"hoyyyy, gisiiingg naaaa" narinig kong sigaw ni taki habang hinahampas ako nang unan
akma na kong tatayo nang bigla naman akong nahulog sa sahig nung hinampas ako ni gael nang unan
"7:30 na, wala ka bang balak pumasok" wika ni gael at sabay na silang lumabas ni taki para kumain
deymm sakit nang panga ko dun ah
********
"whooaaa my gosshhh huhuhuhu" bigla na lang akong nagising nang sinwitch ni gael yung shower at nabasa ako, hinarangan niya agad yung pinto kaya di na ko nakalabas nang cranlamig kaya nun, tsaka magdadalawang oras lang tulog ko
nakatulog ako ulit sa lapag kanina noong hinampas ako ni gael nang unan para magising
"aalis na kami, bilisan mo na dyan para maabutan mo pa first subject" dinig kong sabi ni gael na nasa tapat lang nang pinto10:00 na nung matapos akong kumain, inaantok pa rin kasi ako pero agad na rin naman na kong naglakad papunta sa school
breaktime na kaya pumunta na lang ako sa canteen at nakita ko naman agad sina ezekiel kaya lumapit na ko
"oh hi kuya akihiro" sambit ni amythest nung umupo ako
may kasama silang dalawang lalaki na hindi ko kilala
"kabsat! si drexel and desmond....desmond,drexel si akihiro"
"nice to meet you bro" sambit naman nung desmond daw ang pangalan kaya nakipag-kamay naman ako sakanilang dalawa
"sila po yung nagtanggol samin kahapon" sambit naman ni amythest
"nga pala kabsat kaklase pala natin sya math at values" sabik na pananalita ni taki
ilang saglit lang ay tumayo na sila gael at nagpaalam na rin si drexel samin
"ako na magdadala nang bag mo" sambit ni desmond sabay kuha nang bag ni taki
naglakad na sila papasok sa building at nasa likuran lang nila kong dalawa, di ko naman kasi sila kaklase sa science kaya di ako makapasok sa usapan
********
finally natigil na rin yung klase, kanina pa ko lutang kakaisip nang kung anu-ano"taki ta-" napatigil ako nang bigla na lang kinuha ni desmond yung bag ni taki
"tara na taki sabay-sabay na tayo kumain"
lumabas naman na kaming kwarto at papunta na ngayon sa canteen
kanina pa sila nag-uusap hindi ba sila nagsasawa tssk
hanggang sa pagkain sila pa rin yung nagkukulitan
"kuya ayaw mo nang pagkain mo?" tanong naman sakin ni amythest
"late na kasi ako nagbreakfast kaya medyo busog pa ko sa ngayon....mauuna na ko guys"
"bro diba magkaklase kayo ni taki sa history hintayin mo na lang sya" sambit naman ni desmond
wow ah memorize niya talaga agad sched ni taki
"hindi, okay lang kabsat mauna ka na... sabay na lang kami ni desmond umakyat dun tutal nasa iisang floor lang naman tayo" iwan ko pero para kung sinaksak sa puso sa sinabi ni taki pero dumiretso na lang ako agad sa room
tinaas ko yung dalawa kong paa sa harapang upuan at tinakpan ko yung mukha ko nang panyo
mga ilang minuto pa ay dumating na yung teacher namin kaya umayos na ko nang upo at nakita ko si taki na nasa tabi ko na
"kanina ka pa ba dyan?"
"yupp, di na kita kinulit kasi baka inaantok ka" sambit niya tsaka bumalik dun sa sinusulatang papel
"okay" hays iwan pero parang may-iba eh dati naman kinukulit mo ko regardless kung anong mood ko
natapos yung klase nang hindi kami nag-uusap nakatuon lang sya dun sa papel na sinusulatan niya ni hindi nga nakikinig
"ano ba yan" matamlay kong tanong sakanya
" ang alin?"
"yang sinusulatan mo"
"ahhh eto, nagcocompose kami nang kanta ni desmond, mahilig pala sya maggitara hehehe, gusto mo marinig naumpisahan na-"
"wag na diba nga di ako mahilig sa music" wala naman talaga kong kaalam-alam dun, basag pa boses ko, ang alam ko lang magpinta at gumawa nang tula
"hi ms.villaflor" bungad naman ni desmond sa labas nang room at binuhat na ulit bag ni taki
sabay sabay na kaming pumunta sa field
"byebyee"
"byeeeeee"
pagpapaalam ni taki at ni desmond sa isa't isa
"bukas ay magkakaroon nang mini games ang school for all level kaya sa ngayon ay magtratrain tayo as a group pero bago yun ay magkakaroon muna tayo nang practice sa pakikipaglaban"
pagkasabi ni maam yun ay pumwesto na kami at sinundan lang ang ilan sa mga tinuro niyang techniques sa pakikipaglaban, mabilis sya gumalaw at maliksi kung ikukumpara sa edad niya
"okay so, magsstart na ang totoong practice.. remember... kailangan niyong kumilos as a team"
biglang may nilabas si maam na parang malaking bakal
"kung naaalala niyo ang pagkatalo niyo against omega318 for sure naaalala niyo rin si android CZ-18 ,pero this time di niyo kailangan nang mabilisan, ang kailangan niyo munang gawin ay magkaisa para mahuli siya.....time...start... now" binuksan naman ni ms.thana yung bakal na lalagyan at sabay sabay na lumipad yung tatlong android
agad naman nagsitubo yung mga halaman ni amythest at pilit hinahabol yung mga android ,kumuha naman nang ilan si gael sa mga ugat na yun at pilit hinuhuli yung iba pa at teleport naman nang teleport si ezekiel pero wala pa rin syang nahuhuli , gumawa naman ako nang ilang blade sa kamay ko at binato yun ang kaso masyadong malilikot yung mga android kaya nahihirapan kaming hulihin sila
"WAIIIIITTTT... ang sabi ni ms.thana magtulungan tayo!!" sigaw ni taki samin kaya napatigil naman kaming apat
"amy gumawa ka nang tunnel na may dead end using the vines, hiro gumawa ka nang malaking barrier 3 meters away sa entrance nung tunnel, ezekiel pakiramdam mo yung mga lumalayo sa bitag at pigilan mo sila, i mean bahala ka nang gumawa nang paraan basta pumasok sila sa tunnel , kuya gael kumuha ka nang dalawang vines at pigilan mong makalayo yung mga android sa place na kinalalagyan nang tunnel, takutin niyo sila hanggang sa piliin nilang pumasok sa tunnel at kung nagawa na natin , hiro magpakawala ka nang apoy sa loob at isara mo kaagad yun amythest, kuya gael pag nasara na ang tunnel kailangan mong ipitin yun hanggang sa maubos yung space sa loob understand?"
gumalaw naman na silang apat kaya ginawa ko na rin yung hinhingi ni taki na barrier
ilang saglit pa ay pumasok na yung mga android sa loob kaya nagpakawala na ko nang apoy at hinugot ni kuya gael yung halaman at hinampas nang ilang beses sa lupa na parang trashbag lang yun, nakaramdam pa ko nang parang kunting pagyanig nang lupa sa sobrang lakas nang hampas niya"take a rest" sambit ni ms.thana at umalis
3:30 pa lang pero naghanda na rin kami para umuwi except kay taki na nakaupo at umiinom nang tubig
"hoy pangit bat di ka pa nag-aayos"
"mauna na lang kayo kabsat, sunod na lang ako" sambit niya habang nakatingin sa malayo
sinundan ko naman kung san banda sya nakatingin , and yun nga..... pinapanuod niya si desmond na nageenhance nang ability
kinuha ko na bag ko at dumiretso na sa dorm, kinuha ko na lang yung gameboy at doon ko na lang tinuon atensyon ko
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
General Fictionsi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...