City (world of special abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon