andito na kami ngayon sa underground battle and 10 minutes na lang at maguumpisa na yung laban
"galingan mo ah, para naman magkatapat tayo, ang pangit naman tignan kung sa unang round pa lang bagsak ka na, pero don't worry hindi naman nakakapagtaka yun" pang-aasar sakin ni blake at kumindat pa kay taki bago umalis
ikaapat ako dun sa board at panglima naman si blake kaya kailangan muna naming manalo nang dalawang beses para magkatapat kami
"announcement po sa lahat nang player magii-start na po ang laban sa loob nang isang minuto
*****
"next battle sa aking kanan ang nagbagaga.. DRAGONpumasok na ko sa loob , at tumingin sa taas kung nasan ang mga manunuod, at sa loob kung nasan sina taki, andun rin ang buong omega na nakatingin sakin
"at sa aking kaliwa ang umaapoy sa bilis, lightning"
pumasok na sa loob ang lalaking nakatopless at maskulado ang katawan
"3.. 2.. 1.. fight"
bigla na lang nasa harapan ko na yung lalaki at nagpakawala nang malakas na suntok dahilan para mapaatras ako , ang bilis niya gumalaw kaya gumawa muna ako nang barrier para hindi muna sya makalapit
"booooooo!!!"
"lumabas ka dyan bata!"
"duwagg"hindi ko na lang pinansin yung mga nasa taas na nanunuod at itinuon ko ang atensyon ko sa kalaban
inalis ko yung barrier , napansin ko nang papalapit sya kaya agad akong nagpakawala nang fireball sa kaliwang kamay dahilan para mapatigil sya at agad kung pinuntirya yung kanan niyang paa nang isang blade kasabay nang mga fireball na ibinabato ko para hindi niya mapansin yung blade
ilang saglit lang ay nakita kong natamaan ko ang kanan niyang paa pero nanatili syang nakatayo, bigla na lang sya tumakbo papunta sakin pero hindi na kasing bilis nung nauna kaya nababasa ko na kahit papano ang galaw niya, akmang susuntukin niya na ko pero bigla syang mapadapa nung sinaksak ko nang knife yung kanan niyang paa
" game overrrrr , ang nanalo, dragon"
lumabas na ko nang arena at narinig kong tinawag na si blake sa loob
"mygoshhh akihiro, okay ka lang ba" pambungad sakin ni faith at hinaplos niya nang malamig na kamay yung bahagi nang mukha ko na nasuntok kanina"
"ahmm okay na faith, thankyou" saka ko na inalis yung kamay nya
hinawakan niya naman nang mahigpit yung kamay ko at tumingin sa mga mata ko "mag-iingat ka ah"
"hahahaha oo thankyou ulit" binitaw ko naman yung kamay niya at lumapit na kina taki
"ate taki, mas okay po siguro kong pagagalingin niyo yung pasa ni kuya hiro"
"kailangan pa ba, mukhang okay na okay naman na dahil sa haplos nang babaeng yun" pabalang na sinabi ni taki pero hindi ko na lang muna pinansin at pinanuod yung laban ni blake
ilang saglit lang ay tumumba na yung kalaban ni blake at duguan
"akihiro, una ko pa lang yun" sigaw ni blake sa kinatatayuan ko
"yaan mo na tol.....yezzz chicken dinner"
iwan ko kung kinakausap ba talaga ko ni ezekiel o yung PS200 na ang kausap niya hays
patuloy lang yung labanan at nanunuod na lang ako para kahit papano ay may matutunan ako
"anddddd NOW, we're moving to second round at walong kalahok na lang ang natitira..........para sa ating unang laban sa aking kanan si DOS at sa aking kaliwa DRAGON"
sa pagkakaalam ko sya yung lalaki na ang ability ay kayang maging dalawa
"3.. 2.. 1.. fight"
gumawa ako nang knife at nagumpisa na syang tumakbo papunta sakin na may dalang knife at agad na umatakake sakij kaya umilag ako pero bigla na lang may isa pang umatake galing sa likuran niya dahilan para masugatan yung kanan kong balikat at matumba ako sa sahig
akma nang sasaksakin ako nung una kaya nagpagulong ako ngunit hinawakan nanaman ako nang pangalawa at agad sinuntok sa mukha nung nauna
agad akong nagpakawala nang malaking apoy dahilan para mapalayo silang dalawa at agad akong sumugod at pinagsusuntok yung una habang umaapoy yung kamay ko
umatake naman sakin yung pangalawa pero nakailag ako at nagpakawala ako nang fireball at tumilapon sya sa dulo nang arena
tuloy lang ako sa pagsuntok sa kalaban dahil hindi na makatayo yung reflection nya dahil sa ginawa kung atake kanina
"ding ding! ding!! DING!! DING!!!"
tumigil na ko nung narinig ko yung bell
"and the winner is DRAGON"
lumabas na ko at sinalubong nanaman ako ni faith
"hiro ayos ka lang ba?"
"duhhh nasaksak sya sa balikat tapos tatanungin mo kung okay lang sya, hoy AKIHIRO GONZALES halika rito, hindi gagaling yang mga pasa at sugat mo sa payelo-yelo lang" sigaw naman ni taki sa kinaroroonan namin
"sige faith, thankyou sa concern" nginitian ko naman si faith at lumapit na kila taki
"kuya hiro kaya mo pa po ba?"
"okay lang amythest, basic lang to" tsaka naman ako kumindat sakanya
"basic mo yang mukha mo, umupo ka na" hinawakan naman ni taki yung sugat ko at pwinersa ako paupo
"ouch huhuhuhu dahan-dahan naman kabsat"
itinapal niya sa sugat ko yung dalawa niyang kamay at kahit papano ay nararamdaman ko na nababawasan yung sakit na nararamdaman ko
nabigla na lang ako noong narinig ko na tapos na agad yung laban ni blake at siya yung nanalo
pinanuod ko naman yung natitirang dalawa pang laban at namamangha ako sa bilis at mga kakayahan nila
bigla na lang hinawakan ni taki yung pisngi ko at halos ilang metro lang yung layo nang mukha niya sa mukha ko
"hoy ano nanamang klaseng panghohokage yan"
bigla niya na lang akong binatukan "ohy yuck ang kapal mo, umupo ka at manahimik ka diyan, si blake na yung susunod mong kalaban kaya kailangan na buo yung lakas mo"
"hahhaha opo kumander"
tumayo naman sya nang tuwid noong matapos niya na pagalingin lahat nang pasa at sugat ko, at wala na kong nararamdamang sakit na para bang hindi ako nakipaglaban
"and now, ang ating semifinals ang ating first fight!! BLADE vs. DRAGON at sa second fight NIGHTINGALE vs. 7th NINJA"
"maari na pong pumasok ang mga kalahok sa first fight"
sabay naman na kaming pumasok ni blake
"3.. 2.. 1.. fight"
![](https://img.wattpad.com/cover/142426260-288-k171256.jpg)
BINABASA MO ANG
Noryuko City (world of special abilities)
Fiction généralesi akihiro gonzales ay isang simpleng teenager lang hanggang sa makatanggap siya nang isang sulat galing sa nōryuko academy which is a school for those people who have a special abilities. note: newbie ang author kaya kung naniniwala ka sa kasabiha...